Chapter Five

4.8K 105 1
                                    

HARRIET'S POV

"Bakit naman biglaan ito Ariadne?" Gulat na tanong ni Tito Aimar nng sabihin ko sa kanila ang balak ko na pag-alis sa grupo.

"Tito Aimar, may personal problems ako na kailangang ayusin. Ayokong madamay ang grupo." I said.

"Pero Ate Ari, hindi kumpleto ang Monarch kung wala ka." Singit ni Selene

"Ano ba kasing problema iyon? b-baka makatulong kami" Iris offered pero umiling lang ako.

"Its really a big problem, hindi ko pwedeng sabihin sa inyo....basta, malalaman niyo na lang sa balita." I said.

"Ari naman..." Theia said, naiiyak na ito pero pinipigilan niya lang.

"Ang layo na ng narating natin, ngayon ka pa aalis." Ani ni Iris habang pinaglalaruan ang daliri niya.

"Kailangan kong gawin ito para sa ikabubuti niyong tatlo, hindi ko mapapatawad ang sarili ko kapag may nangyari sa inyo." I explained.

Isang buwan na ang lumipas at nasimulan na namin ang unang leg ng tour pero sadly, hindi ko na maitutuloy iyon.

Kasi kailangan ko nang bumalik sa Thunycea at pamunuan ang bansang iyon.

"Ano ba talaga kasing meron?" Pamimilit ni Selene.

"Hintayin niyo na lang ang ibabalita." I said at saka tumayo, tumayo na din sila. "Give me a hug?" I asked.

Nagka-tinginan silang tatlo bago lumapit sa akin at sabay-sabay na niyakap ako.

"Mami-miss ko kayo girls" I said habang pina-pat isa-isa ang ulo nila, tumingin naman ako kay Tito Aimar na naiiyak na din at saka niyakap siya.

"Thank you for everything Tito Aimar." I whispered at him.

"Always remember, laging bukas ang grupo kung sakaling gusto mo pang bumalik ha? Alagaan mo ang sarili mo." Bilin nito at natatawang tumango naman ako.

Tumingin naman ako kay Kiegan, siya yung butler na ipinadala sa akin ni Cameron.

"Let's go" I said, tumango naman ito at siya ang naghila ng maleta ko palabas ng dressing room.

I waved to them bago ako tuluyang lumabas duon.

Nang makarating naman kami labas ay kaagad na sinalubong ako ng mga reporters, kahapon pa kasi kumalat ang balita na aalis na ako sa grupo.

May ilang fans duon na hinihintay ako, lumapit naman ako sa kanila and I saw them crying.

"Hey guys, don't cry please? Just support the other girls okay?" I asked at tumango naman ito.

Pumirma naman ako ng ilang autograph at nakipag-selfie sa kanila bago tuluyang sumakay ng kotse.

"Now, where are we going?" I asked to Kiegan ng makasakay na ito sa kotse.

"We will going to the airport your highness, Knight Cameron is there waiting." He said at tumango naman ako.

Tumingin naman ako sa labas at kumaway sa ilang fans na nanduon pa rin.

"I'm still shocked when I found out that Ariadne and Princess Harriet are only one person." Kiegan said.

"Why? Are you a fan?" I asked and he nodded, I chuckled at medyo natawa naman siya duon. "Seriously?" I asked again.

"Yes Ma'am" He answered.

"Wow, I didn't know that we are that famous" I commented.

His Series #3: Cameron RadcliffWhere stories live. Discover now