Kabanata 28

295 22 0
                                    

Kabanata 28

Isang linggo na ang nakakalipas ng makausap ko ang mommy ni Eli.

Naging maayos na ang buhay namin. Hindi rin kami natuloy muna na pumunta sa probinsiya ko dahil sa biglaang meeting sa hotel ni Eli.

Mahigit isang linggo narin akong hindi pumapasok sa trabaho ko.

Sa tingin ko kahit kaibigan ako ni Lance ay aalisin na niya ako sa trabaho.

"Nakausap mo na ba si Lance?" Tanong ko dito.

Alam na kasi niyang may gusto sa akin si Lance, sinabi ko dito na umamin si Lance nung umalis ako sa bahay niya dalawang buwan na nakakalipas.

Hindi na siya nagulat ng ikinuwento ko iyon. Dahil nararamdaman at napapansin niya raw noong college pa kami.

"Hindi pa." Saad niya habang busy sa mga papeles na binabasa niya.

Nasa may study table siya, habang ako ay nakahiga sa higaan niya, pagod dahil sa pinagsaluhang init.

Tinitignan ko siya kahit nakatalikod siya. Wala siyang suot na pang-itaas, tanging itim na pantalon lang ang suot niya.

"Gusto ko siyang makausap." Sabi ko sa kanya. Umahon na ako mula sa pagkakahiga para pulutin ang mga nagkalat na damit sa baba.

Lumingon siya sa gawi ko. Tinitignan niya ang bawat kilos ko di alintana ang hubo't hubad na katawan ko.

Dahil medyo nahiya ako ay kinuha ko na lang muna ang suot kanina ni Eli na navy blue na v-neck shirt.

Agad ko iyon isinuot para hindi gaanong nakakalaswa sa paningin niya.

"When?" He asked.

"Today? Maybe tomorrow?" Sagot ko dito.

"I'll call him today para malaman kung pwede ba siyang makausap." Dagdag ko.

"Okay." Saad niya at ipinagpatuloy na ulit ang ginagawa.

Natambakan siya ng mga papeles na pipirmahan dahil hindi pala siya pumasok simula noong umalis ako dito.

Lumapit ako sa kanya at patagilid na naupo sa binti niya.

Agad naman niyang ipinulupot ang braso sa bewang ko habang ang kamay ko naman ay nasa batok niya.

Binabasa ko rin ang binabasa niya.

"Mag-apply kaya akong sekretarya mo?" Pabirong tanong ko rito.

Dahil nagbabalak narin naman akong umalis sa Alvendia Corp. Kahit hindi ako paalisin ni Lance, ay aalis parin ako dahil ang pangit na ng record ko doon.

Ang unfair naman kasi sa mga taong nagsikap na makapasok doon tapos kapag umabsent ng hindi nagpapaalam ay matatanggal na agad.

"Ahm...do you want?" He asked. Ibinaba niya ang hawak na papel at itinuon na sa akin ng buong buo ang pansin.

"Yes." Sagot ko dito.

"Then, you are my secretary now. You are hired." Sabi niya at hinalikan ang gilid ng baba ko.

"Ang bilis naman. Kaylangan kong dumaan sa proseso. Iyong may interview pa." Reklamo ko.

"Do you even need that?" Kumunot ang noong tanong niya.

"Of course, Eli! Hindi porque't magiging asawa mo na ako ay dapat hindi na ako dadaan sa mga interview. I want it fair to all!" Sabi ko dito na ikinatawa niya ng bahagya.

"Okay... I'll tell my secretary to have an job hiring next week." Sabi niya at kinuha ang cellphone.

"Mellissa." Basa ko.

"Yes, my secretary." Sabi niya, na medyo ikinainis ko.

"Babae ang sekretarya mo?" Tanong ko rito.

"Yes, why?" Nagtatakang tanong niya.

"I don't need an interview! Ako na ang papalit diyan sa sekretarya mo!" Sabi ko dito at umalis na mula sa pagkakaupo sa kandungan niya.

Narinig ko pa siyang mahinang natawa ng bahagya dahil sa reaksyon at kilos na ginawa ko.

