One Night On Summer

17 9 8
                                    

April 9, 2019

It was a tiring Tuesday night. After doing my chores, I entered my room and decided to check my social media accounts for a while instead of going to sleep.

Una kong pinuntahan ang site ng facebook at agad naglog-in. Bumungad sa akin ang napakaraming messages na karamihan ay galing naman sa iba-ibang group chats na sinalihan ko. Hindi na ako nag-abala pang buksan ito. Nagtipa naman ako ng reply sa mga private messeges.

Isa-isa kong tiningnan ang mga notifications. I was tagged on a post by a friend whom I just recently knew. Some also reacted on my cover photo and my three friends commented on it. Nagreact ako ng like sa mga post at nagtipa ng reply sa mga nag-comment. Sinagot ko naman ang katanungan nila tungkol sa post. Hindi ko na binuksan ang ilang notifications dahil tungkol ito sa page na hinahandle ng kaibigan ko.

Pagkatapos kong mag-facebook ay naglog-in din ako sa wattpad. Naalala kong kailangan ko pang i-transfer ang mga files na sinulat ko doon sa word document para matapos ko na ang mga drafts. Nang makuha ko na ang kailangan ay agad akong naglog-out.

Hindi pa ako inaantok kaya nakinig muna ako ng music. Nagsearch ako sa youtube ng mga music videos at nanood narin ako ng mga sayaw at mash-ups. Gusto ko pa sanang manood ng movie kaso Rom-com ang gusto kong panoorin ngunit sa kasamaang palad kailangan ko ng tumigil dahil low battery na ang laptop.

Instead of waiting it to be fully charged, i decided to take my sleep. I turned the lights off and climbed into my bed. I close my eyes and creative ideas flows into as I make some stuffs inside my mind. Cause it was already a habit of mine to create life inside my mind. In short, I do use my imagination and I'm having my imagination session. However, there is something bothering me; strange scene popping and bugging my thoughts.

Nakapikit ang mga mata ng biglang sumagi ang isang bagay sa aking isipan kaya napadilat ako.

Inakyat ang bahay namin ng isang magnanakaw. Dumaan ito sa bintana at nang makitang may tao ay agad nitong kinuha ang patalim. Sinaksak niya ang babaeng nakahiga sa kama. Napatili ang katabi nito at agad na napigilan ang muling pagsaksak ng magnanakaw habang ito ay nagsusumigaw na ng tulong.

Akmang sasakmalin na siya nito pero dahil sa takot ay naitulak ng babae ang lalaki patungo sa bintana. At dahil sa lakas ng pagkatulak ay nahulog ito at kumalabog pababa.

Agad niyang dinaluhan ang sugatang babae na kanina pa gumagapang patungo sa pintuan. Malalim ang saksak nito sa katawan at nagkalat ang sariwang dugo sa sahig.

Nakakakilabot mang isipin pero nakito ko mismo ang pangyayari saking isipan. Ako ang babaeng nasaksak. Nakita ko ang sariling duguan at nakahandusay sa sahig. Nakita ko kung paano umiyak ang katabi ko para humingi ng tulong, sumigaw para lang may makarinig sa kabilang kwarto.

Nanghihina man ay sinikap kong abutin ang cellphone sa kama kahit namimilipit sa sakit ang buong katawan ko. Hindi ko na alintana ang dugong mawawala.

Nang makuha ko na ang cellphone ay agad kong hinanap ang numero at tinawagan si papa. Matagal rin bago nito nasagot ang tawag. Siniguro kong maayos ang boses ko bago magsalita. Sinikap kong hindi mabasag ang boses ko ng marinig ko ito sa kabilang linya. Hindi ko alam ang sasabihin kaya kinumusta ko lang ang mga tao sa bahay lalo na ang mga kapatid ko. Sana ay maging maayos sila at makapagtapos ng pag-aaral. Sa akin kasi nakaatang ang responsibilidad bilang natitirang panganay na nag-aaral kaya nalulungkot akong hindi ko iyon matutupad. Hindi ko na yata kakayanin.

Pero sa kabila ng sakit ay kailangan kong sabihin ang mga salitang kahit kailan ay hindi ko pa nasasabi kay papa. Alam kong maaaring ito na ang huli dahil sa mga oras na ito, konti nalang ang natitira sa akin.

Napabuntung-hininga bago tuluyang pinakawalan ang mga salitang, " I love you, P-pa."

Naglandas ang mainit na likido sa aking mga mata at naglakbay sa aking pisngi. Hindi ko na ito pinunasan. Gusto ko na lamang umiyak ng tahimik para hindi magtaka si papa. Nakakatawa lang kasing isipin na sa ganitong sitwasyon ko pa ito nasabi. Ngayong mamamatay na ako. Bakit ba kay hirap sabihin na mahal natin ang isang tao?

Nagising ako kinabukasan na may bigat saking puso. Hindi ko aakalain na makikita ko iyon sa isipan. Parang totoo. Kaya huwag nating dumating sa puntong kailangan na nating magpaalam sa isa't isa bago pa natin masabing mahal natin sila lalo na ang mga magulang natin. Darating din ang araw na may mawawala at walang nagsisi sa simula, ito'y palaging nasa huli.

One Night On Summer #HHC2019Where stories live. Discover now