Chapter 32

54 16 6
                                    

Nang tignan niya ako sa mata, hindi ko alam kung bakit matapos ko siyang tignan nang may galit, nasaktan ako sa tingin niya sa akin pabalik. Bakit may kirot na dala yung mga tingin niya? siguro kasi tinignan niya ako na para bang isang hangin? Isang istatwa na walang dating? I mean sa sarili ko, hindi ko maintindihan kung bakit ganito ako mag-react ngayon, bakit ganito ako umakto eh iyon naman ang gusto ko 'diba? Na hayaan na ang taong 'yon sa bagay na gusto niya, at ano naman kung ganoon niya ako tignan? Dahil ba wala akong nakita na pagsisisi sa kaniya?



Dapat nga at galit ako sa kaniya dahil sa ginawa niya pero bakit ba mas pinagtutuunan ko pa ng pansin yung pakiramdam ko sa mga tingin na ipinako niya sa akin.




Wait, hindi kaya siya yung lalaking nasa counter ng Creed? Fck. Buti na lang hindi ako nag-angat ng tingin sa kaniya, kung nagkataon, nako naman talaga.



Hindi kaya siya yung may ari ng Creed? Well, it doesn't really matter.



Natigil ang masyadong pag-iisip ko nang malalim dahil sa tunog ng cellphone ko.


Humikab muna ako bago ito kuhanin sa side table ng bed ko.


2 na ng madaling araw, sino naman ang magbabalak na tumawag sa akin ng ganito ka-aga? Ni hindi pa nga ako nakakatulog.



Isagani's calling...


Sinagot ko ito kaagad ng makita ang pangalan niya.




"Hello? Kamusta na? Nasaan na kayo?" Tanong ko rito.



Narinig ko siyang umubo sa kabilang linya. "Nandito na kami sa France, Buti malapit lang yung hotel sa airport," aniya na ikinatango ko.




"Gano'n ba? Mabuti naman at ligtas kayong nakarating diyan," ani ko sa kaniya na nasa pagod na tono, sa antok din siguro.




"Oo, Ysa, Salamat sa pag-aalala. Sorry pala, nagising ba kita o gising ka pa?" Tanong nito.



Humikab ako at ipinarinig ko talaga ito sa kaniya, inaantok na talaga ako. "Gising pa ako, patulog na rin kaya ayos lang," sabi ko sa kaniya. Unti-unti kong hinihila ang kumot na nasa paanan ko at umaanggulo na sa kama ko.



"Nako! Sorry talaga, napagod ka yata sa ginawa mo ngayong araw, sige na, matulog ka na," aniya na ikinatuwa ko.



"Thank you, Isagani. Goodnight," ani ko sa kaniya bago pumikit.


"Goodnight, Ysa. Paggising mo saka ka na ulit mag-kwento, Okay ba--" huli kong narinig bago matulog ang diwa kong pagod.



Binisita ko si Marco at yung asawa niya sa hospital kung saan ito nagpapahinga. Buti at wala akong masyadong importanteng gagawin sa kumpanya, may dalawa akong meeting pero hindi naman ito tumagal ng higit sa isang oras.



Inihinto ko ang kotse ko sa labas ng Conti's, bibili ako ng Pistachio Harmony para may dala ako kapag pumunta sa hospital, nakakahiya naman kung wala.



"Ysa," ani Marco nang may ngiti sa labi, dinaluhan niya ako nang makita na may hawak ako.



Tuluyan na akong pumasok sa loob at kinamusta ang asawa niya, samantalang ang cake na hawak ko naman ay iniabot ko na kay Marco.



"Hello, Mrs. Jayme," ani ko sa asawa niya.


Kita ko ang pagod sa mata ng asawa niya pero kahit pagod, makikita mo naman ang ganda nito, dahil na rin siguro sa kulay nito na matingkad na kayumanggi, bagay na bagay sa kulay mestisa niyang balat.


Big City (Completed)Where stories live. Discover now