Kabanata 4

1.6K 75 10
                                    

Kabanata 4

Nasa labas na ako ng bahay ni Eli, para umpisahan na yung pagdidilig. Sabi niya kasi linisin ko yung buong bahay niya sa loob ng tatlong oras, buti na lang natapos ko lahat iyon.

Hindi ko alam kung kasama ba yung pagdidilig ng mga halaman sa paglilinis ko sa buong bahay niya, pero kung ipapagawa niya rin lang naman niya sa akin ang pagdidilig sa mga halaman, uunahan ko na siya, para wala na siyang masabi at makapagpahinga na ako ng maaga.

Pagod na pagod na ako! Kasi kaninang umaga, kulang yung pera ko papunta sa hotel nila Eli, kaya naglakad na lang ako papunta doon, bitbit yung mga gamit ko. Ang bibigat pa naman lahat.

Tapos, nung makarating ako sa condo ni Eli, akala ko doon ako titira hindi naman pala. Tapos hindi man lang akong magawang tulungan sa pagbitbit ng mga gamit ko. Nawala na sa kanya ang pagiging gentlemen. Or sa akin lang siya hindi gentlemen?

Umiling ako dahil sa naisip ko, ipinagpatuloy ko na lang ang ginagawa ko. Hinihila ko yung hose papunta sa harap para madiligan yung mga bulaklak doon.

Binuksan ko yung gripo at patakbong lumapit kung nasaan yung hose.

Mukhang may nagaalaga ng mga bulaklak dito, kasi ang gaganda ng kulay at halatang alaga. Hindi mahahalatang pinabayaan. Siguro may inassign siyang magdilig ng halaman dito. Pero sa bahay niya wala?

Tumigil ako muna ako sa pagdidilig ng may nakitang dumaan na naglalako ng ice cream. Kaylangan ko rin naman ng pahinga kahit sandali lang.

Tinawag ko yung nagbebenta ng ice cream para huminto, lumabas naman ako para bumili.

"Ano pong ice cream ang dala mo po?" Tanong ko dito.

"Marami." Sabi nung naglalako habang binubuksan yung takip kung nasaan yung ice cream.

Tumingin ako sa poster kung saan nakadisplay yung mga picture nung ice cream pati na rin yung presyo. Ang mamahal naman.

Kinuha ko yung pinakamura nila, yung chocolate na may vanilla sa gitna na nakalagay lang sa stick. Ganto lang, twenty pesos na agad.

"Salamat po." Sabi ko habang kinakain yung ice cream.

Papasok na sana ako sa labas ng may lumapit sa aking babae at may kasamang batang lalaki na siguro ay nasa edad tatlo.

Siguro ganyan na din ang edad ng anak namin ni eli kung kami hindi kami naghiwalay.

Ano ba tong mga naiisip ko! Papasok na sana ako sa loob ng bumati yung babaeng medyo may edad na, na padaan sa bahay ni Eli.

"Hello." Bati nung may edad na babae habang hawak hawak yung apo niya siguro.

"Hello po." Bati ko pabalik.

"Ngayon lang kita nakita dito hija, taga dito ka ba?" Tanong niya.

"Ah.. opo, dito po ako nakatira, kakalipat ko lang po ngayon." Sabi ko sa kanya, tinuro ko pa yung bahay ni eli.

"Ikaw ba ang asawa ni Eli?" Nagulat naman ako sa tanong niya na agad kong tinanggihan.

"Hindi po. Hindi po." Tangi ko. umiling iling pa ako.

"Sigurado ka ba? Ngayon ko lang kasi siya nakitang nagdala ng babae sa bahay niya. O baka hindi ko lang napapansin." Sabi niya.

Ngayon lang siya nagdala ng babae sa bahay na toh? Talaga?

"Sige, mauna na ako sa iyo. Ipapasyal ko pa itong apo ko sa parke. Kung wala ka masyadong ginagawa, pwede kang bumisita sa bahay namin. Magkatabing bahay lang ang sa amin." Sabi niya, itinuro niya pa ang katabing bahay nito. Bago nagpaalam.

"Sige po. Bibisita po ako sa susunod." Sabi ko dito.

"Aasahan ko iyan, hija. Ano nga ba ang pangalan mo?" Tanong niya.

"Sophia po." Sabi ko.

"Kinalulugod kong makilala ka hija, ako si Angie, tawagin mo na lang akong tita angie.

"Masaya din po akong nakilala kayo." Sabi ko dito.

"Sige. Mauna na kami." Paalam niya.

Ngumiti naman ako sa kanila bago pumasok sa loob. Inubos ko na muna yung ice cream na kinakain ko bago ulit ipagpatuloy yung pagdidilig.

