87

992 37 2
                                    

-MAINE'S POV-

Its been three months.

Yup Tatlong buwan na simula ng maaksidente si Chard pero hangang ngayon di pa rin siya gumigising.

Araw-araw ko siyang dinadalaw sa Hospital.

Dahil hindi naman ganon kalapit ang hospital sa bahay namin hindi ganon kadali ang magpabalikbalik, kaya napagdesisyunan namin na sa bahay na lang si Chard.

Pumayag naman ang ospital at papadalhan na lang daw kami ng Private nurs para magbantay sa asawa ko.

Ngayon na namin siya balak itransfer.
Naayos na rin ang guest room kung saan ilalagay ang aparato na patuloy na bumubuhay sa kanya.

" Maine anak. Naayos ma ba ang mga papeles sa pagtransfer kay Chard "
Tanong sakin ni Mommy Rio habang tinatawagan si Daddy Ricky.

" Ok naman na po. "

Sa ngayon nakila Nanay muna si Sebastian dahil ako nga ang nagaayos ng mga papeles.

" Maam Maine, sasabay po ba kayo sa Ambulance ? Alis na po tayo?"
Tanong ng Private Nurse ni Chard.

Tumango naman ako tsaka sumakay na sa ambulansyang maghahatid sa asawa ko pauwi.

" Mister ko. Uuwi na tayo oh. Hindi ka pa ba gigising?"
Sabi ko kay Chard habang hawak ko ang kamay niya.

Bilin kasi ng Doctor na kausapin ko daw ang asawa ko para mas magprogress pa ang condition niya.

Naging mabilis naman ang naging byahe namin given na na naka Ambulance kami kaya iwas traffic.

Nauna na kong bumaba ng Ambulance.

" Kuya pakiingatan po. Dahan dahan lang po "
Bilin ko habang binababa nila si Chard.

Delikado kasi pag may natangal na aparato sa kanya.

Maingat naman nilang naibaba si Chard.

Binuksan ko na ang pinto namin at pinapasok ang stretcher kung saan nakahiga ang asawa ko.

" Welcome home Mister ko. Gising na nakauwi na tayo oh "
Bulong ko sa kanya.

Pinahid ko naman ang luha ko.

Miss ko na ang asawa ko.

" Uhm pakiakyat na lang po siya kuya. Doon po sa Guest room "
Garalgal na boses kong sabi.

Inakyat naman na nila si Chard.

" Mommyyy "

Napatingin naman ako sa pinto ng marinig ang tinig ng Anak ko.

Sinalubong ko siya ng yakap at halik.

" Baby ko.. "

" Mommy is Daddy home na ?"

Tumango naman ako.

" Yehey can I see Daddy?? I miss him so much "

" Sure Baby but not now ok? May inaayos pa kasi sila upstair eh. Pero mamaya you can see daddy na "

Tumango naman ang Anak ko.

Hindi na talaga ako sumama sa taas dahil ayaw kong makita na may tinutusok silang kung ano ano sa asawa ko.

Hinalikan ko ulit ang Anak ko.

" Hmm. Asim na ikaw " 

Humagikgik naman ang anak ko.

" Ay naku. Paano yan hindi aasim eh magenjoy kalaro ang Tito Nico niya. "
Singit ni Nanay.

" Nagplay kayo ni Nongnong Nico?"

P S E U D OTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon