1. First encounter

2.1K 51 19
                                    

1❤

"Wag mo akong iwan Ralp. Please, lumaban ka para sa akin... hindi ko kayang mabuhay na wala ka. Hindi ko kaya.... " Umiiyak niyang wika habang nakahiga ang lalaki sa kanyang mga hita na naliligo sa sariling dugo.

"A.. na... Tan..da.. an mo.., palagi lang... akong nagbabantay.. sa.. yo.  Ka.. hit mawawala.... ako.. sa pani.. ngin  mo, wag mong isiping iniwan kita dahil babantayan kita. Ikaw lang ang ma..mahalin ko hanggang sa kabilang buhay. At kahit mabuhay man akong muli i ...kaw parin ang mamahalin....ko. Kahit ayaw parin ng lahat o ng mun. .do  pipiliin ko paring mamahalin ka at aalagaan ka kahit buhay ko ulit ang kapalit. .. Ganon kita kamahal A.na." Nahihirapang wika ng lalaki.

"I lo...ve you Ralp. I lo. .ve you so much. Dadalhin kita sa hospital kaya wag ka monang pumikit."

"N. .o need mahal ko... Siguro hanggang dito nalang ako.  I lo... ve you too my Ana." nakangiting wika ng lalaki at dahan dahan ipinikit ang kanyang mga mata.

"No... No.. no.... don't close your eyes Ralp. Pakiusap...don't die. Wag mo akong iwan, wag mo kaming iwan.  Kailangan ka namin ng magiging anak natin. Ralp I'm two weeks pregnant. Please don't die,,  don't die.  Ralp... Ralp....... "  Hagulhol niyang iyak habang yakap yakap ang lalaking walang malay.

Matagal sila sa ganoong posisyon ng lalaki.

"Cut!!" Sigaw ng director sa pelikulang ginagawa nila.

Yes,  it just an acting. Nasa shooting sila eh.

Kaagad naman siyang bumitaw sa kanyang leading man at dinaluhan sila ng ibang kasamahan nila upang tumulong.

Medyo nainis pa  si Skyreeze  sa director nila dahil ang tagal nilang magkayakap ng lalaki.
Matagal itong nagsigaw ng "cut".

"Skyreeze and Gino,  you two have a great job.  Maganda lahat ng kuha dahil magaling kayong umarte  at  ang mga salitang binibitawan niyo ay walang palya.  Congratulations sa iyong dalwa dahil nagawa nating successful ang pelikulang ito.  Sigurado ako, pagkakagulahan ito kapag ipinalabas na sa mga cinema in nationwide. Salamat sa magandang niyong kooperasyon dahil hindi niyo kami binigo na kayo ang pinili naming gumanap sa mga tauhan."  Mahabang lintaya ni director Alex sa kanila.

"Salamat din sa iyo direk. Kung di rin man dahil sa inyo hindi natin magagawa ito ng matangumpay at saka sadyang magaling talaga ang leading lady kaya natapos kaagad at natagumpay." Nakangiting sagot ni Gino na gumanap bilang Ralp at si Skyreeze naman ang gumanap bilang Ana.

Ngumiti lamang ng tipid si Skyreeze sa director na kaharap nila ngayon.

"Excuse me Direk Ryan,  kailangan ko na pong umalis dahil may pupuntahan pa akong party tonight. .."  Wikang paalam ni Skyreeze.

"Hindi ka na ba sasama sa grupo mamaya. May konting salo salo bilang selebrasyon dahil matangumpay nating natapos ang project. "  Wika ni direk Ryan.

"Auhm, hindi na. Nagmamadali kasi ako and the party is important to me , so I need to be there early. Maybe next time, I can hung out with the group if meron pa." Tanggi ni Skyreeze  at tipid niyang nginitian ang dalawa.

Malalaki at mabilis ang hakbang niya papunta sa kanyang  sasakyan at Nagmamadaling binuksan ang pintuan ng sasakyan, banda sa driver seat.

Kaagad niyang binuhay ang makina ng sasakyan at mabilis na pinasibat sa shooting area.

Nagmamadali siya, dahil dadaan pa siya sa knyang condo unit upang makapaglinis ng katawan at doon din sa kanyang condo unit ang  gown na susuotin papunta sa party.

Amoy na amoy pa niya ang ketchup sa kanyang damit,  dahil ito ang ginamit nilang material para sa pekeng dugo at naroon parin sa kanyang mga balat ang mga pekeng galos at pasa.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Apr 26, 2020 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

BECAUSE OF YOUTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon