Chapter 56

934 23 0
                                    

Chapter 56

Pwede

--

KEITH'S POV

I am not sure if this is our last day here in resort. Hindi ko rin alam kung kailan ba ako lalabas ng kwarto ko, natatakot ako, kinakabahan ako.

I'm afraid to see her.

Ang dami kong gustong itanong sa kaniya pero wala akong lakas. Mas pinapangunahan ako ng kaba ko.

It's already eight in the morning but I am still here in our room. Kanina pa ako gising pero hindi lang ako gumagalaw.

Gutom na ako, gusto ko na talagang lumabas.

I relaxed myself first, gagalaw na sana ako para lumabas pero biglang bumukas ang pinto. Mas lalo akong kinabahan.

"Nasaan na ba 'yon?" Bulong niya na ikinatayo ko ng maayos.

It's her.

Alam ba niya na nandito ako sa kwarto? Mas tumindi pa ang kaba ko.

"I can't find it." Bulong pa niya.

Todo pigil ako sa sarili ko na gumalaw at mag-ingay. Hinihinaan ko lang din ang paghinga ko.

I don't know what will happen if she ever notices me here.

"There you are." Sabi niya.

Ramdam ko na nasa gilid ko lang siya, I think she get the bag beside me. It is Kesha's bag, paniguradong inutusan siya ni Kesha na kunin iyon.

Umimpit ang mahinang tili ko, I just hope that she didn't hear that.

Hindi ko alam kung alam na ba niya na nandito ako, nakataklob lang naman ako ng kumot at katabing-katabi ko lang din ang kinuha niya. Sobra na rin ang kaba ko sa ngayon.

Kaming dalawa lang ang nandito!

"Pinahirapan pa ako, nandito lang pala." Sabi niya sabay higa sa kama.

Nasa pareho kaming kama ngayon, hindi na ako makapag-isip ng matino.

Hindi na talaga tama ang paghinga ko, matindi na rin ang kaba ko.

Chantel, sobrang manhid ka ba?

"Dito rin siguro nakahiga si Keith kanina." Sabi niya at umayos ng higa. Ramdam na ramdam ko ang lahat ng galaw niya dahil nasa iisang kama lang naman kami!

Naramdaman ko na unti-unti siyang lumalapit sa akin.

Ano bang akala niya sa katabi niya ngayon? Unan?

"Amoy Keith, kumapit ba sa unan niya 'yung amoy niya?" Bulong niya sabay yakap.

She's... hugging me.

May unan naman kasi sa tabi ko pero ramdam ko pa rin ang yakap niya sa akin. Damn, Chantel.

"Hoy! Bakit ang tagal mo!" Narinig ko ang boses ni Kesha.

Ngayon lang ako magpapasalamat sa bibig niyang sobrang ingay, umupo na si Chantel. Unti-unti na rin namang nababawasan ang kaba ko dahil hindi na siya sa akin naka-focus.

"Hinanap ko pa. Anyways, dito ba nahiga si Keith? It smells like her." Sabi niya.

Bigla namang tumawa ng sobrang lakas si Kesha. Napapikit ako ng mariin dahil doon, mukhang siya alam niya na nandito pa rin ako.

"Where's my sunblock?" Natatawang tanong niya.

"Here."

"Thanks, okay iwanan ko na kayo. Enjoy." Sabi niya at umalis na.

Kesha. How dare you say that!

Dahil sa sinabi niya ay mas tumindi ng tumindi ang kaba ko. Hindi ko na alam ang gagawin ko, hindi na rin talaga ako makagalaw.

"Crazy. Wala naman si Keith dito, amoy niya lang. Her sweet scent..."

Pumikit ako doon. Gusto ko ng sumigaw, gusto ko ng sumabog sa kilig, gusto ko ng tumayo at yakapin na lang siya bigla.

"Chan! Sabi ko kela Tita na may ginagawa ka ah. Lock ko muna pinto, message niyo na lang ako kapag okay na! Enjoy!" Malakas na sigaw ni Kesha mula sa labas.

Damn. I'm doomed.

"What? Keith's not here though-"

"I'm here." Sagot ko.

Damn this mouth. Hindi ko na napigilan!

I thought she will jump or she will go away from me but she didn't move. Nagulat ako ng bigla niya akong yakapin.

"C-Chan..."

I was so nervous earlier but now that she's hugging me I feel so safe. It feels like home. Gusto ko na lang umiyak sa ngayon.

"Keith." Sabi niya at mas hinigpitan pa ang yakap sa akin.

"H-hindi ka man l-lang nagulat na nandito ako?"

"Why would I? Naamoy nga agad kita kaya ako humiga dito sa kama. Hindi ko talaga alam na nandito ka dahil sa unan na katabi mo." Bulong niya.

Nasa bandang leeg ko siya kaya medyo nakakakiliti iyon.

"Baby..." Bulong niya.

Sobrang na-miss ko 'to. Sobrang na-miss ko siya

"Pwede bang...."

--

SassyKylie

Her Love (GxG Story)Where stories live. Discover now