Chapter 4

6K 136 1
                                    

NAPAHINGA si Harvey ng malalim habang hinihintay sa salas ang kapatid na si Candy. Tahimik lang sina Aira at Mary na nakaupo sa sofa habang nakatingin sa kanya.

“Hon, pwede bang maupo ka na lang,” pagkuway sabi ni Mary.

Hindi niya ito sinunod, patuloy lang siya sa paglalakad ng pabalik-balik sa harap ng mga ito.

“Harvey, you’re over-reacting. Hindi naman siguro seryoso si Candy when she said na gusto rin niya ang Trinity na ‘yun. Hindi naman siguro siya papatol sa kapwa niya babae,” ani pa ni Mary.

“You don’t know my sister. Lahat gagawin niya para tuluyang—”
Napatigil siya sa pagsasalita nang bumukas ang pinto at pumasok si Candy.

“Ayoko nang makita or malaman na sumasama ka sa Trinity na ‘yun, Candy,” agad na sabi niya.

“Hindi mo ako pwedeng pigilan sa gusto kong gawin sa buhay ko, Kuya. At saka pwede ba, itigil mo muna ang pakikialam mo sa akin. Bago mo intindihin kami ni Trinity, I suggest na pag-usapan na muna ninyo ng fiancée mo ang sarili ninyong buhay.”

“Maayos ang relasyon namin at wala kaming problema. Ikaw ang nagbibigay sa akin ng sakit ng ulo at mga problema!”

Tumaas ang kilay ni Candy. “Oh really? Then alam mo na palang hindi na naman matutuloy ang kasal mo next year?”

Natigilan naman siya at napakunot ang noo. Sinulyapan niya si Mary, halatang nabigla ito sa sinasabi ni Candy. Si Aira naman ay kunot rin ang noo na nakatingin kay Candy.

Muli niyang tiningnan ang kapatid. “What? Ano ba ‘yang sinasabi mo?”

“Bakit hindi mo itanong diyan sa girlfriend mong wala nang ibang iniisip kundi ang career niya. Ask her kung saan siya pupunta two months from now at ano ang two year contract na pinirmahan niya,” ani Candy.

“Saan mo naman napulot ang—”

“Kuya, iniisip mo bang gawa-gawa ko lang ang bagay na ‘yun para ma-divert ang atensyon mo? Hindi ako gumagawa ng kwento, pero hindi na rin mahalaga kung paano ko ‘yun nalaman,” putol sa kanya ni Candy.

Muli niyang tiningnan si Mary pero nag-iwas ito ng tingin.

Tumayo si Aira. “Iiwan na muna namin kayo para makapag-usap kayo ng maayos, Kuya.”

Magkasamang umakyat patungo sa mga silid nito sina Aira at Candy. Hindi naman niya inaalis ang tingin sa nobya. Gusto niyang ito ang maunang magsalita pero nanatili itong nakayuko at walang imik.

“Is that true?” tanong niya pagkaraan ng ilang sandali nang hindi pa rin nagsasalita si Mary.

Sinalubong na nito ang mga mata niya pero hindi nagsalita. Napabuga naman siya ng hangin. Kahit na hindi ito magsalita ay nakuha na niya sa mukha nito ang sagot sa kanyang tanong. Napaupo siya sa sofa at isinubsob ang mukha sa dalawang palad.

Hindi siya makapaniwalang gagawin na naman ito sa kanya ng babae for the second time! Two years ago nang una silang nagplano ng kasal. Nakahanda na ang lahat pero one month before their wedding ay hiniling ni Mary na ikansela muna iyon dahil may magandang contract itong natanggap mula sa isang company. Sayang naman daw kasi ‘yung perang kikitain nito sa pagmomodel para sa nasabing kompanya.

Napilitan siyang pagbigyan ang babae dahil alam niyang kailangan nito ang malaking halaga para matubos ang lupaing isinanla ng mga magulang nito, ayaw naman kasi ng babaeng tanggapin ang tulong na iniaalok niya. Binalewala na lamang niya ang kahihiyan at kantiyaw na inabot niya dahil sa pagkakaudlot ng kasal nila.
At ngayong nakahanda na rin halos ang lahat ay uulitin na naman ng babae ang ginawa nito.

❤Finally Love Has Come My Way (COMPELETED; Published under PHR)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon