Chapter 10

11K 267 33
                                    

TINANGKA niyang sundan si Trinity pero mabilis na itong nakalayo. Napahinga siya ng malalim at saka pumihit pabalik sa loob ng bahay nila kung saan naiwan si Mary.

"Ano'ng sinabi mo sa kanya?" agad na tanong niya nang makaharap muli ang dating nobya.

"Ang totoo," simpleng sagot nito.

Nagtagis ang bagang niya at naihilamos niya ang palad sa mukha niya. "Ano bang ginagawa mo rito? Dapat nasa Milan ka na 'di ba?"

Ilang sandali ang lumipas bago sumagot ang babae. "I realize na hindi ko pala kayang tuluyan kang mawala sa buhay ko."

Napatitig siya rito.

Lumapit sa kanya ang babae. "Harvey, I'm sorry. Please let's give ourselves another chance. Ituloy na natin ang kasal."

Napahinga siya ng malalim, ano ba talaga ang akala ng babae na ito, na ganoon lang kadali ang lahat. Na kapag gusto nitong ipakansela ang kasal ay pwede at kung kailan nito gustong ituloy ay ayos lang rin.

Hinawakan nito ang kamay niya. "Let's start all over again."

Binawi niya ang kamay rito at tinungo niya ang sofa saka naupo roon.

"Harvey, kung gusto mo ako na ang mag-aasikaso ng lahat ng preparation para sa kasal. I'll-"

"Ano ang sinabi mo kay Trinity kanina?" putol niya rito.

Tiningnan siya ng babae. "Sinagot ko na ang tanong na 'yan ah, ang sabi ko sinabi ko na sa kanya ang totoo."

"About what?"

"About sa pinag-usapan ninyo ni Kenneth na you will make her fall for you para mailayo siya sa kapatid mo."

Napabuga siya ng hangin. "Why did you do that?"

Nangunot ang noo nito. "Dahil sooner or later sasabihin mo rin naman 'yun sa kanya 'di ba, kapag nasiguro mo na hindi na niya guguluhin pa si Candy. And I think it's about time para malaman na niya iyon. Mukha namang babaeng-babae na siya eh. Kaya naisip kong sabihin na sa kanya para huwag naman siya masyadong umasa na mahal mo nga siya," patuloy nito.

Sinalubong niya ang mga mata ng babae. "Hindi ko siya panapaasa."

"W-what do you mean?"

"Mahal ko si Trinity."

Ilang sandali ring natigilan ang babae dahil sa sinabi niya, maya-maya ay umiling ito. "No."

Hindi siya nagsalita pero nanatili siyang nakatitig sa mga mata nito.

"Sinasabi mo lang iyan para makaganti sa akin, dahil sinaktan kita noon. You cannot fool me Harvey, kilalang-kilala na kita."

Payak siyang napangiti. "I'm sorry to say this, pero I think hindi mo pa ako gaanong kilala."

"Paano naman mangyayari na mamahalin mo ang babae na 'yun eh galit ka nga sa kanya 'di ba?"

"Hindi ako galit sa kanya, Mary. Hindi ko lang gusto ang ginagawa niyang panliligaw sa kapatid ko noon," pagtatama niya rito.

Umiling ito. "Hindi, palabas lang naman ang panliligaw mo sa kanya eh. Alam ko ang napag-usapan ninyo noon ni Kenneth, ikinuwento sa akin ni Romeo ang lahat."

"Hindi ko idi-deny na napag-usapan nga namin 'yun ni Kenneth. Nag-suggest siya sa akin na iyon ang gawin ko at oo naisip ko ngang gawin 'yun. Pero bago ko niligawan si Trinity mahal ko na siya at nakalimutan ko na ang napag-usapan naming iyon ni Kenneth."

Nakita niya ang pangingilid ng luha ng babae.

"I love her, Mary."

"Ganoon na lang ba kadaling kalimutan ang lahat ng pinagsamahan natin?" maluha-luhang sabi nito.

❤Finally Love Has Come My Way (COMPELETED; Published under PHR)Where stories live. Discover now