Chapter 21

2.1K 40 1
                                    

Malapit ng magtakip silim di pa rin nakabalik si Zues gaya ng sinabi nito Kay Maita na babalik ito agad.
Napagod na sa kakalangoy ang dalawang dalagita. Piling daw nila sila yung mga sirena na iniwanan sa taas ng lupa.
Tawa ng tawa pa sila ni Reagan dahil inasar ng huli si Gael. Di daw ito mukhang sirena dahil sa payat nitong katawan. Sea horse daw dapat ito. Kasi maliban sa payat madaldal pa daw ito. Kaya ang kinalabasan sinabuyan ng dalawa si Reagan ng tubig. At di pa nakuntento ang mga ito. Dahil nagkaisa ang dalawang itulak sa pool ang lalaki.
Pasimpleng umahon at naglakad si gael patungo sa likuran ng lalaki katabi nya.
Walang babalang itinulak ito ng dalagita.
Dahil di nakapaghanda si Reagan nahulog ito sa tubig kasama sya. Di sinasadyang napakapit ang lalaki sa kanya. Kasabay ng pagkahulog nila ni Reagan ang pagtili ni Maita dahil sa gulat.
Lumikha ito ng malakas na tunog ng tubig. Lumabas pa 'nga iyon sa pool.
Kagat labi namang nagkatitigan ang dalawang dalagita. Nakalarawan ang guilt at pagkabahala na nakatingin sa kanila.
Nang makatayo sila sa di kalalimang pool para sa teenager. Dapat sana ay magagalit ang dalawa ngunit ng makita nila kapwa ang sariling wala sa ayos ang mukha. Nagkatawanan na lamang silang dalawa ni reagan. Nakitawa din ang dalawang dalagita pero ng tingnan nila ni Reagan. Biglang pumormal at nagsorry.
Naunang nakaahon si Reagan sa kanya. Sya naman alumpihit pa dahil sigurado syang babakat ang suot na damit sa katawan kapag umahon sya. .
Naunawaan ito ng lalaki kaya inabot nito ang towel na nakasamapay sa upuan.
Nahihiya syang nagpasalamat rito. Inabot nito ang kamay para mahila sya paahon na walang alinlangan nyang tinanggap agad.
"Dapat pala nagbaon tayo ng swimming wear para naligo na lang tayo ng tuluyan"anito sa kanya.
Tahimik na nakamasid ang dalawa sa kanila. Nagbubulungan.
"Meron pa namang next time. "Aniya na nginitian ito.
"Next day na lang magbaon ka ng swim suit. Magna -night swimming tayo. "Ang aya nito.
"Talaga kuya Reagan?! Pwede kasama rin kami ni Chelsea? "Ang singit ni Gael.
"Hindi pwede. For adults only. "Ang wika nito saka nginisihan ang dalawa.
"Hmmmp! Ang daya! "Ang maktol na wika ni Gael at pinatulis pa ang labi.
"Biro lang. Ito nman si Gael nagtampo agad maya di mo na ako patulugin sa bahay nyo. "Ang natatawang wika nito na inirapan lamang ng dalagita .
"Uwi na tayo Reagan. Lumalamig na ang ihip ng hangin. "Ang wika ni Maita sa lalaki.
Napabaling ito sa kanya. Medyo nangangatal ng labi nya sa lamig na nadarama.
"Sorry ,kung di sana kita nahila di ka lalamigin. Kasi nman itong makulit Kong pinsan eh. "Anito sabay baling kay Gael. Inirapan lamang sya nito.
"Sorry ate Maita. Nasama ka sa pagkahulog sa pool. Dapat kasi si kuya Reagan lang iyon. Nandamay pa kasi eh.! "Ang panininsi nito sa lalaki.
"Heh! Magtigil ka nga Gael. Tara na uuwi na kami. Di ba kayo sasama? "Ang wika nito sa dalawa. Nagkatinginan ang mga ito saka humakbang palapit sa kanila .
"We're coming home. San Ang car mo? "Ang wika ni Chelsea.
"Nasa gilid ng office sweety. "Ang magiliw na wika nito sa kapatid nya.
"Kuya Reagan, you're so unfair. You call Chelsea sweety while me you only call gael! "Ang maktol nito sa lalaki.
Napangiti si Maita habang hinintay ang sagot ng binata. Naglalakad na sila pabalik sa reception area. Still no sign na dumating si Zues. Wala ang car nito. Lalo syang nainis sa lalaki. Kinukotkot ng matinding selos Ang dibdib nya.
"Kasi si Chelsea mabait at maganda... "ang wika nito na agad pinutol ni gael.
"And you're telling me am not pretty?! "Ang nanlalaking mata na bulalas ni Gael kay Reagan.
"You said that, not me. "Ang napapatawang wika ng lalaki.
