Chapter 45: Regret

122 4 0
                                    


Thea's POV

Nagtataka ako ng biglaang hablot ni Tony sa susi ni juan na palagi namang nakasabit sa pantalon nya..tila ba nagmamadali sya at humihikbi...a-amoy alak din..

AMOY ALAK SYA!!!

Nilisan ko bigla ang ligar at agad namang sumunod saakin si Juan..

"Shit sinasabi ko na nga ba ehh!!"sigaw ko at napasabunot sa sariling buhok..

'Anong nangyayare sakanya?!'

Hinanao ko bigla si Enzo dahil sya ang huling kasama nito..madali lang namn kasing tanawin ang bar at halos magkatapat lang ito ng dancefloor...nung una ay natutuwa ako na naguusap sila pero ngayon hindi ko maintindihan kung bakit ayun ang inasta nj Tony..

'Anong nangyare sakanila?!'

Mas mabilis pa sa alasingko ang lakad ko papunta sa putok na labing si Enzo..

'Malamang nagkainitan sila..'

Napatingin pa kami ni Juan sa isa't-isa at napabuntong hininga akong yumuko kay Enzo

"Asaan sya?"tanong ko alam nya naman siguro kung sino yung tinutukoy ko

"Tsh...napikon ang gago saakin..HAHAHAHAHA ayun umalis!"nangaasar ang tono ng pananalita nya at saka ako nag-alala na ng sobra

"We have to find him..baka napaano sya.."nag-aalalang sabi ni Juqn saakin

"Sinong hahanapin?"tanong nila Lattrell na lumapit saamin

"Anong nangyayare dito ha?"dagdag naman ni Clark at binigyan ko sya ng makahulugang tingin..

Pagkatapos nun hinanap namin si Alisson upang kunin ang susi ng van at sumama na sya saamin patakbo sa pinag-park namin ng mga sasakyan..

Hindi ko alam pero kinakabahan ako..

Ito ang pinaka-unang beses na kabahan ako ng ganito..

Natatakot din ako..

At alam kong bihira lang pumalpak ang mga kutob ko..naniniwala ako duon..

Nang makalayo kami napansin kong dumami na ang mga tao at parang may mga pulis..

Agad akong bumaba at hi di nga ako nagkamali..

"Shit! Hindi 'to pwedeng mangyare!! TONYYYY!!!"sigaw ko at lumapit sa area..

"Miss! miss! miss! Teka! Teka! Kamag-anak po?"tanong nung lalakeng nagiinspect at tinignan ko sya ng masama

"Sa tingin mo lalapit ako dito kung hindi ko naman yan kaano-ano?! Kaibigan ko yan!!"galit na sigaw ko at agad na tumawid sa mga tape na nakaharang sa area..

Bahagyang sarado ang daan dahil sa aksidente...

Naramdaman kong kamay ni Juan sa balikat ko at nagsimula na akong umiyak...

Kitang-kita namin kung paano nakahandusay si Tony sa kotse at duguan ang ulo..nakapikit sya pero hindi ko maintindihan..

"B-bakit kailangan mangyare 'to?"tanong ko sa sarili ko at napayakap ako sakanya..

Ramdam ko ang bisig ng mga kqibigan ko at talagang umiyak na ako..

'Gago ka Enzo..'


"Sus'miyo!! Sinabi na nga ba at dapat pina-layo ko nalang kayo sa anak ko!! Wala kayong naidudulot na maganda sakanyaaa!! Kebata-bata nyo pa ganyan na agad ang inaatupag nyo! Ang uminom at ang bisyo! Hindi na kayo natuwa sa dati nyong samahan! At mukhang hindi kayo natitinag sa mga nangyare!! Hinintay nyo pang may madisgrasya sa pagiging matigas ng ulo nyo!"galit na galit na sigaw ng Daddy ni Tony nang maisugod namin ito sa hospital..

The Gay's First LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon