Chapter 13

1.5K 31 2
                                    

Natalia's POV

"Good morning world!" masiglang wika ko nang magising ako, masaya akong gigising ngayon dahil papasok na ulit ako sa trabaho ko.

"Wait?" tanong ko sa sarili ko.

"Hindi na kaya siya galit sa akin?" hayst! Bakit ko ba siya dinuraan sa mukha sabi ng aking makipot na imahinasiyon at napapasambunot na lang sa sarili. E, deserve niya naman 'yun kasi apaka-sama ng tabas ng dila ng mokong na 'yon.

Hayst. Galit pa rin kaya si kupal sa akin? Sunod-sunod na tanong sa aking mga isipan kaya ang ginawa ko ay naggayak na ako para makarating agad dahil baka ma-late ako. Nag paalam na ako kay tatay na aalis ako agad at duon na lang sa canteen kakain.

Kasalukuyang akong nandito sa harap ng entrance ng company, ewan pero ang bigat ng nararamdaman ko. Nilakasan ko ang loob ko at confident na pumasok sa loob ng kompaniya. Dali-dali akong tumayo sa pagkakahiga at nag-ayos ng sarili.


***

 

 

 

"GOODMORNING, BOSS!" masiglang sigaw ko pagpasok ko pa lang sa loob  nang office ni kupal. Wala lang, gusto ko lang sumigaw, pangtaboy ng bad spirits.

"Noisy." iritang wika niya at tinakpan ang mga tenga niya. Hayst. Apaka arte dinaig pa ang babae.

"Ang aga-aga, nakasimangot." pang-aasar ko.

"Ang aga-aga, ang ingay ingay." ganting sabi nito.

Pinaglihi yata sa sama ng loob 'to kaya ganiyan ang ugali. Hayst, nakaka-awa ka, sir. Wala na bang natitirang kabaitan sa puso mo or kahit sa budhi mo manlang. Like duh!

Ibinaba ko ang bag ko sa sofa at lumapit sa kaniya.

 "May sasabihin ako sa'yo." nakangisi kong sabi.

"May sasabihin rin ako sa'yo." Aniya nito sa akin.

"Ang panget mo." wika ko sabay humaglpak ng tawa na may kasama pang palo sa lamesa at palakpak.

"You're fired." natigil ako sa pag-tawa ng marinig ko ang sinabi niya.

"WHAT?!" gulat kong sabi sa kaniya.

Dahil ba 'yun sa nangyari sa kahapon? Dang! Akala ko nakalimutan niya na 'yung about sa nangyari kahapon. Bakit naman niya sineryoso. No! Kailangan ko gumawa ng paraan!

"Tanggal ka na sa trabaho." straight-face niyang sabi tsaka tumayo at akmang lalabas na sana pero nagsalita ako.

"Ayoko." kunot-noong liningon niya ako.

"Sino ba ang boss sating dalawa?"

"Dati ikaw, ngayon ako na. You're fired, Mr. Nicholas." umupo ako sa swivel chair niya at sinuot ang nakita kong eye glasses sa gilid.

Nakita ko siyang napahilot sa sentido niya. Mukang effective. Galing ko talaga.

"Hindi mo ba narinig ang sinabi ko, Mr. Nicholas? Pwede ka nang magbalot-balot at lumayas sa Company ko." taas-noo ko pang hirit. Pinigilan kong matawa sa reaksiyon ni kupal. Parang 'di matae na ewan.

"Mahirap nga naman. Ang ugali, pang-informal settler." bumulong pa ang loko rinig naman.

"Huh?" sabi ko para konwari bingi ako. “May sinasabi ka? Any last message bago ka umalis sa company ko?” pang-aasar ko pa.

"Wala sabi ko ang pangit mo pero bingi ka." seryosong  sambit niya. Akmang aalis na sana siya ay agad akong tumayo sa pagkaka-upo at tumakbo papunta sa kaniya at hinawakan ang braso niya upang pigilan siya.

Ruthless: Nicholas Buenaventura ✓ [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon