The Gay's First Love (prolouge)

194 7 4
                                    


WARNING:

This story may have a few scenes that may not be suitable for very young readers , It's your choice if you want to continue reading it or not.

Note:

There are Typographical errors and Grammatical errors and misspelled words in this story.I'm not a professional writer so I make mistakes , please keep in mind with that.

DISCLAIMER:

This is a work of fiction.Any names or characters , business and places , Events or incidents are all fictitious.Any resemblance of the actual person , living or dead are all coincidental.

-----

Tophe's POV

"Siiissss!!! May bago tayong raket!"sigaw ni Sarah mula sa ibaba ng bahay naming magkakaibigan.

Si Anne Sarah Dela Torre isa sa pinaka magaling sa make up para sa aking mga pageants , kikay ito at meron na syang Boyfriend.Malakas itong kumain pero masipag naman ito lalo na sa paglalaba , masaya kasama at masaya din kakwentuhan.Buraot ito sobra as in! Minsan nga nakakainis na sya eh.But okay lang kasi friends naman talaga kami.Sya bahala lagi sa ipit naming magkakaibigan.Manliban nga lang saakin dahil maikli ang buhok ko , duh!'bakla ako eh!

Bumaba naman kaming lahat papunta sa baba ,

"Anong sabe?"saad ng maingay na babaeng si Thea

Si Thea Francisco , Dancer sa tropa .Isa sya sa pinakamagaling mananayaw sa isang sikat na grupo sa kanilang eskwela.Malakas tumawa , makulit at magaslaw dahil sa pagsasayaw.Mahilig manood ng K-Drama , makinig ng K-POP, mahilig magbasa ng mga fanfic ,Teen fiction .Medyo Boyish ang dating nya at laging nagtatanggol sa mga umaaway sa mga kaibigan nya.At hindi mapagkatiwalaan sa mga sikreto dahil sa sobra nyang kadaldalan.Pero pagdating naman sa seryosong usapan seryoso talaga ito.Straight-forward syang tao kaya kadalasan nakakasakit na sya ng damdamin ng tao pero wala syang pake tungkol duon.
Ps.Mas marami yung kaibigan nyang lalake.

"May bagong Beauty Contest sa kabilang subdivision malapit lang dito.Pinalista ko na yung pangalan ni Tophe."sabi ni Sarah dito kaya tumango kami

"Okay pera nanaman ito!"sabi ni Myka habang tumatalon talon pa sa tuwa

Mykaela Hermogeno , Sya naman ay yung pinaka-creative at maaasahang tao.Kuripot ito pero dahil sakanya nakakaipon kami.Lagi syang pinagsasabihan ng mga sikreto (di kagaya ni thea) at talagang magaling itong mag-advice.Sya rin minsan ang nagde-desisyon para sa ikabubuti ng lahat.Mahilig mag basa ng mga Stories kagaya ni Thea at magaling sa math arts at computer.

"Sana kahit Best lang bakla makakuha ka."sabi ng magandang si Blessy

Blessy Margaux Red Panganiban , Ayan ang laging pambato ng grupo namin pagdating sa kagandahan.Pila-pila ang mga manliligaw dahil sa kanyang hindi karaniwang kagandahan.Minsan malakas ang trip sa iba pero mabait ito at hindi judgemental na tao.Solid kasama at masaya kausap.

"Hmpf! Ayus ayusin mo lang talaga bakla kung hindi malalagot ka saaken!"banta naman ng sigang si Reighn

Si Reighn Monato , ang laging kasundo ni Thea dahil meron silang pagkakatulad ng ugali.Lagi silang nagkakasama at naguusap ng mga kung ano anong kalokohan.Makulit at maingay kasama pero maaasahan naman ito pag problema at laging safe secrets nyo dyan.Sya naman ay maldita di katulad ni Thea na Jolly at boyish.Sya naman maingay din pero kikay.

"Kaya mo yan Sis."sabi ng mahinhin na si Sophia

Si Sophia Valino , ang pinaka-tahimik sa buong grupo.Tahimik laman ito sa isang sulok at bihira lang magsalita.Laging maaasahan sa gawaing bahay at pag maganda ang mood nito at masaya ang araw nya , napagkakamaln naman syang baliw dahil sobra sobra ang kanyang kasiyahan.Busy sa lovelife! Hmmm at nagkataon pa na Bestfriend ni Thea ang kanyan Jowabels na si Juan Sebastien Alcayaga..Gwapo nyan! Omg type ko!

