Chapter 8 (Boodle Fight)

16 2 0
                                    

Napatingin ang lahat kay Chester at animoy gulat na gulat. Alam din kasi nila na talagang magkaaway si Jacob at Vincent na ngayon nasa iisang party! Tumingin naman ako sa paligid para hanapin si Jacob pero wala sya dito. Siguro nasa loob ng bahay.
Iniwan muna saglit ni Chester si Vincent at nilapitan ako.
"Asan si Jacob? Tanong nito sakin.
"Wala dito eh baka nasa loob. Ngumiti lang ito sakin at di nya pinansin si Cloe. Pumasok na ito sa bahay para hanapin si Jacob.

"Nasa loob pala si Jacob? Tanong sakin ni Cloe.
"Oo ata wala sya dito eh. Pagsagot ko ay agad syang kumaripas papasok sa loob ng bahay.
Halata namang si Jacob lang ang pinunta nya dito. Naiwan ako magisa sa table at walang kausap. Tumingin tingin ako sa paligid. Maganda pala ang garden nila Chester madaming halaman. Buti na lang at walang swimming pool at baka magswimming ang mga bisita pagkatapos kumain at mabuko pa ako sa itsura ko. Maya maya ay lumapit sakin si Vincent.
"Andito ka pala? Tanong nya sakin.
"Hehe Oo ikaw din di ko akalain na pupunta ka dito akala ko kasi di ka mahilig sa mga ganito.
"Ah nakiusap kasi sakin si Chester na sumama dito kaya di napilitan na lang ako sumama.
"Close ba kayo ni Chester? Curious kung tanong sa kanya.
"Oo matagal na. hindi lang kami minsan magkasama.
"Ah ok.. Pagkatapos ng pag uusap namin ay natahimik na kami. Lumabas si Chester sa bahay na kasama si Jacob. Nagulat naman si Vincent at nandito pala si Jacob.
"Tsk kung nandito lang sya sana di na lang ako pumunta. Napatingin ako sa sinabi ni Vincent.
Tumingin ulit ako kay Chester at Jacob. Si Jacob nakatingin na sa direksyon namin na parang nagulat din.
"Guys! Pagdikit dikitin na natin yung apat na table. Gawin nating long table kasi mag boddle fight tayo at para naman wala tayong sariling mundo at magkakilakilala tayo.
Dinikit na naming ang table gaya ng inutos samin ni Chester. Pumasok si Chester at Jacob sa loob para kunin ang mga banana leaf at inilagay nila ito sa table tinulungan din sila ng ibang tao.
Inutusan naman nya si Vincent at ang ibang lalaki na maglabas pa ng isang table galing sa loob ng bahay para lagyan ng alak at juice. Binuksan naman ni Chester ang speaker at nagpasound ito. Yung mga classmate ni Chester nilagay na ang inihaw na baboy at manok na may kasamang kamatis at itlog na maalat. Pinagdikit dikit na namin ang upuan sa table. Pagkatapos ng paghahanda ay isa isa na kaming naupo. Halos ayaw ng ibang tao na makaharap at makatabi si Vincent dahil takot sila dito kaya napaupo na lang si Jacob sa harapan namin kasama si Cloe. Katabi ko naman si Vincent,Caroll at Rachel. Bago magsimula ang kainan ay nagdasal muna kami at may inanaounce pa si Chester.
"Guys pasensya na kayo at ito lang nagawa ko para sa inyo. Sorry din kasi wala kaming swimming pool dito at garden lang. Tamang soundrip, kain at inuman na lang tayo guys sana mag enyoy kayo! Tara kainan na! Pagkatapos magsalita ni Chester ay kanya kanya na kaming kain. Pagtingin ko sa harap naming nakita ko si Cloe na pilit na sinusubuan si Jacob. Si Jacob naman iwas dito at patuloy lang sa kinakain.
Natawa na lang ako. Paglingon ko sa kaliwa grabe kumain si Vincent halos maubos nya na pagkain sa harap nya. Di na ako magtataka talagang matakaw ang taong to.
Tumuloy na lang ako sa kinakain ko. Pagkatapos naming kumain lahat ay kanya kanya na kaming chikahan sa isat isa. Nakipagkilala kami nila Caroll at Rachel sa mga kaklase ni Chester. Si Cloe kinakausap si Jacob. Habang si Jacob iritang irita at nakatingin lang sa kawalan. Si Vincent naman kausap si Chester.
"Wow di ko akalain na nandito pala ang mga school beauties! Buti na lang at pumunta ako dito. Natawa na lang kami nila Caroll at Rachel sa sinabi samin ng lalaking kaklase ni Chester.
"Sheilla Pwede ba makuha number mo? Sa totoo lang matagal na kasi kitang crush hihihi. Sabay kamot ng isa pang lalaki sa ulo nito.
"Sorry binibigay ko lang yung number ko sa kakilala ko. Sagot ko dito. Napabuntong hininga na lang ang lalaki at mukhang nadismaya ito.
"May boyfriend ka na ba Sheilla? Pwede Manligaw? Napangiti na lang ako sa lalaking nagtanong at Bigla namang sumingit si Caroll sa usapan at ako nagpaalam na magccr lang at sinenyasan sila Caroll at Rachel na sila na bahala sa mga lalaki dahil kung ano ano na mga tinatanong sakin na nakakaawkward. Pumunta ako sa loob ng bahay para dun muna tumambay.
"Grabe mga lalaking yun mga tanungan talaga hays...
"Oi ano ginagawa mo dito? Nagulat ako ng biglang sumulpot sa likod ko si Chester.
"Ay kabayo nagulat naman ako sayo!
"Sorry! Ano ba kasing ginagawa mo dito at nasa labas ang mga tao dito ka tumatambay.
"Wala gusto ko lang ng katahimikan saglit. Teka nga mag usap nga tayo! Hinila ko si Chester sa gilid para walang omistorbo sa usapan naman kung sakaling may pumasok at dumaan.
"Bakit ano ba yun?
"Bakit mo pinagsama sila Vincent at Jacob dito baka mamaya mag away ang dalawang yan! Alam mo naman na mortal enemies ang dalawang yan!
"Gusto ko kasi na magkaayos na silang dalawa! Tyka yun din ang gusto ni Jacob.
Napatigil ako saglit at napatanong sa sarili. Ha? Gusto ni Jacob na magkaayos sila? Eh sa tuwing magkakasalubong ang dalawa away agad ang nangyayari.
"Ano may sasabihin ka paba? Lalabas na ako! Baka hinahanap na nila ako.
"Ha? Ah oo yun lang sige sige.
"Sige iwan na kita dyan ha.
Lumabas na ito at ako naiwang mag isa.
Sa totoo lang dati naman silang magkaibigan at mabuti narin yung magkaayos sila para wala ng away na mangyayare the more the happier pag ganun.

Secret Beauty WithinWhere stories live. Discover now