Chapter 5 (Manloloko lang pala)

15 2 0
                                    

Cloe's POV

"WHAT?? AYAW MO NA??? WAIT! Magsisimula pa lang ang mga plano ko tapos aayaw ka na agad? Malakas na sigaw ko kay Ian
"Ayoko na talaga Cloe Sensya na talaga.
"NO! Hindi pwede! Nagpareserve pa ako ng mamahaling Japanese restaurant para ditto tas biglang aayaw ka na agad?
"Hindi na talaga magbabago ang sagot ko sayo Cloe.
"Ang simple lang naman ng pinapagawa ko sayo. Paiibigin mo lang si Sheilla at tyka paglalaruan mo pagkatapos iwanan mo na ganun lang naman diba ganun ba kahirap yun? Sanay na sanay ka na sa mga ganito diba! Bigla na lang binaba ni Ian ang lenya ng phone.
"WTF hello!! Hello!?? Argh SHIT! Bwesit na lalaking yun! May lakas pa ng loob ibaba ang tawag ko. Badtrip talaga ang ganda na ng plano ko nagsisimula pa lang tapos umayaw na agad sya ARGHH!! This is so frustrating! Kailangan ko na naman gumawa ng plano para paghiwalayin si Jacob at si Sheilla..

Sheilla's POV

Masayang akong pumasok sa classroom. Si Caroll at Rachel excited na sinalubong ako.

"Girl! Ano balita kahapon kamusta first date mo? Masayang tanong sakin ni Caroll.
"Oo nga Sheilla kamusta yung date mo kahapon? Dagdag pa ni Rachel.
"Yung date ko kahapon syempre Masaya! Madami kaming napuntahan at talagang nag enjoy ako. Masayang sagot ko sa kanila.
"Wow naman! Patingin nga ng mga pictures nyo kahapon! Nilabas ko ang phone ko at pinakita ko kay Caroll at Rachel.
"Aba ang ganda mo dito girl ah! At si Ian ang gwapo rin dito. Habang tinitignan nila ang mga pictures naming biglang tumunog ang phone ko at dali dali kung kinuha sa kanila.
Baka si Ian na to.
"Grabe di pa nga naming tapos tignan kinuha mo na agad? Pagmamaktol ni Caroll.
"Eh mamaya na kayo baka si Ian to. Pagtingin ko sa phone may nagtext sakin at hindi yun si Ian kundi si Jacob.

From: Empakto Guy.

Mamayang Lunch sabay tayo kumain sa rooftop.

"Ano ba yan kala ko naman si Ian. Nagtext ako ng o okay Jacob at di nato nagreply. Nakakapagtaka na simula ng umuwi ako hindi na sya nagtetext sakin o tumatawag ano kayang nangyari sa kanya? Hindi kaya naturn off sya sakin? Pero wala naman akong ginawang masama hays sana magtext na sya. T.T
Nagsimula na ang klase at tanging si Ian lang ang nasa isip ko hanggang sa maglunch.
"Guys una na kayong kumain may pupuntahan lang ako. Pagpapaalam k okay Caroll at Rachel na agad naman na pumayag. Kailangan ko na naman pumunta dun sa rooftop hays..
"Hi boss! Pagbati ko ditto.
"Upo ka may isa pa akong extra food dito kainin mo na lang. Binigay nito ang isang lunch box. Piling ko taga kain lang ako ng mga natira nyang pagkain ano ako baboy? Pero imperness naman masarap naman yung pagkain. Nagsimula na akong kumain.
"Nga pala ano pala pinagkakaabalahan mo ngayon? Mukhang busy ka nitong mga nakaraang araw.Tanong sakin ni Jacob. Tumaas ang balahibo ko sa tanong nya. Di nya pwedeng malaman ang tungkol kay Ian! >_<
"Ah medyo busy kasi ano.. uhmm.. madami kasing projects at assignment kaya ganun hehehe.. Palusot ko ditto na mukhang kinagat nya.
"Ah ganun ba ok... Nagsimula na ulit itong kumain. Kumain narin ako at di na nagsalita pa. Natapos kaming kumaing dalawa na di nag uusap.
"Tapos na ako salamat sa pagkain.. may iuutos ka bas akin?
"Wala na pwede ka ng umalis.
"Ok sige! Parang may gusto syang sabihin na di nya masabi sabi sakin. Hays baka imagination ko lang makabalik na nga ng Classroom. Habang naglalakad sa hagdan papunta ng classroom nakasalubong ko si Cloe.
"Hi Sheilla kamusta?
"Hi Cloe! Ito ok lang! Ikaw kamusta na?
"Ok lang naman. Nga pala kamusta na kayo ni Ian? Medyo nalungkot ako sa tinanong sakin ni Cloe.
"Ah ok lang naman kaming dalawa. Medyo busy lang sya ngayon.
"Ah ganun ba. Sige mauna na ako goodluck sa inyo ni Ian. Umalis na ito at nagpatuloy narin ako sa paglalakad.
Hanggang ngayon inaabangan ko ang text ni Ian. Lagi kasi yun nagtetext kung kumain nab a ako. Ano kayang nangyari dun hays. Pag dating ko sa classroom wala pa si Caroll at Rachel. Umupo na ko sa upuan nakatingin lang ako sa cellphone hinihintay ang text o tawag ni Ian.
Maya maya dumating narin ang dalawa.
"Oi Sheilla Girl! Bat panay tingin mo dyan sa cellphone mo? Tanong sakin ni Caroll.
"Oo nga tapos ang lungkot pa ng mukha mo. Dagdag ni Rachel.
"Alam nyo kasi simula ng matapos ang date naming ni Ian kahapon di na sya nagtext o tumawag sakin.
"Whatt!! Bakit kaya baka busy lang girl! Di ba Rachel?
"Oo nga baka naman busy sa projects,assignment or exams.
"Di ko alam eh parang may mali hays baka nga siguro. Baka mamaya magtext or tumawag narin yun. Pagkatapos kung magsalita ay saktong simula na ulit ang klase. Sa lahat ng subjects lutang ako dahil kay Ian hanggang sa nag uwian na.
"Girls una na ako sa inyo may sales ng damit ngayon sa mall! Bye. Pagpapaalam ni Caroll.
"Ako din may date pa ako una narin ako Sheilla. Sunod na nagpaalam si Rachel.
Abat ang mga to talaga! Di ako tinulungan sa pagliligpit ng gamit sa group activity namin mga nagsilayas na ayts.. Inayos ko muna ang kalat namin bago lumabas ng classroom. Ang lungkot ko ngayon.. pagmalungkot at stress ako pumupunta ako sa toms world para maglaro pampatanggal stress at ang kumakain ako ng jjampong!
Ng makalabas na ako ng gate nakasalubong ko si Jacob.
"San ka pupunta uuwi ka na ba? Tanong nito sakin.
"Hindi pa pupunta ako ng mall ngayon para maglabas ng stress ko. Sagot ko dito.

Secret Beauty WithinWhere stories live. Discover now