Biglang sumagi sa akin ang sinabi nung babaeng kanina. Totoo ba kayang hindi nagdadala ng babae si Eli dito? Tapos ako palang ang unang unang babaeng dinala niya. Hindi lang dinala, dito pa titira. Pero hindi eh. Ako kasi nagsabi na titira ako sa kanya. Ang alam ko lang talaga sa condo niya ako titira at hindi dito sa malaking bahay na ito.

At saka hindi naman sure si tita angie na ako lang ang babaeng dinala niya. Baka nga lang daw hindi niya nakikita na meron din bumibisita dito mga babae ni Eli.

Pwede naman ako doon. Biglang sumagi sa isip ko ang ideang, ayaw niya ako patirahin sa condo niya dahil dito niya talaga ako gusto patirahin para hindi ako mahirapan.

Bigla tuloy akong kinilig sa mga maiisip ko. Siguro concern parin siya sa kalagayan ko.

"Aish! Ano ba yan!" Reklamo ko sa sarili ko. Paano ba naman kasi, nayakap ko yung hose sa sobrang kilig ko, bukas pa naman iyon. Kaya ngayon, basa na ako.

Maliligo narin naman ako pagkatapos kong magdilig kaya mamaya nalang ako magpapalit.

Malapit na akong matapos sa ginagawa ko ng dumating si Eli, pinarada niya muna yung kotse niya sa labas ng bahay niya.

Di ko na siya pinansin, para matapos na yung pagdidilig ko sa mga halamanan niya.

"Fvck!" Napalingon ako sa kanya dahil sa sinabi niya.

"Anong sabi mo?" Tanong ko.

"Magpalit ka nga ng damit mo!" Hindi makatinging sabi niya.

"At bakit naman? Mamaya na! Maliligo rin naman ako." Sabi ko sa kanya, humarap ako tsaka pumamewang.

"Shit! Fvck!" Patuloy parin niyang sinasabi! Ano bang problema ng lalaking ito? Wala na siyang ibang maisip na salita?

"Ano ba yang lumalabas sa bibig mo? Puro kasalanan!" Sabi ko sa kanya.

"Maligo ka na! Tigilan mo na yang ginagawa mo." Sabi niya. Hindi talaga ako tinitignan.

"Mamaya na nga. Tatapusin ko lang itong ginagawa ko. Konti na lang naman." Sabi ko sa kanya. Tinalikuran ko siya para ipagpatuloy yung pagdidilig.

"Fvck! Kung ayaw mong tigilan yan, magpalit ka na lang ng damit." Sabi niya.

Tinigil ko muna yung pagdidilig at hinarap siya ulit.

"Bakit ba pinapatigil mo ako sa ginagawa ko? Ginagawa ko na nga lahat, pati yung mga hindi mo pinapautos para wala ka ng ipautos tapos ngayon gusto mong ipatigil yung ginagawa ko. Para ano? Para bukas may gagawin na naman ako? Wag ka mag alala, lilinisin ko parin yang buong bahay mo tapos magdidilig ulit ako!" Naiinis na sabi ko dito.

Hindi ko kasi siya maintindihan! Bakit niya ipapatigil yung ginagawa ko, kung ipapagawa lang din naman niya lang din sa akin.

"Please! Fvck! Shit! Magpalit ka na lang ng damit dahil nasa labas ka ng bahay." Sabi niya, namumula na yung tenga niya.

"BAKIT BA KASI, GUSTONG GUSTO MONG MAGPALIT AKO NG DAMIT? MALILIGO NA NGA AKO MAMAYA PAGKATAPOS KONG MAGDILIG NG MGA HALAMAN MO!" Sabi ko, galit na talaga ako sa kanya. Hindi kasi makapagantay, maliligo na nga eh.

"Fvck! Basta! Magpalit ka ng damit!" Sabi niya, hindi niya ako tinitignan, kung kanina yung tenga lang ang namumula sa kanya, ngayon buong mukha na niya.

"BAKIT NGA KASIII?!!" Hindi ko na talaga siya maintindihan!

"Shit! Kita yung bra mo!" Direderetcho siyang pumasok sa loob pagkasabi niya non.

Tinignan ko nga kung totoo ang sinabi niya.

Yumuko ako at tama nga siya, basa ang damit ko. At nakita niya ang bra ko. WAIT! NAKITA NIYA YUNG BRA KO! Ohmygosh! Ohmy! Nakita niya yung bra kooo! Dapat panagutan na niya akoo!

04-27-19

[UNEDITED!]

Living At My Ex House [COMPLETED]Where stories live. Discover now