CHAPTER 4

14.1K 281 1
                                    

Nagising ako ng maramdam ng isang mabigat na bagay na naka-dagan saaking tiyan. Inis kong inalis iyon pero ayaw. Nag-mulat ako ng mata at tinignan ang tiyan ko, only to see Zander's arm.

Huminga ako ng malalim at pumihit pa-kaliwa dahilan upang makita ko ang gwapo niyang mukha. Yung kilay niya na makapal na laging magka-salubong, his arrogant proud nose, thick long eyelashes and his reddish lips. Paano napunta ang isang Adonis na ito sa earth? Just kidding!

Naka-awang ng kaunti ang kaniyang labi, so cute!

Pinalandas ko ang aking daliri sa kaniyang makapal na kilay, pababa sa kaniyang ilong hanggang sa kaniyang labi. Nagulat na lamang ako ng may humawak sa aking kamay.

"What do you think you're doing?" Zander's husky voice filled my ear, napaka-sexy non sa pandinig ko.

"A-ah w-wala. G-good morning," nauutal kong sabi.

Binitawan nito ang aking kamay at binaon sa aking leeg ang kaniyang mukha. Nanigas ako, ramdam ko ang mainit niyang hininga na tumatama sa aking balikat. Bakit kaya siya sweet ngayon? Ganto ba siya tuwing maigigising sa umaga? O baka naman may mali sa kinain namin kahapon? Tama!Tama!

"Okay ka lang? Masakit ba ang tiyan mo?" tanong ko.

Nag-angat ito ng tingin sakin at mababasa mo sa gwapo niyang mukha ang iritasyon, "What the hell?" Sabi nito at sinapo ang sariling noo.

Ngumuso lamang ako naka-maang na naka-tingin sa kaniya.

Tatlong katok ang sumira sa katahimikan namin, "PASOK!" sigaw ko.

Pumasok naman si Eugene na malagkit na agad ang tingin kay Zander. Malandi!

"Bestfriend kong Buntis, tumayo ka na diyan at kakain na. Sir Zander, kakain na po." sabi nito.

"Sige, susunod ako," sabi ko.

Tumayo na ako at dumiretso sa CR. Nag-hilamos ako, at teka! Wala akong sipilyo tsaka iisa lang ang sipilyo dito sa mug. Wala akong choice kundi gamitin 'to, kung hindi edi baho hininga ako hihi.

Ginamit ko ang kulay gray na sipilyo. Pagkatapos ay nag-pusod ako ng buhok, papalabas na sana ako ng atakihin ako ng morning sickness ko.

Patakbo kong tinungo ang bowl at doon dumuwal. Sumakit na naman ang aking tiyan at may ilang luhang umalpas sa aking mata.

Someone rub my back gently and fix my hair. Pagkatapos kong mag-suka ay napa-upo ako sa tiles na sahig at sumandal sa pader, nanghihina ako. Pakiramdam ko hindi ako naka-kain ng isang taon.

"Are you okay?" tanong sa akin ni Zander.

Tumango ako at tumayo ng masiguro kong hindi ako matutumba. Nag-mumog ako at nag-hilamos ulit.

"Hi Ate Sunny," yan ang sumalubong sa akin ng marating ko ang dining table. Nanduon na ang lahat except kay Zander na nasa kuwarto pa.

"Hi too Suzy," bati ko pabalik.

Umupo na ako at nag-simulang kumain, nagugutom na ako eh hehe.

"Clear all my schedule today. Yeah, yes, yes," sabi ni Zander habang hawak ang kaniyang Cellphone.

Hindi ko na siya pinansin at nag-tuloy na lang sa pagkain.

"How's your sleep Hija?" nakangiting tanong ni Tita Francine.

"Okay lang naman po Tita," sagot ko.

"Nice to hear that," anito at ngumiti.

Ngumiti din ako pabalik at tinignan si Eugene na naka-simangot.

"Problema mo?" takang-tanong ko.

Ngumuso ito at tinuro si Edward, ang pinsang lalaki ni Zander, na crush ni Eugene.

Napa-iling na lang ako at tinuloy ang pag-kain.

Pagkatapos kumain ay dumiretso ako sa kuwarto at humiga sa kama. Nakita ko ang hinubad na damit ni Zander kaya kinuha ko iyon at inamoy-amoy, ang bango!

"You look like a dog sniffing something," sabi ng isang tinig.

"Ano naman? Ang bango kaya ni Zander hihi," humahagikgik na sabi ko pa.

"I know because i am Zander," sabi nito.

Natigilan ako at nag-angat ng tingin. Agad na tumambad sa akin ang nag-iisang Zander Zanth na naka-pamewang at naka-taas pa ang isang kilay.

Pilit akong ngumiti sa kaniya, sa kaloob-looban ko ay pinapatay ko na ang sarili ko dahil sa kahihiyan.

"Hehe kanina ka pa?" napapahiyang tanong ko.

"Hindi, ngayon lang," sarkastikong sabi niya.

Ngumuso na lamang ako tinabon sa mukha ko ang T-shirt niya.

"Ate Sunny! Let's swim!" masayang sabi ni Suzy na walang katok-katok na pumasok sa loob ng kwarto, "Kuya, can Ate Sunny swim?" parang batang tanong nito sa Kuya.

Nag-nod naman si Zander at lumabas ng kuwarto. Tinanggal ko ang naka-tabing na T-shirt sa aking mukha at tinignan sila Suzy.

"Hoy Bestfriend kong Buntis! Tara swimming tayo!" excited na yaya sa akin ni Eugene, "Nag-dala kami ng swim suit, just pick one!" pagpapatuloy pa nito.

Inilapag nila sa kama ang mga swim suit. Isa doon ang naka-kuha ng atensyon ko, pero naga-alangan ba ako kung susuotin ko ba o hinde.

"Ayoko niyan, hindi ako sexy," naka-ngsuong sabi ko.

"Ihhh! Sige na Ate, minsan lang naman eh," nagtatampong saad ni Suzy.

I sighed in defeat ang pick the black two piece. Pumasok ako sa CR at agad nag-palit ng two piece. Nag-bath robe muna ako bago lumabas.

"Taray! Nag-bath robe pa ang buntis!" ani Eugene.

Naka-one piece si Eugene. There's have a cut on the center part of her swim suit so her cleavage is expose. May kurba rin ang katawan niya at may mala-porselanang balat, ang sexy niya.

"Let's go Ate Sunny! I'm so excited," ani Suzy.

Hinila na nila ako palabas sa mansion. Dumaan kami sa back door, pag-bukas pa lamang nun ay nanduon ang lahat.

Si Tita Francine na nag-iihaw ng barbecue, si Tito Alex na tinutulungan si Tita Francine.

"There! Andun sila!" tinuro ni Eugene ang part kung nasaan sila Edward at Zander.

Hinila na naman nila ako doon. Malaki ang swimming pool nila, sobrang lawak at sobrang linis.

"Tara langoy na tayo!" yaya ni Eugene.

"Mamaya na lang ako, dito muna ako," sabi ko saka umupo sa isang upuan doon.

Nakita ko kung pano nag-tinginan si Eugene at Suzy kaya bago pa nila magawa ang pina-plano nila ay agad akong tumakbo at nagti-tili.

Hinabol naman nila ako hanggang sa makorner nila ako kaya todo ang piglas ko sa hawak nila. Mygad! Madami sila isa lang ako!

"Fine! Just stop it! Jusko! Baka mapaano ang anak ko ng dahil sa inyo," sabi ko.

Binitawan naman nila ako at tinawanan lang. Hinubad ko ang bath robe na suot ko at nilagay iyon sa upuan.

"You're smokin' hot Ate! You're so sexy!" manghang sabi ni Suzy at pinasadahan ang kabuoan ko.

Natigil ang kaniyang paningin saaking tiyan, nanlalaki ang mata.

"You have a baby bump na!" masayang sabi nito at hinimas ang aking tiyan.

"Sa pagkakatanda ko ay 2 buwan pa lang ang tiyan mo Buntis, bakit iba ang laki?" takang tanong ni Eugene.

Nag-kibit balikat lang ako.

Billionaire's Twins (Preview Only)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon