CHAPTER 2

3 3 0
                                    

2019-2035...

7 years ago..

"Sige iire mo lang malapit na" pangungumbinse ng doktor

"arrrrrhhh, m-mama hindi k-kona k-kaya" nanghihinang ungol ng babae agad na hinawakan ng ginang ang kamay ng anak

"Kaya mo yan anak nandito lang ang mama"

"Isa papo misis nakikita kona ang bata"

At sa huling pagkakataon, inilabas na ng babae ang sanggol na makapagbabago ng lahat

ang sanggol na itinakdang magbago ng kapalaran

"Congrats po misis babae po ang anak ninyo" nakangiting sabi ng babaeng doktor matapos maalis ang ang nakakabit na pusod sa bata

inilagay nila ang bata sa tabi ng kanyang nakangiting Ina

"Napakagandang bata ang inyong anak misis, ano ang nais ninyong ipangalan sa munting anghel na iyan?" nakangiting tanong ng doktor na nagpaanak

humarap ang Ina at ngumiti

"Celestine, Celestine Agatha po ang nais kong ipangalan sa kanya" nakangiting anya ng ina

tumango ng nakangiti ang doktor. maya maya pa ay nagpasya na itong umalis

"Anak" ani ng ginang at hinaplos ng marahan ang ulo ng anak, humarap sa kanya si sora ng may luhang bumabagsak

"M-ma ang a-anak ko" ani ni sora at pinahid ang mga luhang bumabagsak sa mata nya

"Alam kong mahirap para sayo anak na malayo ang anak mo sayo pero para sa kaligtasan nya kailangan mo tong Gawin" hindi na naitago pa ng ginang ang hikbing kanina nya pa pinipigilan

Tumango si sora sa ina

maya maya'y narinig nila ang atungal ng bata, agad na inalo ni sora ang anak ngunit ganon na lang ang gulat nila ng magilaw ang braso nito matapos tignan Ito ng ginang

"M-ma an-anong nang-yayare?"

"Kasabay ng pagkasilang ng anak mo sora ay kasabay din ng pagkasilang ng taong sisira sa lahat, sora sa lalong madaling panahon kailangan mo ng malayo sa anak mo" hindi magkanda-ugagang ani ng ginang

Tumango ng nakangiti si sora

--

"Isinilang na sya Anastasia, kasabay ng pagsilang ng iyong anak" seryosong tugon ng ginang sa babaeng nakahiga na kakapanganak pa lamang

"Saan ko maaaring makita ang batang sinasabi mo?" tanong nito na nilingon ang ina

"Hindi ikaw ang makakakita sa kanya Anastasia" patuloy na sambit nito

"Anong ibig mong sabihin?"

"Ang iyong anak Anastasia, sya ang nakatakdang makakatagpo sa batang itinakda"

"Kailan ko maaaring sabihin Ito sa anak ko?"

"Sa ikapitong pagkakatakip ng buwan sa araw"

Matapos ng lintanya ng ina nilingon ng babaeng nagngangalang Anastasia ang bagong silang nyang anak na lalaki

"sayo nakasalalay ang kayamanan at katanyagan at kapangyarihan ng pamilya natin anak, balang araw ihaharap mo sakin ang babaeng yon ng wala nang buhay" nakangiting ani ng babae habang nilalaro ang kamay ng anak

humagikgik ang bata na animo naintindihan ang winari ng ina

- E N D O F C H A P T E R T W O ! ! ♥

Don't forget to vote and comment :>

PredictionWhere stories live. Discover now