Day 9.0

295 13 0
                                    

Nakikita ko na ang kaunting liwanag mula sa labas. Walang sikat ng araw. Umuulan kasi.

Hindi ito ang tamag panahon upang maglakbay kami. Mabuti siguro ang ihanda namin ang aming mga gamit sa mahabang paglalakbay.

Bigla kong naalala ang aking cell phone na naiwanan ko sa aking apartment. Dali dali akong bumangon upang tignan ito. Pinindot ko ang power button ngunit hindi nabuhay. Marahil ay drained na ang battery. Kinuha ko ang charger at ikinabit sa cell phone para mag-charge.

Wala pa namang isang linggo ang lumilipas simula nung nagsimula ang lahat ng gulo pero may kuryente pa rin. Mabuting i-charge ko na lahat ng power bank at lahat ng gamit ko na pwedeng i-charge. Sigurado akong darating ang panahon na mawawalan ng silbi ang lahat ng gadget ko.

Pagkagising ni Yassy, tumugo siya sa kusina para maghanda ng aming makakain. Ako naman ay patuloy na abala sa pag-charge ng mga sari saring gadget ne pwede naming magamit sa aming paglalakbay.

"Andami naman niyan," ang sabi ni Yassy.

"Magagamit natin ito lahat." ang sagot ko naman. "Cell phone; baka sakaling may signal pa. Maka-contact tayo ng kakilala natin. Mga power bank. Night vision goggles; para pwede tayong maglakbay sa dilim ng gabi na hindi gumagamit ng ilaw. Taser; just in case kailanganin natin."

"Bakit may mga ganyan kang gamit?" tanong ni Yassy. "May espada ka pa. Siguro may baril ka pa dito, no?"

"Sabi ko nga kasi sa iyo, praning," ang aking tugon. "Napapanood mo ba sa TV yung mga tinatawag nila na Preppers?"

"Ano yun?"

"Yun yung mga taong naghahanda para sa isang kaganapan na pwedeng maganap. Halimbawa, malakas na lindol, digmaan, delubyo, pag-atake ng mga zombie."

"Ganun ka?"

"Uhm... Hindi lubusan. Kasi ang mga taong full-fledged prepper, pati bahay nila, nakahanda para sa ganun. Apartment lang ang akin. May bag ako sa kwarto na nakahanda na. May lamang pagkain, damit, gamot. Pero sa tingin ko, hindi ko kailangan nga ganun karaming damit. Ikaw, mukang kailangan mo ng damit."

Wala nang ibang damit si Yassy kundi ang ginamit niyang damit nung pumasok siya sa trabaho at ang damit pang trabaho.

"Wala kasi akong damit pambabae dito sa apartment," ang sabi ko sa kanya. "Mabuti pa, subukan nating libutin ang building baka may makita tayo."

Kinuha ko ang sarili kong baril na nasa loob ng bedside drawer ko sa kwarto. "Sabi nang may baril ka, eh," ang sabi ni Yassy. Inabot ko kay Yassy ang isang revolver at isang baseball bat. Isunuot muli namin ang mga padding na dala pa namin mula sa pabrika.

Lumabas kami sa aking unit at ni-lock ang pinto sa likuran namin. Sinimulan na naming libutin ang apartment building para maghanap ng maaaring magamit namin.

Zombie.phWhere stories live. Discover now