Chapter 26: His Reaction.

16 5 0
                                    


Masaya kaming naguusap usap sa parking lot nang biglang umingay ang buong lugar...knowing na dumating na yung iba..

Sila Clark Manaois , Lattrell Tapnio , Christian Pita , Turkey Perez, Kristian Felipe , Rianna Quiocho , Jannah Gallardo , Alexa Tulaylay , Alisson Del Mundo , Meljon Lozano , ay sa wakas dumating na..

"Waaa!!! Tipaneeee!!"sigaw ni Rianna sabay yakap kay Tiff

"Ugh! Hahahaha! Miss you guys!!"natutuwang sabi ni Tiff kay Rianna at sumunod naman si Jannah..

"Tiff , maganda ka padin.."puri ni Clark sabay ginawa nila yung handshake namin..

Hindi parin namin nakalimutan yun kaya sinubukan namin lahat gawin yun..at sa huli hindi kami nabig at nagawa namin yun na walang mali..

'Walang kupas..guys..kayo padin talaga..'

"Oh!? Paano ba yan? Inuman na this?"tanong ni Ali sabay nagingay kami...

"Sali naman kami dyan.."nabigla kami nang may nagsalita sa likod namin...

'Hindi mabubuo ang tropa pag wala 'tong dalawang gagong 'to..'

"Andyan na pala si Tony tska Enzo eh!"natutuwang sabi ni Lattrell sabay akbay kay Enzo samantalang si Pita naman ay ginawa ang handshake kay Tony..

"Teka lang namaaannn!!!"sigaw ng pamilyar na boses..

"HAHAHAHAHAH IWAN!!"sigaw naming lahat sakanya at napaupo pa sya sa sahig sa sobrang pagod..

Naawa naman ako sakanya at pinunasan sya ng pawis.."Wag ka na nga sabing magpapagod Juan eh.."sabi ko at nilabas ang towel kong dala at pinunasan yung sa buong katawan nya..

"Yieeee!!!" Asar ng lahat..Kaya natawa kami...

'Aahhh!! Nakakamiss itooo!!!'

"Asaan sila Rai tska Myka? Sila nalang yung wala?"tanong ni Tiff na ikinataranta ng iba..

"Oo nga nasaan--"

"BULAGA!!! Waahh Hoy Tiffany!"bungad ni Raizhell sabay yakap kay Tiff tska si Myka..

"Oh ayan..kumpleto na..tara na sa bahay namin!! Sagot ko Empi tska pulutan!"sigaw ni Pita kaya nagingay kami lalo at sumakay na sa sari-sariling kotse..

Tony's POV

Pagkatapos naming gawin ni Tophe yun..nagulat ako sa kung sino ang tumawag..lumayo pa ako ng bahagya kay Tophe at lumabas ng kwarto..

Tinakpan ko nalang yung katawan ko ng bathrobe at umupo sa sofa sa labas..

I cleared my throat before answering the call..

"Hello? Tony?"

"T-tiff.."naiiyak kong sabi..

'Kay tagal kitang hinintay..asaan kana?'

"Hon , I'm sorry..."

"Don't be sorry Hon.."hindi ko alam pero bumalik lahat nung nakaraan namin at biglang bumigat ang aking dibdib..hindi ko kaya...

The Gay's First LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon