Chapter 34

371 19 11
                                    

Facility

LEA:

After that day Aga became more hostile, lagi na siyang nagwawala, as in every minute. Nag-suggest si ninang (Dra. Zachariah) na turukan siya ng pampakalma everytime na nagwawala siya, and it's hard to see him in that state. Bigla bigla nalang siyang magpupumiglas mula sa kanyang pagkakatali tapos kapag naturukan na siya ng gamot niya bigla naman siyang magiging matamlay, ako yung nahihirapan para sa kanya.

Nandito ako ngayon sa kanyang kwarto, pinapakain ko siya, Richard and Albert did not allow me to unchain him baka daw may gawin siyang masama ulit sa akin, kaya kahit gusto kong pakawalan siya ay di ko magawa.

"Aga kumain ka pa, hindi pwedeng hindi ka kumain, iinom ka pa ng gamot." Sabi ko sa kanya, ayaw nanaman kasi niyang kumain ng madami, in the past few days laging kaunti ang kinakain niya at hindi iyon maganda for him.

"Hindi ako kakain hangga't hindi mo ako pinakakawalan." Sabi niya habang nananatili paring nakagapos ang kanyang mga kamay at paa sa upuan.

"Aga, you know I cannot set you free. Because Richard and Albert will be mad at me, because you..." Hindi ko natuloy ang aking sasabihin dahil sa siya ay sumabat.

"Because I might hurt you. Of course you will not release me because I might harm you." Sabi niya at nag-iwas ng tinggin sa akin.

"Aga, hindi sa ganon." Sabi ko naman at hinawakan ang kanyang panga upang tumingin siyang muli sa akin.

"If it's not it, then why? Ayaw mo akong makatakas? You don't want me to be relieved? Nahihirapan na ako dito Lea, please unshackle me and I will be behave." After what happened few days ago, this is the first time he ever said 'please' to me, and the first time he talked to me calmly.

"Please, babes." His eyes are enticing, it's like he is begging for his liberty. I occupied his cheeks with my hand as I mouthed him 'okay,' I don't care if Richard or Albert will be furious to me, all I want now is to ease Aga's agony. Unti-unti ko siyang pinakawalan mula sa kanyang pagkaka-alpas, matapos ko siyang palayain ay hinawakan niya ang mga markang naiwan sa kanyang paa at braso, nagbago ang kanyang tingin, mula sa tingin na parang nagmamaka-awa ay dumilim ang kanyang ekspresyon, nag-umpisang kumunot ang kanyang noo sa galit.

AGA:

Sa wakas ay pinakawalan niya rin ako, madali talagang mauto ang isang ito. Masyadong nadala sa mala-anghel kong mukha at mata.

"You really think I'm gonna act pleasant after what you and your friends did to me?" Nagsimula siyang umatras mula sa kanyang pwesto parang noong araw na nalaman kong pinapa-inom pa rin nila ako ng gamot, tumalikod siya sa akin at dali-daling pumunta sa may pintuan ngunit naabot ng aking kamay ang kanyang buhok kaya napigilan ko siyang umalis.

"Aga I did not choose this, I did not want you to be chained there." Sabi ni Lea habang hawak hawak ang aking kamay.

"If you don't want be to be chained sana gumawa ka ng paraan, sana sinabihan mo sila na huwag akong itali. But no, you let them do whatever they want to do to me!"

"Aga please do not do this, please behave babes, they might send you to the hospital if they knew this."

"You think maaawa ako sa iyo? Hindi ako madadala sa sinasabi mo, and they can't send me to the hospital kasi hindi naman nila ako maaabutan." Tinulak ko siya sa upuan kung saan ako tinali ng mga kaibigan niya at siya naman ang iginapos ko roon.

"That's for hurting me, leaving me and chaining me!" Tumakbo ako papunta sa pintuan, binuksan ito at nilock ang pinto, naiwan si Lea sa loob habang nasigaw. I have to be out of here, hindi nila ako pwedeng makita rito.