"Oy! Luto na yung hapunan!"tawag naman saamin ni Raizhell na sagad sa liit

Raizhell Federez , ang tagaluto namin sa bahay.Sya ang laging naggro-grocery dahil alam nya ang mga pinakamababang presyo ng mga pagkain na mura lang pero masarap! Nakakagawa sya ng maraming putahe na gawa gawa nya laman sa kanyang isipan.Mabait ito at marami ding manliligaw , kaso busted nga lang lahat.

Last but not the least.Magpapakabog pababa ako?

Ako si Christopher Carl Andrade , Christopher (Tophe)sa umaga..Christina (Tina) sa gabi. Syempre ako yung nagiisang baklita sa tropa! Ako syempre yung pinakamaganda.Kaso nga lang lahat ng mga kaibigan ko may love life.Manliban na nga lang saakin.Kaya nga kadalsan sumasali ako sa mga blind date ganern , pero hindi ko type eh.

AT THE BEAUTY CONTEST...

"And the first runner up is..."ayan ang sambit ng mc babanggitin nya ang mananalo.Kasama na akonsa top 3 ngayon kami nalang dalawa ng kasama kong bakla ang natitira sa stage na magkahawak ang kamay

"Si Ms.Tina Andrade!!!"sigaw nya kaya yung mga kaibigan ko nagkagulo sa crowd.Grabe ang ingay nila lalo na si Thea.

Omgosh nanalo ako.Wala talaga sila sa beauty ko.

Nilagyan na ako ng korona ng nanalo last year at kumawaykaway ako sa madlang people.Maraming beses na din akong nananalo sa mga beaucon kagaya nito , kaya hindi nadin ako nagugulat pa kasi kompyansa ako >_<

So ayun nanalo kami ng Ten Thousand Pesos!!! Yes! Dahil dyan yung Five Thousand para ayan sa mga gown ko incase na may bago nanamang raket tapos yung natira additional baon lang namin yun paghahati-hatian

Yes hating kapatid sis kasi talagang pamilya na ang turingan namin sa isa't isa.

Kaya heto nandito kami ngayon nagsisiksikan sa Taxi , jusko nakakasira ng beauty.Nakakainis

"Sa susunod nga wag na tayo mag-taxi!"reklamo ko nang makababa kami

"Arte mo teh anong gusto mo jeep?"sabi naman ni Raizhell

"Akala mo ang ganda ganda eh nanalo ka lang sa beaucon ngayon pero sa bahay panget ka paden!"sabi naman ni Reighn.Okay Aaminin ko parating masasakit yung mga salitang binibitawan nya lalo na saakin pero Love ko padin yan syempre

Si Thea , Sarah , Blessy naman ay agad na umakyat sa taas dahil sa pagod na natamo ng mga ito.At ako tinignan ko lang yung sarili ko sa salamin.

Nanalo nanaman ako.Pero bakit hindi parin ako masaya? Bakit may kulang padin?

"Sis! Congrats sabi ko sayo mananalo ka eh."sabi ni Sophia saakin bago sya umakyat papunta sa kwarto nya

Si Reighn naman tska si Raizhell naguusap tungkol sa pageant habang heto si Myka tinutulungan akong magligpit.

"Alam mo sis , may nakilala akong lalake kanina.Gwapo , nasa pageant kanina talagang type mo.Kalimutan mo na yan si Tony."sabi nya saakin

Si Tony? Kalimutan? Di ko kaya yata yan.

"Sis , alam mo naman ako.Crush ko na sya simula first year high , ngayon na onti nalang magiging kami na uurong pababa ako?"sabi ko dito

"Magiging kayo na? Hindi ka pa nga kilala nun Sis eh , sinong niloloko mo?"

"Ikaw naman hindi ka marunong makisabay sa trip!"batok ko dito

"Kasi naman sis.Tama na ang pagloloko ng sarili , ginawa naman na natin lahat ng technique para mapansin ka nya pero wala talaga."sabi nito sabay tumayo

"Alam mo niloloko mo lang ang sarili mo , Mas mabuti pa at gumising kana sa kahibangan mo nayan sa lalakeng yan.Start again! I'm sure makakahanap ka ng mas better sakanya."sabi nito sabay naglaho na sa paningin ko.

Kaya ko bang magsimula ule?

The Gay's First LoveWhere stories live. Discover now