The Murderer's Command

422 26 3
                                    

WARNING: This story may contain strong language, adult content, depictions of violence, religions, politics, and elements that are not suitable for some audiences. Viewer discretion is advised.

UMUPO ang lalaki at humarap sa camera. Inilabas niya ang isang makapal at itim na holy bible. Itinapat niya ito sa camera at nagsimulang magsalita.

"Pagbati sa inyong lahat na mga nanonood. Kita n'yo ba itong hawak ko? Isang bible. Isang holy bible. Dahil hindi ako naniniwala sa tinatawag ninyong Diyos, sisirain ko ang bible na ito sa harapan ninyo! At wala kayong pake sa mga gagawin ko dahil nanonood lang kayo. Bahala kayong sumabog sa galit d'yan dahil hindi n'yo 'ko mapipigilan! Pupunitin ko ang bible na ito habang nakikinig sa mga kanta ni Marilyn Manson. Kaya watch and die motherfuckers!"

Pinindot ng lalaki ang "play" button ng radyo sa kanyang tapat. Pagkasimula ng musika, itinaas niya ang mga kamay habang hawak ang bibliya. Sumabay siya sa bawat bagsak ng drums. Kapagkuwa'y dahan-dahang pinunit ang unang pahina ng bibliya.

"Putang ina ni Lord! Putang ina ng mga Katoliko!" sumisigaw na sabi niya habang sunod-sunod na pinunit ang mga pahina ng bibliya. Sumayaw-sayaw pa siya at sinabayan ang ilang parte ng kanta.

"Fuck all the Christians! Fuck your religions! I don't want to be like you! Ayokong maging katulad ninyo! Ayaw kong maging sunud-sunuran sa isang nilalang na hindi naman totoo! Kaya heto ang bagay sa inyo na mga naniniwala sa kanya!" Nilukot niya ang isang pahina at isinubo sa kanyang bibig pagkatapos ay muling sumabay sa kanta.

Magkahalong saya at galit ang ekspresyon ng kanyang mukha habang ginagawa iyon. Walang makikitang kahit anong pagkahiya o pagsisisi sa kanyang anyo. Gustong-gusto niya ang ginagawa at buong puso niyang ipinagmamalaki ito.

Nang maubos na ang mga pahina sa bibliya, muli niya itong iniharap sa camera at nagpakawala ng malaking ngiti. "Ganyan! Ganyan ang dapat na ginagawa sa fairy tale book na ito! Ano, nag-enjoy ba kayo? Ayan lamunin n'yo!" Ibinato niya sa camera ang balat ng libro. Pagbagsak ng recording device sa lamesa ay nagdilim na ang screen nito. Doon na rin tinapos ng lalaki ang video.

DINUDUMOG ngayon sa internet ang viral video ng isang lalaking pinupunit ang bible habang minumura ang mga Kristiyano. Umabot na sa twenty million ang views nito. Umani rin ito ng batikos mula sa mga netizens. Ang iba ay nagkomento ng kanilang panalangin na sana'y mapatawad pa ng Panginoon ang kaluluwa ng lalaking iyon. Ang iba naman ay sinabing kahit nabubuhay pa ito ay sinusunog na sa impiyerno ang kaluluwa nito.

Pati ang ibang mga muslim na nakapanood nito ay hindi rin nagustuhan ang ginawa ng lalaki. Ayon sa kanila, kahit hindi sila Kristiyano ay nirerespeto pa rin nila ang nasabing relihiyon. Mabuti na lamang daw at hindi dinamay ng lalaki ang Islam sa video. Dahil kung sakaling pati ang Holy Qur'an ay pinunit din nito, mapipilitan silang hanapin ang lalaki para pugutan ng ulo.

Maging ang mga atheist na nakapanood sa video ay nagbigay ng negatibong komento. Sabi naman nila, kahit wala silang kinikilalang mga Diyos o relihiyon, mas mabuting sarilihin na lamang ang paniniwalang iyon at hindi na dapat idinadaan sa ganoong kalokohan. Sobra na raw ang ginawa ng lalaki at kahit sila ay hindi iyon tanggap.

Ang lalaki sa naturang video ay nakilala sa pangalang Patrick Salvador. Nakatira ito sa Bagong Barrio, Caloocan. Ngunit mula nang mag-viral ang video nito, naglayas na ito sa sariling tahanan at hindi na alam kung saan nagpunta.

Ayon sa mga nakakakilala rito, naisip nilang baka may sakit na sa utak ang lalaki. Hindi naman daw ito ganoon dati. Bigla na lang itong nagbago sa hindi nila malamang dahilan. Katunayan, pinatay din nito ang sariling mga magulang sa loob mismo ng kanilang bahay. Kasabay niyon ang paglabas ng video nito sa internet na gumulat sa maraming tao. Magmula noon, hindi na nakita pa ang lalaki. Wala nang nakakaalam kung saan ito nagtatago.

KILABOTWhere stories live. Discover now