"Aga saan ka pupunta?" Sabi ni Richard sa akin, tumakbo siya papunta sa akin at hinawakan ako ng sobrang higpit.

"Dawn si Lea!" Sabi naman ni Albert kay Dawn, dali-daling tumakbo si Dawn sa kwarto ko ngunit hindi niya mabuksan ang pinto.

"The room is locked!" Natatarantang saad ni Dawn, habang ako ay nagpupumiglas pa rin sa pagkakahawak ni Richard. Hinanap ni Dawn si Manang at hiningi rito ang susi ng aking kwarto, habang si Albert naman ay may tinawagan, bumalik si Albert sa aking harapan at sinabing.

"I told you, the next time you'll hurt Lea, hindi ako magdadalawang-isip na tumawag sa mental hospital at ipadala ka doon." Sabi niya at ako ay sinuntok, dumating naman si Lea at hinawakan si Albert.

LEA:

"Why are you hurting him!? Wala siyang kasalanan, ako ang nagpakawala sa kanya."

"Pinakawalan mo siya dahil pinilit ka niya. Diba sinabi ko na sa iyo na huwag mo siyang papakawalan Lea? Sinabi ko sayo na mag-iingat ka dahil baka saktan ka niya ulit, and you still let him free!"

"Because, I wanted to ease his pain! Nasasaktan na siya."

"At ikaw hindi ka naaawa sa sarili mo? Sinasaktan ka rin niya. Don't worry from this day on we won't be hurting you." Sabi muli ni Albert at may dumating na sasakyan at pumasok sa loob ng bahay.

"Albert what's this?"

"Mas magandang wala siya rito Lea, hindi ka niya masasaktan." Muli ay buong lakas na nagpumiglas si Aga noong may lumapit sa kanya, they are nurses. I know what are they up to, alam ko kung saan nila dadalhin si Aga. May tumulong kay Richard upang hawakan si Aga nang mas mahigpit, may tinurok sila sa kanya, dahilan upang siya ay manghina.

"No Albert you will not do this!" Sabi ko kay Albert.

"Lei I have to, para hindi ka na niya masaktan, para wala na siyang masaktan." Sabi ni Albert habang pinupunasan ang luha na nanggagaling sa aking mga mata. Aalis na sana sila nang hawakan ko ang kamay ni Aga.

"Babes."

"Mam you have to let go."

"I will never let go! Aga needs me!" Ang mga mumunting luha ay naging hagulgol.

"Mam kung hindi niyo po siya ibibigay sa amin baka may masaktan pa siyang iba."

"He will not do that. Diba babes you will not hurt anyone again?" Sabi kong muli habang naiyak at nakatuon ang atensyon kay Aga.

"Lei hayaan mo na sila, that's their job." Dawn said while hugging me.

"But Dawn, ayaw ni Aga sa facility, I promised him that I will never give him to them, I promised him that I will be the one to take care of him."

"Lei they will take care of Aga, right nurse?" She said looking to the nurses who is holding Aga.

"Yes mam aalagaan po namin si Sir at we'll make sure na pagbalik niya dito ay okay na siya." Sabi ng isa sa mga nurses na nasa aking harapan.

"Lea hindi nila pababayaan si Aga, tsaka we will visit him naman eh." Richard said para kumalma si ako but still I'm not okay with the situation and I am still crying a whole lot.

"Sige po mga Mam at Sir, we need to go, kami na po ang bahala kay Sir Aga. You can visit him anytime naman po." The head nurse said as they started walking away, in just a glimpse nawala na sila sa paningin ko.

"D, this is my fault kung hindi ko siya iniwan dito hindi lalala yung anxiety niya."

"Lei kung hindi ka naman umalis ikaw ang unang masasaktan niya." Dawn said.

Gaya Ng DatiTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon