KABANATA II

5.9K 198 22
                                    

Kabanata II"Ang buhay ng isang binukot"

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

Kabanata II
"Ang buhay ng isang binukot"

***






Nakatulala ako habang yakap-yakap ang mga tuhod ko at iniisip kung paano ako napunta sa panahong ito.

Ang pagkaka-alam ko ang past-life regression ay ang paglalakbay sa iyong nakaraang buhay sa pamamagitan lamang ng panaginip, pero bakit ganito? bakit ata naging literal na napunta ako sa nakaraang buhay ko!?
Ano bang nangyayari? at paano ako makakaalis dito.



"Mahal na Bai? dinalhan ko kayo ng mga bungang kahoy"
Ang sabi ng kararating lang na si Liway na ang pagpapakilala sa akin ay isa daw siyang Uripon o alipin.
Sa tingin ko ay magkaedad lang kami nito.

Inilapag niya ang mga dala niyang prutas, at hinog na bunga iyon ng papaya, mukhang fresh at masarap kaya napalunok nalang ako.
Yumukod siya sa akin at balak na sana niyang umalis ng pigilan ko siya.


"Sandali" pagpigil ko sa kanya dahilan para huminto siya.


"May kailangan pa ba kayo aking Bai?" tanong niya.


"B-Bakit Bai ang tawag mo sa'kin?"
Tanong ko sa kanya na nagpakunot ng noo niya.


"S-Sa pagka't kayo ay isang binukot" Ang sagot nito na ikinaawang ng bibig ko.


"Ako? B-Binukot?" I asked her.




"Siyang tunay mahal na Bai, ngunit hindi ko kayo maunawaan, bakit niyo itinatanong sa akin ang mga bagay na alam niyo naman ang kasagutan?" balik na tanong niya sakin dahilan para mapalunok ako.

"Anong sasabihin ko? nakakainis naman"


Natigil ako sa pag-iisip nung dumating ang isang magandang babae, napakaputi rin niya at napakaganda ng suot niyang damit.
Kulay gintong blouse at mahabang saya na may magagandang burda, at ang headdress niya ay gawa rin sa ginto.

wow! just wow! tunay ba talaga ang mga ginto nila dito?
Nakita kong yumukod ang aliping si Liway sa bagong dating na magandang babae at tinawag niya itong,

"Mahal na Hara"



"Haleya, mahal kong anak" ang sabi ng bagong dating na babae na tinawag na Hara ni Liway, may lambing ang boses niya at napakasarap ito sa tenga pero, anak? ibig bang sabihin nito ay siya ang aking ina sa buhay na ito?
Nilapitan niya ako at niyakap pero hindi ako tumugon sa yakap niya.


HALEYA:The Rajah's Daughter Where stories live. Discover now