Chapter 6

169 99 138
                                    

"Guys, since vacant time naman natin ngayon may pinapasabi si Marco," ani ko sa kanila. Umayos silang lahat sa pagkakaupo nila at humarap sa akin.



(Senior, katulad sa mga korean novela, ito yung nagtuturo sa kanila na nasa matataas o pinakamataas na grade/level sa school. Schoolmate lang pero still tinuturuan sila. Since nawalan nga sila ng teacher, yung senior yung pumalit sa kanila. Xoxo)



"Alam niyo naman siguro na foundation na next next week. Magkakaroon tayo ng booth. Sinong may ma-i-sa-suggest? Isa-isa lang guys, madami pa naman tayong oras kaya hinay-hinay lang," ani ko.




Nagtaasan sila ng kamay at ang mga mokong, puro katarantaduhan ang mga sinasabi.



"Bar," -Jacob




"Magtinda tayo ng alak," -Reese




"Mga babae, ibenta na lang, mas malaki pa babalik sa'tin niyan. Si Yena, ibenta," ani Eikhart sa pabirong paraan.




"Ikaw lalaki ka! Tigilan mo nga!" ani Bea sa kaniya.




Tumaas ng kamay si Trevor, tinawag ko siya. Baka ito lang ang may maayos na sagot.




"What if, we paint for them? Kahit simpleng painting lang. Pwedeng magreserve gano'n," aniya. Hmmn, good suggestion. Maybe he loves to paint kaya ito ang nai-suggest niya.




Napatango ang iilan sa mga babae. Puwede rin naman pero paano kung kakaunti lang ang mga marunong magdrawing at magpaint?




"Okay ba 'yon? Sa inyo? Majority tayo, guys. Taas na lang kamay kapag willing kayo," ani ko sa kanila.




Nagtaas naman ng kamay ang halos lahat, bilang lang sa kamay ang mga hindi.




"Okay, painting na lang tayo. Sino-sino rito yung willing na tumulong sa pagpe-paint at drawing? Mag-assign muna tayo," ani ko sa kanila.





Nagtaasan ng kamay sila Bea, Max, Claudette, Yena, Reese, Lily, Trevor, Eikhart, Dan, Madison, Ava, Jacob, Ry, Aldeus, Andrei, Shek at Ako.




"Okay, 17 tayo na mag do-drawing at paint, samantalang yung iba naman, sila yung mag-a-ayos at maglilinis ng Booth. Mga magpe-paint at drawing nasa booth kayo, yung 13 na hindi naman magpe-paint at drawing kailangan niyo mag-ikot para i-convince yung mga tao na pumila sa 'tin, maghati-hati kayo, pwedeng yung 7 sila na maglilinis. Si Marco na lang yata magbibigay ng iba pang details. Kung may tanong kayo, sa kanya niyo nalang itanong, basta kailangan maging handa tayo sa booth, na kay nino pala yung fund natin?" tanong ko sa kanila.



Tumaas ng kamay si Alex. "Nasa akin. Kukunin mo ba para sa mga materials?" tanong niya sakin.




Umiling ako. "Hindi, senior na yata bahala sa mga pera. Tinanong ko lang. Salamat pala sa pakikinig," ani ko sa kanila at bumalik na sa upuan ko. Sakto naman na nag-ring ang bell.


Hindi ako nagpunta sa canteen, hindi naman sa gutom ako pero ayoko lang talaga, mas gusto ko sa library, gusto ko kasing magbasa muna for the mean time.



Nagi-scan ako ng mga libro, Stephen King, you know, mga magagandang libro. Nang mahanap ko na ang gusto ko, umupo na ako.




Patango-tango pa 'ko habang nagbabasa.
Taimtim akong nagbabasa ng makarinig ako ng mga impit na tili sa gilid. Inikot ko ang tingin ko, mga babae, nagtatago pa sa libro ang iba.



Umiling nalang ako habang sinusundan yung tingin nila. Si Trevor lang pala.


"Hi, Ysa!" masiglang ani Trevor, umupo siya sa may harapan ko.


Big City (Completed)Where stories live. Discover now