Chapter 13

1.8K 39 0
                                    

Chapter 13

Forget about what happened

--

KEITH'S POV

Tulala ako ng matapos ni Kate ang kuwento. Hindi ako makapaniwala na totoong hinatid ako ni Chantel dito. I thought it was a dream.

"Oo Ate! May narinig pa nga ako e, baby daw? Siguro kasi mukha kang baby umiyak kanina."

Mabuti na lang at iyon ang naisip ni Kate.

"Sige Kate, matutulog na muna ulit ako." Pag-iwas ko agad.

"Makakatulog ka pa ba five ka nagising, eight pa lang."

"Inaantok pa ako e, sige na Kate."

"Ate naman."

"Good night din, lock mo door ko." Pabalang kong sagot, nag-tantrums pa siya pero 'di ko na siya pinansin. Napapagod ako.

I opened my phone and saw Chantel's message. "Hey you okay now?" Pagbasa ko doon. "Yup, thanks." Iyon na lang ang ni-reply ko sa kaniya.

Ilang segundo pa ay nag-reply ulit siya, "Welcome. How are you right now?" Mabilis lang din ako na nag-reply, "I'm good. Oh, I need to go." Iyon na lang ang sinabi ko para hindi na ulit siya mag-message.

Kada mag-o-open na lang ako ay may message siya. I shouldn't be attached to her messages.

Chantel called me baby, she helped me and she cheered me up.

Nakokonsensya na naman ako. Nakakainis. Bakit ba kasi siya pa 'yung nakita ko sa park.

My phone vibrated, It was Kesha. Mapapadali ata ulit ang pasok ko bukas dahil susunduin niya kami ni Kate, but I think she just need something.

"Nah, Ako na lang. May ipapagawa ka 'no?" Iyon ang sinagot ko at mabilis lang din siyang nag-reply. "Magpapadrawing lang sana ako. Bakit ba alam mo agad? Send ko na lang sayo ah." Sabi niya at nag-agree na lang sa kaniya.

Maaga akong nagising kaya nag-ayos na muna ako ng gamit at sarili bago ako lumabas.

"Wow, I smell something fresh."

"Good morning muna diba, aalis ka?"

Natawa siya. Tumango siya sa akin at mukhang alam ko na kung saan siya pupunta.

"Ate? Mga seven pala ako aalis, ganong oras 'din daw pupunta si Kuya Jhai rito."

Speaking of Jhai nagiging comfortable na ako sa kaniya maganda naman kasi siyang kasama. He has this sense of humor na talagang napapatawa ako.

"Okay kumain muna tayo." Aya ko sa kaniya.

Mabilis lang kaming natapos na kumain, ilang oras lang din ay dumating na si Jhai.

"Keith!"

"Jhai!"

"Hello, napa-aga ka ha?"

"Can't wait to see you, just kidding. Magpapatulong sana ako doon sa math natin, hirap e."

"Okay, hintayin mo na lang ako diyan." Sabi ko at mahinang natawa sa aniya.

Ngumiti lang si Jhai, iniwan ko muna siya sa sala at hinayaan siya roon. Hindi naman ako gano'n ka-tagal mag-ayos pero natatagalan na ako ngayon. Hindi nakikisama ang buhok ko.

"Ate naman, maganda ka na okay? 'Wag ka na mag-ano jan. Si kuya Jhai lang 'yon." Biglang sabi ni Kate at napatawa sa akin.

Inismiran ko siya kahit kailan talaga.

Sandali lang naman din si Jhai rito dahil nga nagpaturo lang naman siya sa akin.

Nag-message na rin si Kesha sa akin na malapit na siya. Pinauna ko na rin na pumasok si Kate dahil cancelled din naman ang date niya.

"Keith!"

"Kesha, ano tara na?"

"Gaga maaga pa. Eight pa klase natin seven palang. 'Wag excited."

"Fine."

CHANTEL'S POV

Gusto kong sunduin si Keith sa kanila pero nasundo na ako ni Dean. Kaya wala rin akong choice.

"Chan?"

"Hmm?"

"About doon sa DeanTel's. Nakakatuwa 'no?"

"Yeah pero minsan naiilang pa rin ako."

"Seriously?"

"Of course, Kahit naman na kilala ako sa school ay nahihiya pa rin ako especially kapag sobrang daming pumapansin sa akin. You know I am not the type of bitch who will enjoy the crowd and attention." Sagot ko sa kniya.

"Oh well, you are right. Natutuwa lang ako kasi walang kumakalaban sayo, you are free to walk though you have a title in our school."

"Of course, Dean."

Nangiti siya. Nagulat ako ng kaunti nang bigla niyang hawakan ang kamay ko, hinayaan ko na lang iyon.

"DeanTel!"

"Holding hands!"

Pati sa paglalakad ay hawak niya pa rin ang kamay ko, hinayaan ko lang din kahit na nakikita kami. Dahil for sure ay hindi naman ito aabot sa classroom.

Naihatid niya na ako sa classroom at mabilis lang din kami na nag-paalam sa isa't-isa. Mabuti na lang ay sanay na ako sa mga tao na nakamasid sa akin sa araw-araw.

Pag-pasok ko ng classroom ay tinabihan ko agad si Kesha para tanungin.

"Kesha?"

"Oh?"

"Tapos mo?"

"Alin?"

"Math."

"Hindi, wala tayong math-Hala! Hindi ko nagawa."

Sumimangot ako dahil doon, alam ko naman na hindi niya nagawa. Buti na lang ay nag-tanong ako sa kaniya.

Natapos ang klase namin nang mabilis. Wala kaming gaanong klase dahil puro meetings na naman ang teacher. Mukhang mapapaaga na naman ang uwian namin nito.

"Keith."

"Ah, Chantel. Forget about what happened, bye!"

Akala ko. Ayos na kami, akala ko lang pala. Sana sinulit-sulit ko na 'yon kasi sobrang saya ko nung araw na 'yon. Hindi na ba pwedeng maulit? Hindi na ba mauulit?

Forget about what happened.

It's not that easy, Keith.

--
SassyKylie

Her Love (GxG Story)Where stories live. Discover now