"Hmmmp! Kainis ka talaga kuya. Di na tayo bati. "Anito saka nakasimangot na sumakay sa likuran ng car matapos in-unlock ng binata ang sasakyan . Sumunod din dito si Chelsea na napapangiti.
Pinagbukas naman sya nito ng pintuan sa unahan katabi nito..
"Thanks Reagan. "Ang tipid nyang wika.
Mabilis itong lumigid matapos tumango sa kanya at nagtungo sa driver seat at agad ini-start ang car nito.
Matapos masiguradong ok na silang lahat sa upuan. Agad nitong pinatakbo ang sasakyan pauwi sa bahay nina Gael.
Madilim na ng sapitin nila ang bahay ng mga clemente.
Pagkaparada, agad bumaba si Maita. Nakabalabal pa rin ang towel sa katawan ganon din si Reagan.
Tumuloy ang dalawa sa silid ni Gael. Naligo rin.para sa hapunan.
"What happen to you two? "Ang nagulat na wika ni Sheila sa kanilang dalawa ni reagan . nakita sila nitong papaakyat sa hagdanan ng mga ito patungo sa taas.
"Eh tita nahulog po kami sa pool. Nahila ko ng di sinasadya si Maita. Dapat ako lang ang mahuhulog. "Ang napapakamot sa ulong wika ni Reagan.
"Oh ganun ba. Sya sige, umakyat na kayo at maligo. Maya maya ipapahanda ko na Ang dinner. "Anito sa tumalikod na patungo sa kitchen.
Nagpatuloy naman silang umakyat sa taas. Tinungo nya ang silid ni Zues.
Madalian syang naligo. Suot ang beige short na hanggang kalahati ng hita at saka long sleeve shirt na brown ang napili nyang suotin para sa dinner.
Around seven thirty pinatawag na silang kumain. Silang anim lamang ang naghapunan doon. may meeting ang papa ni Gael. Kasama daw nito si Zues. Ayon kay Sheila. Masaya at magana silang kumain habang nagkukwentuhan sa hapag.
Pagkatapos kumain. Nagpaalam si Maita na maagang matutulog. Napagod ata sya sa whole day na nasa ilalim ng sikat ng araw na di nya madalas ginagawa.
Minsan lamang sila nagkikita ni haring araw. Kapag wala syang workshop sa studio.
Nakahiga na sya sa kama pero di sya makatulog. Naisip nya si Zues. Bakit kaya di na ito nakabalik sa resort na ikinainis nyang lalo. Baka nakipaglampungan pa si kate rito na pinatulan nya naman.ang itinatakbo ng isipan nya.
Past nine na di pa rin sya hinila ng antok. Nakinig, nagbasa ng book na nakita nya sa silid ng lalaki pero napakailap pa rin ng antok sa kanya.
Dumapa sya baka sakaling antukin na sya. Medyo nakadama na nga sya ng antok. Papapikit na lamang sya ng bumukas ang pintuan saka pumasok si Zues na walang paalam.
Pabagsak itong humiga sa tabi nya at napapikit. Sa wari ni Maita pagod na pagod ang lalaki ng sulyapan ito.
"Zues what are you doing here? "Ang sita nya rito na bahagya pa itong tinitigan.
Hindi pa ito nakakapagpalit ng damit. Bagong dating lang ba ito.? Ang naisip nya.
Nang di ito sumagot akala ni Maita tuluyan na iyong nakatulog sa tabi.
"Zues! Anu ba?! Di ka pwedeng matulog rito. "Ang wika nya sabay yugyog sa katawan nito.
Medyo nakadapa ito sa kama. Kaya nagulat sya ng tumihaya ito at bigla syang hinila nito pahiga sa tabi ng lalaki. Pinaunan sya nito sa isang bisig.
Para syang statwa na di kumilos dahil sa lapit ng kanyang mukha sa lalaking muling napapikit.
"Zues nman eh!you have your own room. Get out and rest there!" Ang maktol nyang sabi. Pero bingi ata ang lalaki.or nabibingi bingihan lang talaga sa kanya.
"Zues! Anu ba?! "Ang inis nyang wika saka nagtangkang bumangon ngunit maagap sya nitong nahila pabalik sa tabi nito. Hinila syang lalo palapit. halos magkadikit ng noo nila sa sobrang lapit nilang dalawa. Dumilat ito at napatitig sa kanyang mga mata.
Iniiwas nyang mata sa ibang direksyon ng hawakan nito ang mukha nya.
"Stay and don't move.. "ang mahina nitong wika.
"Stay and don't move?! Heller! Zues inaantok na ako. Kaya pwede ba lumabas ka na! "Ang inis nyang sabi sabay angat ang ulo kunti para matitigan ito .
"If you want to sleep honey just close your eyes but I won't throw myself out of this room!"anito saka hinigit sya payakap at muling napapikit. yamot na pinagmasdan nya Ang pagod nitong anyo.
"Nang-iinis ka ba Zues? "Ang timping wika nya rito.
Dumilat ito ng mata at seryoso syang tinitigan.
"Are you? "Ang balik tanong nito. Walang ngiti sa labi .
"Yes! "Ang inis nyang asik rito. bumangon ang inis at galit nya dahil di ito bumalik gaya ng promise nito. Ang selos nya kay Kate ang namayani sa magulong isipan.
"You're jealous of Kate! "Ang bulalas nitong wika na ikinainis nyang lalo.
"Ibig sabihin mahal mo na ako? "Ang Napangiti nitong wika. Di sya sumagot. Nagdalawang isip kung aamin ba sya dito or sasarilinin nya na lamang iyon.
"Do you love me Maita kaya ka nagseselos kay Kate? "Ang untag nito sa kanya. Tumitig ito sa mata nya. inaarok ang nilalaman ng isipan.
"Tama ba ako Maita? Nagseselos ka nga ba kay Kate dahil minahal mo na ako? "Ang muli ay pangungulit nitong wika.
"Oo na! Aaminin ko na!.are you happy?! Nagseselos nga ako kay Kate dahil minahal ka na ng puso ko! "Ang pag-amin nya rito saka Iniiwas Ang mata sa nununuot nitong mga titig.
"Oh honey... am so happy to hear that from you. "Anito saka hinawakan ng dalawa nitong kamay ang kanyang mukha at muling nagsalita.
"Maita, am sorry kung pinaghintay kita kanina sa resort. Tumawag si mama. Pinasundo sa akin ang mga relatives nmin na dumating galing sa ibang bansa. Ngayon lang ako nakauwi matapos kung maihatid ang iLan sa resort. At kaya ako nandito kasi si Reagan ginamit ang room na tinutulugan ko. Di ako makapasok. now do you still want to kick me out of my own room? "Ang masuyo nitong wika. nagpapaunawa ang mga tingin.
Naliwanagan ang maduming isipan nya . Akala nya si Kate pa rin ang kasama nito.
"No. "Ang matipid nyang wika saka inalis ang tingin sa mukha ng lalaki.
"Maita, look at me. I know you're jealous of Kate .don't be honey. She's my past and you're my present and future now. Can you be my girl? For real? Not just in a fraud situation. I Want you to be my serious girlfriend. "Ang masuyong wika nito. Iniangat nito ang kanyang mukha. Naghihintay ng kasagutan mula sa kanya.
"A-are you s-serious? "Ang nauutal at namililog na matang nawika nya na ikinatango nito sabay sumilay Ang ngiti sa labi.
"Yes. Yes I'd like to be your girl Zues. "Ang hihiya nyang wika rito.
"Oh honey I love you so much. only today I realize when I saw Reagan how he lay his eyes on you. "Ang amin nito na ikinagulat nya. Kung Di pa pala dumating ang pinsan nito di ito magkukumpisal ng tunay na damdamin? Ang naitanong nya sa isip. gusto nyang usigin ito Pero sinarili nya na lamang.
Naramdaman nyang hinaplos nito ang kanyang pisngi pababa sa gilid ng labi bago nito tuluyang inabot at kintalan ng masuyong halik.
"Thank you honey. You won't regret having me as your boyfriend. "Anito saka mabilisan syang muling hinagkan saka bumangon sa tabi nya.
Nagtataka syang napasunod ang tingin rito.
"Am going to take a bath. I know am not smell good. Baka sipain mo ako mamaya paalis sa tabi mo. "Ang wika nito na ngumiti sa kanya ng pilyo.
Di sya nagsalita. Nakasunod lamang ang tingin hanggang makapasok na ito sa shower room.
Napangiti sya sa sarili. Di nya inaasahang ganito kadali silang naging magkasintahan ni Zues. Straight to the point. Walang daming pasikot sikot. Isang tanong lamang.
Masaya ang kanyang pakiramadam na tumagilid at niyakap ang unan sa tabi.
May ngiti sa labing nakatulog si Maita bago pa man makalabas si Zues galing sa bathroom.
Napangiti si Zues ng makitang nakatagilid si Maita akala nya gising pa ito at ayaw lang syang tingnan.
But ng sumampa sya sa kama at tumabi rito. Di ito bumaling sa kanya kahit niyakap nya ito mula sa likuran at bahagyang hinapit palapit sa katawan.Nang dumukwang sya para silipin ito ganon na lamang ang pagkadismaya nya. tinulugan nga talaga sya ng babae.
"Good night honey. Sweet dreams.... "aniya sa tenga nito.
. Maingat nya itong hinalikan ng magaan sa labi saka niyakap. Nasa ganoon silang position ng tuluyang hilanin ng antok ang lalaki.

PAID TO SEDUCEWhere stories live. Discover now