Chapter 8

59 4 2
                                    

Allyson's POV

Nasa hapag kainan parin kami, nag tatawanan silang lahat maliban saamin ni Charlie na halatang may iniisip.

"Ally? Baka matunaw si Charlie nan." gulat kong tinignan si Joshua sa sanabi nya.Hindi ko namalayan na nakatingin parin pala ako sa kanya?.

"Huh?" Takang tanong ni Charlie.( lutang)

"HAHAHAHAH" Lahat sila tumawa,sinamaan ko naman ng tingin si Joshua.

"Pre ayos ka lang? Lutang ka ata?" Halatang Concerned na tanong ni Tom.

"A-ah oo,ayos lang ako" seryosong sabi nya.

Ano kayang nangyari sa kanya, di ako concern pero naninibago lang ako sa kanya sanay akong makulit sya.

"Anjan lang si Ms.--" hindi pa tapos mag salita si Tom ay inunahan na sya ni Charlie.

"Tumigil ka porke anjan si Ano!" Halatang sarkastiko ang pag kakasabi ni Charlie.

Miss?

Yun yung kilala kong Charlie.

"Oh? Bakit ka nangiti?" Sarkastikong tanong ni Charlotte

"Huh? Ako? Hindi ah!" Pigil ko sa kanya

"Hindi daw nag bablush ka pa nga" natatawang sabi nya, inirapan ko nalang sya bilang sagot.

Naka tingin ba ako sa kanya? Nag bablush ba talaga ako hindi ko alam kung maniniwala ako kay Charlotte dahil lagi syang nang aasar kahit di naman totoo.

"Anong plano bukas?" Biglang tanong ni Jacob.

Huh? Anong meron bukas? May occasion?

"Simple lang kahit pizza, chicken wings,cake,softdrinks tapos wag na sushi baka lalo manaba pisngi ni Ms. Chubby." Seryoso ngunit may pang-aasar na  tono yung huling sinabi ni Charlie.

Alam kong ako yung tinutukoy nyang "Ms. Chubby" isang beses sinabihan ko kasi sya ng payatot dahil asar sya ng asar yun tuloy tinawag nya 'ko na "Ms. Chubby" ugh

Sinamaan ko sya nang tingin habang sya naman nakatingin din sakin na may halong nakakalokong ngiti.

"Ms. Chubby pala ha? Kala ko Ms. Oinuma ayyyyiiieee" pang aasar sa kanya nung Tom.

Pare-pareho silang mag kakaibigan, lahat sila mahilig mang-asar. Tss.

"Ah siguro yun yung sasabihin mo dapat kanina no? Kung di ka pinigilan ni Charlie nooooo?" Sabi ni Charlotte na may pang aasar na tono.

"Lagooot!" Pang aasar ni Jacob kay Tom.

"Charlotte, crush ka ni Tom" mahinahon ngunit may pang aasar na tonong sabi ni Charlie habang nakatingin kay Charlotte.

"Hoy hindi ah! Di yun totoo. Promise!" May pag taas ng kanang kamay na sabi ni Tom.

Aray, ako yung nasaktan para kay Lotte Lotte ko.

"DEFENSIVEEEEEE!!!" Sabay na sabi ni Charlie at Jacob habang tumatawa.

"A-ah eh yung bukas sa birthday mo pag-usapan natin" pahiyang sabi ni Charlotte.

"Beer guys Hahahha pwede ba?" Tanong ni Joshua.

"OO!" Sigaw ng mga lalake maliban kay Charlie.

Di ba sya nag iinom? 

"Ikaw Charlie? Di ka ba mag beer?"  Tanong ni Harry.

Sasagot palang si Charlie pero inunahan sya ni Jacob "Di yan nag iinom ng beer or any alcohol. Gatas,Juice or Soft drinks sapat na yun sa kanya lalo na ang tubig " Pag mamayabang ni Jacob.

"Woah! Check!check! check!" Sigaw ni Charlotte habang kumekembot kembot pa,lagi nalang.

Tss mang aasar nanaman bago matulog.

Kanina pa kami tapos kumain pero nag usap usap pa sila para sa birthday bukas ni Charlie, di naman lang sinama yung sushi tss. Si Tom ang nag hugas yung dalawa naman nyang kaibigan nanonood ng cartoons sa TV. Umupo ako sa barcalounger para makinood natatawa ako dahil natutuwa sila sa Sofia the First na pinapanood nila hahahaha.

"Break na si Faith at Kyle" mahinang sabi ni Jacob ngunit narinig ko.

"Kailan pa?" Seryosong sagot ni Charlie.

"Bago kami umalis ni Tom, ikaw yung hinahanap nya" sinserong sagot nya sa kaibigan.

"Hmm. Sana ok na sya ngayon" sinsero ring namang tugon nya.

Hindi na sya sinagot ni Jacob, nanood nalang ulit silang pareho pero ako ay napaisip.

(Sino si Faith? Kaibigan din kaya nila yun? One of the boys ganorn? O kaya ex-girlfriend nya? pero parang wala naman pake yung reaction nya hmm. Pake ko ba kung sino yun aish .)

"Regalo ko?" Bungad ni Charlie kay Tom.

"Ako pre" natatawang sagot ni Tom.

"Psh" ang natatanging sagot na nakuwa ni Tom.

//A few hours later//

Di ko napansin ang oras, ang tagal na pala naming nanonood ng TV. Nanood pa ko bago mag hilamos, pag katapos kong mag hilamos nakita kong nag lalatag sina Charlie sa may salas dun siguro sila matutulog.

Papasok na sana ako sa kwarto pero ang sabi ni Charlotte may ginagawa pa sya ewan ko ba don, kaya naman nakinood nalang uli ako sa kanila. Nanonood sila ng Harry Potter yung first di ko talaga alam yung mga sumunod na title non.

Sobrang inaantok na ko kaya naman pumunta ulit ako sa kwarto, pero di pa daw tapos si Charlotte ano ba kasing ginagawa non hays ayaw nyang sabihin may toyo na talaga. Wala akong nagawa kundi umupo ulit sa Barcalounger at makinood sa kanila.

Tuwang tuwa sila sa pinapanood nila siguro paborito nila ito. Nasa part na kami na bumaba sila sa Trap door na binabantayan ng three headed dog. A few minutes later, yung pangalwa naman na Harry Potter naman. Ang cute nung house elf na si Dobby,sana may ganon sa totoong buhay.

Halos matapos namin ang lahat ng Harry Potter. Sa sobrang pag kawili ko sa pinapanood, tinamad na kong tumayo para lumipat sa kwarto, ok lang naman di komportable kasi malambot naman ang hinihigaan ko kaya napag desisyon kong Dito na lamang matulog kahit walang kumot at unan. Sa sobrang antok ko hindi ko namalayan nakatulog na pala ako.

To be Continued...






//Walang Title//Where stories live. Discover now