SIMULA

10K 238 13
                                    

SIMULA

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

SIMULA

***





"Sugoood!!"



"Ahhhhhhh"



"Mga taksil!!"



"Bai bawal po kayong lumabas! Mahal na Bai!"



"Panahon na upang ikaw ay palitan Raha! katapusan mo na!!"



"Waaaag!!!"







***


Habol ko ang hiningang nagising ako at agad na napabangon sa kama, sobrang bilis ng tibok ng puso ko at pawis na pawis ako.

Para bang totoong-totoo 'yung mga nakita ko sa panaginip ko, nagkakagulo ang lahat at maraming pinatay at..

"Aish! come on shai, panaginip lang 'yun tss"  Asik ko sa isip ko.

Kinalma ko muna ang sarili ko bago ako umalis sa kama ko para magpunta sa banyo at maghilamos.

Pagkatapos kong maghilamos ay napatitig ako sa sarili kong repleksyon sa salamin at nangunot ang noo ko nung mapaisip ako kung..

"Ano kaya ang itsura nung babae sa panaginip ko?"

Blurred kasi yung mga mukha nila pero 'yung mga suot nila ahmm para bang..






"Shai?,  Shai!"
Rinig kong tawag sa'kin ng kaibigan kong si Vana kaya lumabas na ako ng banyo.



"What?" Bungad ko naman sa kanya.



"Oh anong nangyari sa'yo girl? ang aga-aga ang sungit mo haha" Sabi niya sabay upo sa kama ko.



"Tss ano bang kailangan mo at ang aga-aga mong nambubulabog dito?" Tanong ko sabay halukipkip ng mga braso ko.


"Ah gusto kasi kitang ayain dun sa kilala kong hypnotherapist eh" Sabi niya at parang excite na excite pa siya tss.


"Ha? bakit?" Walang gana ko namang tanong sa kanya.



"Hehe gusto ko kasing subukan natin 'yung sinasabi nilang past-life regression,
Lam mo na gusto ko makita 'yung past life ko! eh malay ba natin baka isa pala akong reyna dati!"
Sabi niya na ikinangisi at ikinailing ko nalang.



"Tss eh, oh ano ngayon? atsaka naniniwala ka jan? my God hindi naman totoo 'yang mga ganyan!"



"Hay naku basta! magready kana at isasama kita!" Sagot niya na tinaasan ko lang ng isang kilay tss.



"Hindi pwede! may training pa 'ko malapit na 'yung archery tournament no, ayoko namang matalo ako!"
Sagot ko habang naghahanap ng isusuot ko sa closet.


"OA lang girl? parang isang araw ka lang naman hindi makakapagtraining matatalo kana agad!?" Sagot naman niya in a sarcastic way tss.



"Fine!"
Sagot ko nalang bago ako magpunta ulit sa banyo, narinig ko pa ang mahina niyang pagtawa na ikinaling ko nalang tss.





***

Anyway I'm Shai Mendoza, A second year college student taking the business management course and I am the archer queen of our campus.

Maganda, maputi, matangkad at sexy, ganyan ako ilarawan ng ibang tao. Pero ako I only describe myself for being simple.

Simpleng babae na marunong sa archery at mahilig sa martial arts.
Hindi ako masyadong mahilig sa make-ups, fashions and other sassy things kahit na laki naman ako sa mayamang pamilya.

***



Pagkatapos kong maligo ay hindi ko na nadatnan pa si Vana sa kwarto, kaya nagbihis nalang ako.
Suot ko ngayon ang plain white blouse at blue jeans, nag-ayos lang ako ng kaunti at tsaka isinuot ko na ang white rubber shoes ko.

Lumabas na ako ng kwarto at
bumaba na ako sa first floor kung saan nakita ko si Vana na nakaupo sa may living room, nung makalapit na ako sa kanya ay tuwang-tuwa siyang nag-aya na paalis kaya naman lumabas na kami ng mansion at sumakay narin sa kotse.

"Tss seriously? papatulan ko ba talaga 'tong trip nitong si Vana? hmm kung sa bagay wala namang mawawala, Aish bahala na!"








***

A/N:

The journey of Shai mendoza to her past life is about to begin..

Are you ready? 

😍😍😍

HALEYA:The Rajah's Daughter Where stories live. Discover now