EPILOGUE

2.8K 88 13
                                    

Paano mo nga ba masasabing mahal mo ang isang tao? Sa the way ba kung paano ka kinikilig o sa pag seselos?.

Actually for me hindi naman talaga yun ang basehan ng pag mamahal because if you really love someone you can risk everything para lang ma-save ang relationship niyo at pag nag-simula ka ng matakot na mawala siya. Well may sari-sarili naman tayo ng definition about love.

So yun nga nandito kami ngayun sa simbahan. Don't get me wrong hindi pa kami ang ikakasal ni kaisser dahil si Kyle ang ikakasal, akalain niyo yun si kyle papala ang unang maikakasal sa amin.Sa sobrang seryoso at ilap niya sa babae akala ko hindi na siya makakahanap ng kaniyang forever pero tignan niyo naman ikakasal na ang mokong.

By the way 2 years na kaming graduate sa college and we are all successful.

Si Kenjie ayun naging isang ganap ng piloto sa kanilang negosyo ewan ko pa sa kupal na yun bakit hindi niya nalang tanggapin ang pamana ng kaniyang mga magulang,ang sabi niya lang ay pinangarap niya talagang maging piloto nagbiro pa nga ito sabi niya dun daw kasi walang maingay,kupal talaga pustahan siya ang nangunguna sa kaingayan. Pero ang totoo niyang dahilan ay gusto niyang na bago niya hawakan ang kumpaniya nila which is yung airline na sikat na sikat ngayun,so yun nga sabi niya bago niya hawakan yun gusto niya munang maranasang mag hirap kasi nakakahiya naman daw kung bigla bigla nalang siyang magiging boss samantalang yung iba nilang employee ay nakaranas muna ng hirap bago makaakyat sa magandanag posisyon. Kaya naman nagsusumikap ang lolo niyo. Hindi man kapani paniwala pero yun po talaga ang totoo. Imagine si kenjie naisip ang mga bagay na ganun pero biro lang alam ko naman na busilak lang talaga ang puso nito.

At si Kyle as you can see ikakasal na nga siya kay Rose! Oo mga madla kay Rose nga! Akalain niyo yun si Rose lang pala ang gigising sa natutulog na si kyle what I mean is naging vocal na kasi si kyle sa nararamdaman niya simula ng makilala niya si Rose . Hindi ko din inaasahan yun pero syempre tinanggap ko ng buong puso ang desisyon ng kaibigan ko. At yun nga si kyle ay isa ng ganap na business man,di tulad ni kenjie tinanggap niya ang pamana ng mga magulang dahil matatanda na din ang mga ito at matagal naman na daw siyang nagtrain para sa kumpaniya. Isa itong CEO sa isang sikat na hotel. Imagine ang tahi tahimik niyangvtao tapos magugulat nalang ako sila na pala ng kaibigan ko. Madalas kasing ikwento ni Rose si Kyle,antipatiko daw siya at parang napunta daw lahat ng sama ng loob ni kaisser sa kaniya dahil sa ang init daw lagi ng ulo nito sa kaniya eh wala naman daw itong ginagawang masama, kinuha kasi ni Kyle si Rose bilang secretary ng magpunta ito sa kumpaniya niya at nagbabaka sakaling makuha sa trabaho kaya di na nakapagtatakang mag kainlovan ang dalawa.Parang kami lang kasi ni kaisser.

And lastly! Si kaisser. Hmm ano nga ulit pinagkakaabalahan ng kupal na yun? De joke lang. Ganito kasi yan si kaisser hindi niya din tinanggap ang pamana which is yung school kasi hindi daw bagay yun sa tulad niyang gwapo! Ang kapal ng mukha pero oo na totoo na gwapo siya hays. So yun business man na din siya hindi lang basta basta business man dahil pasok ito sa listahan ng pinakamayayaman well kahit naman loko loko ang isang yun magaling naman talaga siya. So yun nga ang business na sinasabi ko ay isa siyang imbertor ng alak. Mahilig talaga siya dito. Naalala ko pa ang kwento ni momma (yes yun na daw dapat tawag ko sa kaniya. Btw mommy yun ni kaisser) so yun nga nag-kwento ito sakin tungkol sa pagkaadik daw ni kaisser sa wine and bata pa daw ito nakikita na daw nilang yun ang magiging business nito at okay lang daw sa kanila dahil may magpapatakbo naman na daw ng kanilang negosiyo at yun ay ang ate ni kaisser.

Kung tatanungin niyo naman kung kamusta na ako. Okay na okay ako. Isa na din akong ganap na na business woman but unlike kila kaisser nag sisimula palang ako duh! Ang hirap kayang magpatakbo ng isang restaurant lalo na at kulang ako sa experience pero siyempre laging nandyan si kaisser at ang mga kaibigan niya para iguide ako.

When Ms.Nobody meets Mr.Popular [COMPLETE]Where stories live. Discover now