Chapter Seven

24 2 0
                                    

Umpisa na ng simbang gabi ngayon, ang bilis ng araw no? Ilan araw na lang at magpapasko na. Kaya eto ako ngayon papunta sa may simbahan at ako lang mag-isa. Baket? Wala lang, gusto ko lang makapag-isa kahit ngayon lang. Tsaka ayokong isama sina Hannah at Aina, baka mamaya magmukha lang akong Chaperon sa kanila e, dahil panigurado naman kasama nila ang kani-kanilang boyfriend.

30 minutes before mass, nakita ko si Sister Jill. Coordinator sya dito sa simbahan. Nakilala ko sya dahil kaibigan sya ng Mama ko.

"Hi Sister Jill, Good Evening po." bati ko sa kanya.

"Oh Alex, ikaw pala yan. Laki na ng inagbago mo ah? Mas lalo kang gumanda" puri sa akin ni Sister Jill.

"Hindi naman po Sister Jill, pero salamat na din po." -Ako

"Oo nga pala Alex, pwede kaba this coming saturday?" tanong nito sa akin.

"Huh? Bakit po Sister? Ano pong meron sa sabado?" -Ako

"Naghahanap kasi ako ng mga volunteer e, may gaganapin kasing thanks giving this saturday para sa mga nasalanta ng Bagyong Mario."

"Ah, ganon po ba? Osige Sister sama po ako"

"Talaga? Sigurado ka bang hindi ka talaga busy that time?"

" Ahm. Opo Sister wala naman pong nakasched. na gagawin ko this saturday."

"Tamang-tama pala kung ganun. Osya sige una na ako ah, malapit na rin mag-umpisa ang misa. Punta ka nalang dito sa sabado mga alas-otso siguro ng umaga."

 "Sige po Sister. Salamat po. :)"

Maya-maya lang nag-umpisa na nga ang misa.

Nakikinig lang ako sa sermon ng pare at mataimtim na nagdarasal.

Makalipas ang mahigit na isang oras ay natapos na din ang misa.

Hindi ako agad nakalabas sa simbahan, dahil kahit 1st day palang kase ngayon sobrang dami na nang mga taong nagsisimba.

>FAST FORWARD<

Sabado na ngayon. Ewan ko kung bakit, pero parang nakakaramdam ako ng kakaibang excitement. Maaga akong pumunta sa simbahan, si sister Jill pa lang ang taong nakita ko doon, kaya tinulungan ko nalang muna sya sa ginagawa nya.

Pagkarating namin dun sa Venue, marami ng tao, lalo na ang mga bata. Kitang-kita mo sa kanilang mata ang saya at excitement nila.Ang sarap lang tignan at panoorin ang qu-cute e. :'>

Maya-maya lang nagsimula na kaming namigay ng mga regalo. Nahati kami sa dalawang grupo. Ang unang grupo ay namimigay sa  mga matatanda at kami namang pangalawang grupo sa mga bata kami naka-assign. Grabe ang dami-dami lang talagang tao, nakakapagod lang. Pero sa bawat tawa at ngiti na nakikita at naririning ko ay nakakawa ng pagod.

12:00 nn na ng sinabihan kami ni Sister Jill na magbreak na muna daw kami, para makakapagpahinga muna at the same time makakain na din. Yung second batch nalang muna daw ang bahala.

Nagpunta ako sa may lilim ng isang malaking puno ng akasya, hindi kasi nasisinagan ng araw dito at mejo mahangin.

"Ms.Bat hindi kapa kumakaen? May pagkain doon oh." parang pamilyar ang boses nya? Saan ko nga ba narinig ang boses na yun?

Text ConversationWhere stories live. Discover now