Chapter 3

10.4K 392 174
                                    

Dedicated to imagirlwriter. For the book club ;)

---

How to Love

Chapter 3

Sumakay kami ng jeep ni Christine para makarating dun sa village nila. Hindi siya totally nagsasalita except lang dun sa pagsasabi ng bayad po. Kung si Sofia kasama ko, ang sasabhin ko "Bayad po. Dalawang dyosa." Mga asumera lang eh noh? Wala eh ganun talaga. Nakakahawa pagiging mayabang ni Ralph eh.

Tinanong ako ni Christine kung okay lang daw ba maglakad na lang kami papasok since malapit lang daw. Wala naman akong problema kung maglalakad kami. Hindi naman kasi ganun kaiinit ngayon; makulimlim.

Tumigil kami sa isang bahay na may dalawang floor. Maganda sa loob, maaliwalas at malinis. Mahangin din dito kaya ang sarap tumambay dun sa sala nila kasi open. Nagpaalam si Christine na mag-papalit siya ng damit at kukuhain yung laptop niya.

Nagikot-ikot muna ako dun sa sala nila at nakakita ng family picture. 7 pala silang lahat dito sa bahay. Bunso yata si Christine. Buti pa sila may mga ganyang picture. Have I already mentioned that my mom is a single parent? Well, yeah. Lagi nga lang siyang busy lagi sa work kaya hindi kami laging nagkakausap pero pagnagkasama naman kami para naman kaming hindi mapaghiwalay. It's either outdoor adventure or shopping.

Nakaramdam ako bigla ng gutom and I doubt na may lutong pagkain dito kila Christine dahil walang tao. Nakakita ako ng telepono at chineck kung may dial tone ba. Fortunately, mayroon naman. Sinilip ko sa phone ko yung number ng Shakey's at nag-order ng tatlong box ng pizza.

Sakto naman pagkatapos kong makipagusap sa Shakey's bumaba na si Christine. "Simula na tayo?" she asked.

"Sige. Dito na lang tayo sa sahig ah? Mas malamig eh." I said and sat down on the floor with my legs crossed. She stared at me confusingly before sitting down opposite me across the table.

"San tayo magsisimula?" I asked.

"Dun na lang muna tayo sa mga pangalan ng mga class officers."

"Pwede bang ako na lang magtype?" I asked and she spun her laptop so that it was facing me. Kinuha niya yung notebook niya kung saan nakalagay yung mga pangalan naming mga class officers. It still felt weird for me na muse ako. Never pa kasi ako nagiging muse eh! Di naman kasi ako qualified. Di naman ako maganda.

Nagsimula na kong mag-type, si Christine naman ayun tahimik lang na gumagawa ng mga design para dun sa background ng bulletin. Nangangalahati na ko nung marinig ko yung busina ng motor ng Shakey's. Agad naman akong lumabas at nagbayad kasama na tip at thank you at bumalik na dun sa sala nila.

"Bakit parang ang dami naman?" she asked.

"Ah. Napansin ko kasi na medyo marami kayo dito sa bahay kaya naman bumili na ko para na rin sa kanila." I said and opened up the first box.

"Thank you, ah?" she said and put away the other two boxes. I told her na share na lang kami dun sa isang box.

Kumain muna kami then I wiped my fingers clean when I finished before resuming to work. I was close to the end when I couldn't take the silence anymore. "Ang tahimik mo pala talaga."

Tumango lang siya.

"Matanong nga kita," I said and she looked at me but I still kept my eyes on my work. "Bakit ka namula kanina nung tinawag ka ni Alvin?" She didn't answer so I decided to continue. "Kung sabagay. Kahit sino naman atang tawagin ni Alvin mamumula. Malay mo ba na kilala ka pala nun." Then I shrugged. I looked at her past the screen of the laptop and saw her blushing. "Huy!" I said to get her attention. "Anung nangyayare sayo?"

How to LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon