Day 6.1

377 18 0
                                    

Inutusan ko si Yassy na kumuha ng mga volumetric flask at mga takip para dito. Ako naman ay naghanap ng petroleum ether at alcohol.

"Eto na yung pinapakuha mo," wika ni Yassy. "Sinukat ko na rin yung takip. Tamang tama lang."

"Okay. Pakuha naman ng pwedeng gamiting basahan," ang dagdag kong utos. Pumunta si Yassy sa locker area. Siguradong marami siyang makukuha doon.

Inabot ko ang embudo at nilagyan ko ng petroleum ether ang apat na pirasong flask. Yung bilog na parte lang ang aking nilagyan saka ko ito tinakpan. Pagkatapos ko ay tamang pagdating ni Yassy. Ginupit namin ng pahaba ang mga nakuha niyang mga t-shirt at binasa ng alcohol. Piniga at itinali sa leeg ng flask.

"Eto na ang tinatawag kong Molotov Cocktail Level 100," sabi ko sa kanya.

"Molotov cocktail? Ano yun?" ang tanong ni Yassy.

"Ah. Eh. Alam mo ba yung mga napapanood sa pelikula na mga bote ng alak na nilagyan ng basahan sa bote? Tapos sisindihan yung basahan pagkatapos ay ihahagis. Pag nabasag yung bote, kakalat yung apoy kasi flammable yung alak."

"Ah oo. Alam ko yun. Yun pala tawag dun."

Minungkahi ko kay Yassy na i-akyat na namin sa bubong ang mga ginawa naming Molotov cocktail. Nag akyat na rin kami ng upuan para gamiting harang sa pinto para hindi ito tuluyang magsara. Hihintayin namin ang gabi para maisagawa namin ang aming experimento.

Naghanda na kami ng aming makakain. Pinatay namin ng lahat ng ilaw sa laboratoryo at mga locker area. Nagpasya kami na sa rooftop kumain para ang liwanag mula sa apoy ang tanging makikita ng mga zombie. May kaunting ilaw na lumamabas sa pintuan ng rooftop mula sa emergency light na inilagay namin sa catwalk.

"Sa gabi ba, nakaka-amoy sila?" tanong ni Yassy.

"Siguro naman. Hindi naman yata mawawala yun," ang aking sagot.

"Eh di kung sakaling tama hinala natin at pupuntahan nila ang apoy, liwanag at pang amoy ang gamit nila."

"Oo"

"Eh di pwede palang gumawa ng patibong sa gabi at gawing pain ang amoy ng flavoring."

"Anong ibig mong sabihin?"

"Halimbawa. Makahukay tayo ng malalim na butas. Sa araw, siguro naman maiiwasan nila yun. Pero sa gabi, hindi kasi hindi nila makita. Pero pay may pain yung butas, pupuntahan pa rin nila. Pero siyempre, wala naman tayong butas diyan. At sigurado namang hindi tayo makakahukay ng ganun ng hindi nila napapansin. Halimbawa lang."

May punto si Yassy. Hindi man patibong ang magawa namin, at least alam namin kung paano sila iwasan kung sakaling aalis na kami dito.

Lumubog na ang araw. "Simulan na natin," ang aking sabi.

Sinindihan ni Yassy ang basahan sa Molotov cocktail gamit ang lighter na nahanap namin sa locker area. Ihinagis ko ito papunta sa direksyon ng parking lot. Nabasag ang flask at kumalat ang apoy. Pangalawang Molotov naman. May tinamaang zombie at nagliyab ito. Pangatlo. At pangapat. May kalakihan ang apoy dahil may ilang zombie ang tinamaan ng Molotov. Pinupuntahan nga nila ang liwanag pero hindi sila lumalapit dito. Marahil ay nararamdaman nila ang init. Para lang silang mga campers na nakabaligid sa isang bonfire.

Hindi na namin hinintay na mamatay ang apoy. Bumaba na kami sa laboratoryo para makapag pahinga. Gagawa pa kami ng ilan pang Molotov bago matulog.

Zombie.phWhere stories live. Discover now