dos

34 8 11
                                    

Alas singko pa lang ng umaga, bumangon na ako dahil ito ang first day of school ko. Biruin mo nga naman, sa tinagal-tagal ng buhay ko, senior high pa lang ako.

Napakamot na lang ako sa ulo sabay kinuha ang cellphone ko sa tabi ng unan ko. Pagkabukas ko pa lang, bungad agad ang pangalan ni Seungkwan habang may mensaheng, "Gising na, mga tanga!"

Napairap na lang ako at niligpit ang higaan ko kasabay noon ang pagpasok ng nanay ko sa kwarto.

"Natoy," Tawag niya sa akin.

"Ma, gising na ko." Sagot ko sa kanya. Napangiti naman siya.

"Buti naman at ang aga mong gumising, Natoy?" Sabi sa akin. "Maligo ka na doon at ako na ang mag-aayos niyan."

Agad naman akong tumigil sa pagligpit, "Ma, hindi ako si Natoy. Tumigil ka na nga kakanood ng tubig at langis."

Tumalikod na ako pagkatapos kong sabihin iyon pero pinalo naman ng nanay ko ang pwet ko. "Bilisan mo na, Natoy." Sabay tumawa ang nanay ko.

Napailing nalang ako at lumabas na ng kwarto. Kinuha ko agad ang tuwalya na nakasampay sa upuan at agad nang naligo.

Pagkatapos, naghahanda na ang nanay ko sa almusal at baon kong pagkain. "Kumain ka na dito, Natoy. Dalian mo at baka malate ka pa sa unang araw mo."

"Ma, 5:30 pa lang. Tsaka 'wag ka masyadong mag alala nandiyan naman si Tito Buknoy para ihatid ako," Sagot ko naman sa kanya.

"Kahit na, ikaw unang araw mo tapos gusto mo magpalate ka pa!" Sabi ni mama sa akin sabay kinurot ako.

Nagsimula na akong kumain ng almusal ko at pumasok naman si Tito Buknoy, "Aga natin ah."

"Syempre naman!" Sagot ko at humigop sa sabaw ng bulalo na ulam kagabi.

"Paanong hindi maaga? Unang araw niya ngayon. Panigurado, sa susunod na araw late na 'yan." Sagot ni mama kay Tito Buknoy habang nilalagay niya ang baunan ko sa bag ko saka naman siya kumuha ng vitamins sa ref at nilapag sa harapan ko.

"Uminom ka nyan, cherifer 'yan." Utos ni mama.

"Hindi na ako bata, ma." Sabay kamot sa ulo. Cherifer talaga?

"Hay nako, Natoy. Tumigil ka na kakareklamo, inumin mo na 'yan at mag-toothbrush ka na doon! Mag alas syete na!" Paalala sa akin.

"Ma, 5:50 pa lang. Kumalma ka nga." Sabi ko sa kanya sabay ininom ang binigay na vitamins.

"Ayg sigig reklamo diha, dong!" 'Wag puro reklamo dyan, dong. Pagalit na sabi ni mama. Tumawa nalang si Tito Buknoy.

Dumiretso na ako sa cr para mag toothbrush at pagtapos, lumapit na ko kay mama para kunin ang bag ko at ang baon kong 150.

Napangiti naman ako nung ibinigay sa akin. "Alis na ko, ma." Sabay halik sa kanyang pisngi at lumabas na ng bahay saka sumakay sa motor ni Tito Buknoy.

Habang nasa daan, inopen ko ulit ang cellphone ko at nakita ang mga chat ni Seungkwan.

Seungseung: Hoy Wonwoo, nasaan ka na?! Nandito na kami!

Seungseung: Itong baklang 'to ang bagal bagal talaga! Nasaan ka na?

Seungseung: Ang laki ng school, gago! Saan ka na ba?

"Ang oa naman nito, ang aga aga pa eh," Bulong ko sa sarili ko habang nagtitipa ng isasagot.

Wonu: Nasa daan na ako. Hinatid ako ng tito ko, 'wag kang mag alala hindi ako malelate.

Agad namang nagreply si Seungkwan.

Seungseung: Aba siguraduhin mo, malayo kaya bahay mo papunta dito. Tsaka, wag mo kalilimutan yung certificate of matriculation hinanap sa amin 'yun kanina eh.

Asymptote ⚣ meanieWhere stories live. Discover now