Chapter 10 • Charlie's Birthday.

74 3 0
                                    

Charlie's POV

Nang makarating kami dito sa apartment ay nag pahinga muna kami saglit at halos lahat kami ay nag half bath. Ako ang unang natapos.

It's already 5:03 in the evening.So I decided to order a 5 boxes of pizza, 7 buckets of chicken wing and 3 different kinds of sushis.

Nakita kong nasa ref na ang mga drinks, mamaya pa dadating ang mga inorder namin para sakto.

Nasaan na kaya si Allyson? Gabi na a. Totoo nag aalala lang ako kasi babae sya at baka mapaano sya.

"Oy! Tumawag si Allyson." Ani ni Charlotte.

"Oh?" Tanging sagot ko.

"May kasama daw kasi sya, kung pwede daw bang isama dito?" Pang hihingi nya ng permiso galing kay Allyson.

"Why not?" Sagot ko.

Saktong dating ng inorder namin ay sya namang dating ni Allyson. May kasama syang babae,maliit at chubby???

"Andito na si Allyson!" Sigaw ni Joshua.

Kanina pa sila andito kasabayan lang namin silang makarating dito sa apartment.

"Guys, this is Angel. Angel this is everyone hehe" pag papakilala nya samain.

Should I approach that girl Angel and greet her with "Hi I'm everybody?." tawa kayo libre lang hahaha.

Nag pakilala sila isa isa ako nalang ang hindi, nakita kong nakatingin saakin si Allyson kaya naman nag smirk ako at Inirapan nya lang ako.

"Angel, that is Charlie." sabat ni Jacob habang nakaturo saakin. " Hindi yan mahilig mag pakilala sa tao e, actually di yan mahilig sa tao." Natatawang sabi ni Jacob.

Naalala ko yung inoorder namin nasa labas na, papunta ako sa pinto pero andoon parin sila Allyson.

"Excuse me" sabi ko at agad naman syang umalis para makalabas ko.

Allyson's POV

"Excuse me" sabi ni Charlie kaya naman agad ako tumabi at para makalabas sya.

"Ang gwapo bai" pagtutukoy nya kay Charlie na kakalabas lang.

"Yon? Psh" inis kong sabi sa kanya.

"Grabe ka, totoo naman" natutuwang sabi nya.

"Upo ka doon, wag kang mahiya sa mga yan maliligo lang ako saglit" sabi ko sa kanya.

Pagka tapos kong mag paalam dumaretso agad ko sa kwarto para kumuwa ng gamit. Mabilis lang ako na ligo, actually nag half bath lang ako. Pag labas ko ng pinto nakita ko si Charlie na inaayos yung mga inorder nya, naalala ko tuloy yung pag smirk nya sakin kanina.

(May sayad na talaga. mygash!) 

After a few minutes, kumain narin kami. Doon kami sa coffee table sa salas kami kumain lahat kami naka upo sa sahig, habang kumakain may nag iinom ng beer at may nag kukwentuhan.

"Ang gwapo talaga!" parang namamanghang sabi ni Angel kay Charlie.

"Alam ko." pabiro yung tono ng pagkakasabi. 

Kaming dalwa lang ni Charlie ang umiinom ng juice dahil nga ayaw namin sa beer. Nasa kalagitnaan palang sila ng pag inom nag yaya si Angel na mag-laro. Spin the Bottle na puro truth.

"Ayaw ko." ani ko.

"Wala, lahat sasali ang di sasali totorturen" naka ngising sabi ni Charlotte.

"As if naman--" di pa ako tapos sa pag sasalita nilabas ni Charlotte ang 10 pieces na sushi na nasa isang container.

(10 pieces talaga yun promise, alam na alam ko yun hehe)

"Pag di ka sumali ipa-flush namin 'to sa kobe--" di ko na sya pinatapos at sumali na ako.

Ipaikot ni Charlie ang bottle at tumutok ito kay Joshua.

"Sinong crush mo?" tanong ni Angel.

"Hmm. There's a girl named Cassandra, I met her in School and I really like her." seryosong sabi nya.

(A-aray! Hindi naman masakit e, ok lang ako lang talaga ako. Promise) pag kausap ko sa sarili ko, nasaktan talaga ako ewan ko ba kung bakit ako umaasa sa kanya e,halata namang walang pag-asa. Nakita kong naka tingin si Lotte sakin at agad ko naman syang nginitian.

Si Joshua naman ang nag pa ikot ng bottle parang ginagawa nya sa puso ko areng! Tumutok ito.... sa akin?!

"Tell us about your list, I mean your list para pumasok na "Perfect guy" atleast 5" sabi ni Jacob.

"Ah-eh bakit ayon?" takang tanong ko.

"Curious lang, gawa nung...Check!check!check!" pang gagaya ni Jacob kay Charlotte tuwing sinasabi nya yun. Nag sitawanan kaming lahat.

"Walang bisyo"

"Yung magaling at masarap mag luto"

"Yung mapapasaya ako"

"Yung nag aaral ng mabuti"

"At yung mabait"

"HAHAHHAHAHHAA isa nalang kulang pare" tawang tawa sabi ni Tom.

Huh? may sayad den.

"Oo nga Lie, sayang naman. Akala ko pa naman ikaw na yung dinedescribe nya kaso yung dulo-- HAHAHAHAHAHAH" Laughtrip silang lahat sa sinasabi ni Tom.

"Tarantado! Hindi ko naman type yan." hindi ko alam kung natatawa ba siya o seryoso.

Hindi ko alam pero parang may tumusok sa puso ko nung narinig ko yung "Hindi ko naman type yan" nag kataon lang siguro, ayokong mag isip ng kung ano.

"Weeeeh?!" sabay na sabi ni Tom at Jacob.

"Psh" tugon nya sa dalawa.

Inikot ko na ang bottle at sumakto ito kay Charlie. Wow what a coincidence.

" You don't really like, Ally?" tanong ni Charlotte.

Itong babaeng to, kaasar.

Tumingin muna sya sakin, bago sya tumingin kay Lotte. "Hindi ko sya Type." seryoso nyang sabi.

Ulit-ulit? Inulit? As if I care.

"Sabi na nga ba e!" sigaw ni Tom at Jacob. Sinamaan lang sila ng tingin ni Charlie.

Weird..

"Mamaya na ulit, kumain muna ulit tayo HAHAHA" sabi ni Charlotte.

"Nubayan di pako na tutukan ng bote e" dimayadong naiiyik na sinabi ni Angel.

Inabot sakin ni Charlotte yung sushi na nasa container at tuwang tuwa ko namang hinalikan sya sa pisngi. Mabilis ko lang naubos yun, biten beshy. Nakita kong nakatingin si Charlie sakin, tumatawa sya. Pinang kunotan ko naman sya ng noo at bigla silang umalis.

Kami nalang ni Charlie ang natira dito. Psh.

"Miss Chubby, Oh." hindi ko na kailangan tumingin alam ko na agad kung sino yun. Atsaka sya lang naman kasama ko dito.Tss.

"Ayaw mo?" natatawang sabi nya. Tinignan ko sya at nakita kong inaabotan nya ako ng sushi kaya naman tumango ako.

"Kiss muna" habang tinuturo ang isang side ng cheek nya.

To be continued...

//Walang Title//Where stories live. Discover now