I'm In Love With Mr. Nobody

156 10 6
                                    

IM  INLOVE WITH MR. NOBODY

All Rights Reserved 2012

ELLEyminated's One Shot Story..

Pasensya na, dapat pinost ko to, last last week pa. Pero dahil nga abnormal ang wattpad, hindi siya ma-publish. EWAN KO BA. Kaya eto na, ENJOY! :D

AISENNE's POV

Hayyyyyyyyyy...  Nakakapagod, ang dami daming pinagagawa sakin sa classroom! Ako kasi ang president ng klase namin. Kaya ngayon, andito ako sa canteen, bumibili ng tubig.

Iinumin ko na sana yung tubig ko ng biglang..

*BOOOGSH*

"WHAT THE HECK?! Bakit ba hindi ka tumitingin sa dinadaanan mo miss?! Basang basa tuloy ako! UGGGGH! Wala pa naman akong dalang damit ngayon!"  maarteng sabi nung babae. Tingin ko new student to kaya hindi ako kilala. BTW,  Im Aisenne Cruz, 3rd year high school and soon-to-be owner ng school na to. 

Inismidan ko nalang siya at hindi pinansin, atsaka nagpatuloy sa paglalakad para bumili ng isa pang tubig kaso bigla niyang hinila ang buhok ko.

"Saan ka pupunta ha? May atraso ka pa saking babae ka. Bilhan mo ko ng damit kundi malilintikan ka sakin." Sabi niya. I glared at her at tinignan ang name tag niya. 

So her name is Shamcey Torres. You'll be a dead meat.

I also grabbed her hair and pulled it also. Napa aray siya sa sakit. Hah, wala kang binatbat sakin. Magaling ako sa ganyan.

"Eh Bat ka ba kasi paharang harang ka dyan ha?! Kilalanin mo muna ang kinakalaban mo, bago  ka umastang reyna dito sa school na to. Get out of my way bitch!" Sabi ko, then i slapped her.  Umalis na ko kasi pinagtitinginan na rin ako ng mga tao.

Tama lang sa kanya yun.

Andito ako ngayon sa classroom, and UGGGGGGHHHH! 

Sumasakit ang ulo ko! 

Ang iingay ng mga kaklase ko, MGA ASAL GRADE 1.  Well, hindi naman lahat, pero karamihan..

GANUN =___=

pumunta na ko sa upuan ko at natulog.

"Uhm, excuse nga kay Ms. Aisenne Cruz?" narinig kong sabi ng taong nasa labas ng pinto. Pero nanatili parin akong naka ubob sa desk ko. Alam ko kasing, may ipapagawa nanaman sakin yan..

"Miss Presideeeent!! Tawag po kayooo!" Sabi ng Vice President ko na si Lyka. Wala akong nagawa kundi tumayo, at lumabas. Tungkulin ko yun eh, baka bumagsak pa ko sa deportment kapag di ko ginawa..

Pag kalabas na pagka labas ko ng classroom, nag ingay nanaman ang klase.

JUSKO PO!

Pagkatapos akong kausapin, pumasok na ko. Tumayo lang ako sa may door at, isa isang sinaway ng class officers ang klase. Tumaas lang ang kilay ko, at bumalik na sa upuan. Nakita ko na nanginginig ang mga officers, halatang kinakabahan. 

Takot sila sakin. Ginagalang ako dito sa eskwelahang ito, kami kasi ang may ari nito. Atsaka, sa buong 3rd year students, ako ang Top 1. Sa singing, sa dancing, sa acting, sa volleyball, swimming, table/lawn tennis, football at badminton. Wala pang nakakatalo sakin, Im the school's pride, hindi dahil sa magulang ko ang may ari nito, kundi ayoko lang na nag papatalo kaya ginagawa ko palagi ang best ko. In-elect nila ako as their president, i don't know why. Maraming sipsip? Gustong madikit sa famous? Well, i don't know.

Nang makaupo ako, biglang may nagsalita.....

"Bakit ba kayo takot na takot jan? Hindi ko maintindihan kung bakit naging president natin ang babaeng yan, eh kita nyong napakasama ng ugali niyan." Tinignan ko kung sino ang nagsalita.

ONE SHOT STORIESTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon