Chapter 2

2.2K 93 75
                                    

= Chapter 2 =


I was focused over what I said to him that I forgot to answer my Mathematics assignment. He's just like the cliff and I am the sea. I can't reach him unless my waves will be like of a tsunami.

Well, from what I did, I am a tsunami.

"Bukas pa General Mathematics natin, Fayre. Huwag kang mag-alala," sambit ni Joy nang kukunin ko na sana ang notebook ko sa General Mathematics.

"Salamat sa pagpapaalala, Joy. Nakalimutan ko talaga," I replied with a painted smile on my face.

"Walang anuman, ikaw pa."

"Uy, kain tayo ng kwek-kwek mamaya, ha. Punta tayong plaza, saka buko na rin," aya ko.

"Sige!" Nasiyahan siya sa sinabi ko. "Pero pagkatapos na dapat ng klase, Fayre."

All I thought was, our next class would be General Mathematics. Well, that was what I thought before I knew it was actually Organizational Management.

Matapos ang klase ay dumiretso na kami agad ni Joy sa plaza. Hindi na kami naglinis, hindi naman kami ang cleaners, e.

"Ano ba ipapares mo sa kwek-kwek mo, Joy?" tanong ko habang bitbit-bitbit ko na ang dalawang kwek-kwek na nakalagay sa isang bowl. "Gulaman? Buko? Lemonade?"

"Buko na lang," sambit niya.

Naghanap na kami ng upuan sa plaza kung saan kami makakakain.

"Makakatulog kaya ako nito ngayong gabi?" bulong ko sa sarili ko.

"Sa tingin ko, hindi," rinig kong sagot ni Joy.

"Bakit naman?" I asked.

"Tumingin ka roon," she said as she pointed something from afar.

Shit!

Sinapak ko siya nang malakas at tumayo. Lumipat ako ng puwesto dahil nakita ko na naman siya.

"Invel," I whispered. "Stop driving me crazy."

"Hoy, ba't ka ba lumipat?" tanong ni Joy.

"Coincidence lang ba o sadyang ba't palagi ko siyang nakikita ngayong araw na 'to?" Inayos ko muna ang pagkakaupo ko at tiningnan si Invel mula sa malayo.

Nakita kong niyaya siyang kumain ng mga kaibigan niya, pero parang humindi at piniling hindi magsalita. Ganito ba talaga siya?

Pagkatapos naming malamon ang mga kwek-kwek namin ay isinauli na namin ang bowl doon sa may-ari. Afterward, we went near the road and waited for a tricycle to come over.

"Barangay Talisay po ako, doon sa may crossing sa hilltop," sambit ko.

"Yung kasama mo?"

"Ah, si Joy? Doon lang po siya sa Barangay Triangulo, sa may JR Gasul na hardware," sabi ko.

Sumakay na ako, pati na rin si Joy. Sa front seat ako sumakay dahil gusto kong maalala yung nangyari kaninang umaga.

I just can't. . . ugh.

"Dito na lang po ako," I said as I arrived in front of my house after minutes flew away. "Mauna na ako sa'yo, Joy."

Pumasok na ako ng bahay mag-isa dahil nagtatrabaho na naman si papa ngayon sa opisina niya. Hindi bale, gusto ko namang mapag-isa, e.

Pero dapat kasama siya.

Ano ba 'yang iniisip mo, Fayre?!

"Okay, okay. Sasagutan ko na lang asignments ko," I said to myself.

If You Were Him (UNEDITED)Donde viven las historias. Descúbrelo ahora