CHAPTER 37

1.9K 69 2
                                    

A/N:

New chapter for you guys..

                      ____________________

Hindi ko pinagsisihan na lumipat ako dahil sa pagkalipas ng ilang araw ay nagkaroon na ako ng mga kaibigan..

"Elle! Bilis halika!"pag anyaya sakin ni Rose..

"Huh? Bakit?" Natatawa ako dito dahil sa masiyado itong aligaga.. Nakita nanaman niya siguro si Kyle.. tsk! Tama kayo ng narinig si kyle nga ng the kings ang crush niya..

"Basta sumunod ka nalang" tulad ng sabi niya ay sumunod na nga ako..

Hindi din nagtagal ay nakarating na din kami sa ground.. at kahit na sobrang layo nito ay nakikita ko pa din siya..

Ang kaisa isang taong minahal ko..

"Huy! Anyare sayo?"tanong ni Rose..

"Ah wala hehe"pagiiwas ko dito..

"Nga pala may gusto lang akong itanong sayo.. Naging kayo ba talaga ni Kaisser?" Hindi ko alam pero parang bigla akong nabulunan kahit wala naman akong iniinom o kinakain..

"Huh!? Ano bang tanong yan!" Hindi ko alam kung matutuwa ba ako sa sinabi niya o ano..

"Bali balita kasi dati sa classroom na madalas kayong magkita at ikaw lang ang babaeng kinausap niya matapos silang nagbreak ni- ugh! Tama dapat hindi ko siya banggitin" may mga ganun palang chismis na kumakalat?..

"Kung ano mang chismis yun wag mong paniwalaan dahil walang kami at walang naging kami.. Ang totoo nga dyan eh madalas pa nga kaming mag away nun walang araw na hindi kami nag aaway minsan sobrang napipikon na ako sa kaniya to the point na umiiyak na ako haha ewan ko lang ba kung bakait may ganyang chismis na kumakalat haha ang weird niyo!" Naalala ko nanaman tuloy yung mga nakaraan..

Hindi ko maiwasang mapangiti habang kinukwento yun..

"Oh bakit ganyan ka kung makatingin?" Sabi ko kay Rose kasi yung mga titig niya paara may meaning..

"Mahal mo siya tama?" Hindi ko ineexpect ang tanong na yun.. Pero mas hindi ko ineexpect na nalaman niya..

"Huh? Hahaha joke ba yun?" Kunwaring natatawang sabi ko..

"Ah tama hindi ko na kailangan pang tanungin ang isang bagay na obvious na natural na itatanggi mo lang yun" tama siya.. Pero obvious nga ba talagang gusto ko siya?..

Tumalikod ito at nanood nalang ulit kaya tulad niya ay nanood nalang din ako at tahimik na tinitigan ang isang taong namiss ko talaga..

"Miss mo na siguro siya no?"hindi ko alam pero mukhang mapagkakatiwalaan naman siya..

"Oo.. Sobra" nakakalungkot lang nakailangan ko siyang iwasan para sa ikakabuti ko..

"Kung ganun bakit mo siya iniiwasan?" Bakit nga ba?..

"Kasi gusto kong takasan ang isang bagay na alam kong imposible" nakangiti pero malungkot kng sabi..

"Natatakot kabang sumugal?"nagtaka ako dahil sa tanong niya... Sugal?

"Well malay mo lang naman gusto ka din pala niya inaantay ka lang niya" bigla namang bumilis ang tibok ng puso ko dagil sa sinabi niya..

Paano kung ganun nga? Pero kasi si Taniza..

"Kung kinakatakot mong mareject isa kang duwag"tuloy pa nito..

"Alam mo kasi Acielle sa mundong ito kung hindi ka marunong sumugal walang mangyayari sayo.. Masasaktan kalang ng masasaktan, Huwag kang matakt sumugal dahil para sayo din yun kasi oras na sumugal ka malalaman mo na ang kasagutan diyan sa puso mo at sa oras na malaman mo na ang kasagutan promise gagaan talaga yang loob mo" hindi ko alam pero parang tama lahat siya sa sinabi niya pero natatakot talaga ako..Lalo na kay taniza na hindi ko pa lubusang kilala..

When Ms.Nobody meets Mr.Popular [COMPLETE]Where stories live. Discover now