Natapos na akong maligo. Nagusap narin kami ni Lance kung pwede ko ba siyang makausap. Pumayag naman siya.

Ang sabi ko ay magkita na lang kami sa coffee shop na malapit sa main na building niya.

Nauna kaming dalawa ni Eli sa coffee shop. Umorder si Eli ng latte habang ako ay frappe.

"Sorry, nalate ako. May dinaluhan pa akong meeting." Sabi ni Lance ng makarating. Naupo siya sa harap naming dalawa ni Eli.

"Pre."bati ni Lance. Nagtanguan lang silang dalawa.

"Ano ba ang pag-uuspan natin?" Tanong niya pagkatapos tumingin sa orasan.

May meeting siguro ito.

"Kung may meeting ka, pwede namang sa susunod na lang natin ito pag-usapan." Sabi ko sa kanya pero agad naman siyang tumanggi.

"No, wala akong meeting. Tinignan ko lang ang oras." Paliwanag niya.

Naniwala nalang ako sa sinabi niya bago huminha ng malalim.

"Balak ko na sanang magresign sa trabaho, Lance." Sabi ko dito na ikinagulat niya.

"Bakit? Isa ka sa mga asset ng komoanya ko, Sophia." Tila hindi parin humuhupa ang gulat niya sa sinabi ko.

"I'm sorry talaga, Lance, ayoko lang kasing makita ng ibang empleyado na marami na akong leave pero pinapapasok mo parin. Ayokong maging unfair sa mga empleyado mo." Sabi ko dito.

"Kung iyan ang gusto mo. Hindi naman kita pinipilit na magstay sa kompanya ko. Iyan ang gusto mo, kaya dapat sundin ko." Sabi ni Lance.

"At saka......sorry na rin Lance kung hindi ko kayang suklian ang pagmamahal na ibinibigay mo sa akin. Naappreciate ko lahat iyon kaso hindi talaga nabaling ang atensyon ko sayo. Sa kanya lang talaga." Sabi ko sa kanya.

Tinignan ko si Eli. Nakatingin siya kay Lance tinatansiya kung ano ang magiging reaksyon nito.

"Okay lang. Naiintindihan ko Sophia. Hindi naman natin mapipilit na mahalin rin tayo ng taong mahal natin na kahit alam naman nating may mahal na iba." Paliwanag niya.

"I'm sorry talaga." Sabi ko dito.

Ngumiti siya ng bahagya.

"Hindi mo naman kaylangang magsorry." Sabi niya.

"Nandito parin naman ako, bilang kaibigan mo. Magbibigay ng advices sayo kapag nag-away ko ni Eli." Sabi ni Lance.

"Pre, alam ko namang aalagaan mo siya, dahil matagal na kayong magjowa. Ingatan mo siya, kung hindi ay kukunin ko siya sayo." Pagbabanta niya na ikinatawa ni Eli.

Nag-usap pa kaming tatlo hanggang sa abutin na kami ng gabi.

Nagpaalam na si Lance na mauuna na siya dahil may gagawin pa raw siya sa opisina.

"So, i guess..... this is a farewell sa kompanya ko? I won't be seeing you in my company starting tomorrow." Sabi niya na ikinatango ko.

"I will send you, your salary." Sabi niya.

"So paano, una na ako. Pre, Sophia." Paalam ni Lance.

Gumaan ang pakiramdamn ko dahil maayos na ang lahat.

May nasaktan man kaming damdamin ay alam ko paring kaya niyang kumawala at makakahanap rin siya ng mas higit pa para sa akin.

Aantayin kong makahanap ka ng babaeng susuklian ang pagmamahal na binigay mo  sa akin, Lance.

"Tara na rin?" Tanong ni Eli.

Tumango ako bilang sagot. Hinalikan niya muna ako sa noo.

"Umaayos na ang lahat. Kaylangan na lang natin pumunta sa probinsiya niyo para mamanhikan ako." Sabi niya at hinalikan ulit ang noo ko.

10-02-22

Living At My Ex House [COMPLETED]Where stories live. Discover now