chapter 23

377 9 0
                                    

Kasalukuyan niyang pinapadede si liam sa veranda, talagang magaling na siya, naghilom na ang kanyang sugat sa ulo saka mga gasgas sa braso, halos isang buwan na rin ang nakalipas mula nung pag aaway nila ni sara.

Wala din siyang galit kay sara ni kahit katiting, himingi naman eto ng tawad sa kanya at sapat na un para sa kanya.

Dumating naman si aling marta para iserve ang pagkain niya, gusto niyang kumain doon kaya umupo sa tabi niya si aling marta.

" akin na si liam anak para makakain ka na, ang bigat bigat ng batang ito." sabi nito sabay halik sa tiyan ni liam, sobrang lakas naman ng hagikgik ng bata.

Pinapanood niya lang ang mga ito habang kumakain.

" nana, sa tingin nyu ba aalagaan ni lucas ng mabuti ang anak namin?"

" oo naman anak, lahat naman ginagawa ni lucas para sa inyo, saka bakit mo ba tinanatong? nag away ba kayo ulit ni lucas?" balik tanong nito.

" hindi naman nana, kaso gusto ko ng umalis nana, sobrang nahihirapan na ako sa sitwasyon" ani niya at napaluha.

" anak, huwag kang padalos dalos, mag usap kayo ni lucas, pag usapan nyu ang inyong mga nararamdaman, may anak kayo sa ngayon yun ang isipin mo" payo nito.

" tama po kayo, kakausapin ko po si lucas." sagot niya.

Oo, kakausapin niya eto para magpaalam, yun ang nasa isip niya, pinahid niya ang kanyang luha at pinagpatuloy na kumain.

Pagkatapos kumain ay tamang tama namang dating ng magulang ni lucas, magiliw na magiliw ang mga eto kay liam kaya agad niyang binigay ang anak sa mga eto.

Sinabi nilang isasama nila si liam sa pagpasyal gamit ang chopper at pupunta daw sa tagaytay, nasabihan na daw si lucas at pumayag daw ito kaya hindi na siya tumanggi, alam niyang di naman sila nagtagagal sa pilipinas, ano ba naman ung isang araw na ipasyal nila si liam.

Nagready siya ng mga gamit at gatas ni liam saka hinatid pa ang mga eto sa sasakyan.

Kumaway siya sa mga eto ng umalis na sila at masayng masaya naman ang anak na sumama, syempre kasama din ang mga yaya.

Dahil summer ngayon ay naligo siya pagkaalis ng mga eto at nagsout ng puti na summer dress saka ng sandal, wala siyang balak dalhin na gamit pag aalis siya, maliban sa sout niya, balak niyang tawagan si harry pagkatapos niyang makausap si lucas.

Eto na ang tamang pagkakataon para makapagusap sila ni lucas, habang malakas ang loob niya at wala ang kanyang anak sa tabi.

Alam niyang nasa library si lucas dahil sabado ngayon kaya balak niya ng kausapin ito, tinitigan niya ang kwarto niya at mga gamit ng kanyang anak saka pumunta na sa library. Kumatok siya ng dalawang beses at ngasalita naman si lucas.

" come in."

Pumasok siya ng dahan dahan, normal clothes ang damit ni lucas, nakamaong pants eto at t shirt na black.

" may sasabihin ka?"

"  gusto kong magpaalam sayo.."

" where are you going?, may pupuntahan ba kau nila aling marta?"

" magpaalam for good.. matagal ko ng pinag isipan to at sa tingin ko eto na ang tamang panahon para matapos na ang usapan natin, alam kong hindi mo papabayaan si liam."

Nakatingin sa kanya si lucas, pero di niya mabasa ang reaksyon nito.

Tumayo siya at tumalikod bago pa makita ni lucas ang kanyang luha, papalabas na siya ng pintuan ng magsalita ito.

" please stay..stay with me and
liam.."

Lumingon siya dito, tumayo naman si lucas at lumapit sa kanya pero umiwas siya, pumunta siya malapit sa mesa nito hindi naman sumunod si lucas, nakatayo lang eto sa may malapit ng pinto.

" hindi ko maamin sa sarili ko lara, pero mahal kita, mahal na mahal, oo galit ako sayo nung una dahil sa pagkamatay ng nanay ko at dahil sa mga kasamaan mo noon pero nung nakasama kita nagbago ang lahat"

Gulat na gulat siya sa rebelasyon nito, halos di siya makapaniwala sa narinig, ang lalaking mahal niya ay mahal din siya. Ang lalaking pinangarap niya noon at hanggang ngayon. Napaiyak siya sa narinig.

Lumapit si lucas sa kanya at pinaupo siya sa sofa na nandoon sa gilid ng office nito, di naman siya nagpumiglas at umupo siya.

Saka naman lumuhod si lucas sa kanyang harapan at hinawakan ang kanyang mga kamay na nasa kanyang kandungan.

" I don't know if you love me or not pero sana give us a chance, I'm rude sometimes because im jelous, hindi ko maiwasang magalit pag may ibang naghahawak sayo." paliwanag nito.

" lucas mahal na mahal din kita mula noon hanggang ngayon, kaya ko nagawa ang mga bagay na un noon dahil mahal kita,at hindi ako magsasawang mahalin ka" sabi niya ditong lumuluha.

" pano mo ako mahal noon kung halos ipapatay mo ako sa iyong papa?"

" dahil sa selos lucas, tuwing nilalapitan kita noon ay umiiwas ka kaya sobrang inis ko sayo eh nagsisinungaling ako kay papa, sorry dahil makasarili ako nun."

" please don't cry.. I love you so much, magsimula tau ulit" sabi nito.

May kinuha etong maliit na kahon sa bulsa ng pantalon at binuksan sa harapan niya, singsing ito, napatingin siya kay lucas na may luha pa rin sa mata.

" Binili ko na yan noon pa pa, pinipilit ko sa sarili kong pakakasalan kita dahil I'm lusting for you at hindi dahil mahal kita pero ngayon mas may rason na pakasalan kita at un ay si liam at ang nararamdaman ko, will you marry me lara?"

Panay ang luha na sa saya, halos di niya akalain na magpapakasal sila ni lucas.

" oo pakakasalan kita lucas". sagot niya.

It's always been youWhere stories live. Discover now