Prologue;👻

32 1 0
                                    


"🎶🎵They call me baepsae

Yokbwatji i sedae

Ppalli chase 'em

Hwangsae deoge nae garangin taengtaeng

So call me baepsae

Yokbwatji i sedae

Ppalli chase 'em

Geumsujeoro taeeonan nae seonsaengnim

Alba gamyeon yeoljeongpei

Hakgyo gamyeon seonsaengnim

Sangsadeureun haengpae

Eolloneseon maennal myeot po sedae🎶🎵"

What?! Anong oras na ba at napakaingay na agad doon sa baba? Tila may birthday party na ginaganap dahil sa sobrang lakas ng tugtugin.Ang sakit sa tenga.Bwisit.Tinignan ko ang orasan sa gilid ng kama ko dahil baka tanghali na pala at hindi ako nagising sa alarm kanina. Umakyat naman agad ang dugo sa ulo ko dahil anak ng manok , 8:40 am pa lang pala! Padabog akong tumayo sa kama at ibinagsak doon ang alarm clock ko . Nang buksan ko ang pinto ay hindi nakaligtas sa pandinig ko ang ingay ng kanta at parang inalog din ang katawan ko kasabay ng beat nitong tagos sa aking kaluluwa.Napakasama tuloy agad ng loob ko.

" OMG OMG OMG THEY LOOK SO FINE AND HOT OMG!!!! JHOPE BAKIT GANYAN KA NAMAN KAGALING MGA HIP THRUST , LETSE MABUBUNTIS NA YATA AKO!!!!" daig pa ng boses na iyon ang kinakatay na baboy.Kumunot naman agad ang aking noo. Sabi ko na nga ba!Ipinagpatuloy ko ang pagbaba sa hagdan namin.

Ang cringey lang. As in sobrang cringey ng reaksiyon na 'yon!Napairap ako sa hangin bago sumulyap sa taong nasa harap ko ngayon.Ninanamnam pa nyang mabuti ang chocolate cake na binili ko kagabi! Wow ang lakas!

" Pinagsasabi mo dyan? At yung kanta lintik lang , chingchong again?! Napakalakas na nga tapos sumabay ka pa! Dinaig mo pa yung nasa concert mismo ano?" sunod sunod at mataray na tanong ko sa kaibigan kong si Fianna Ri Song.Nandito nanaman sya ng ganitong kaaga para maki-wifi.Naputulan kasi sila dahil nadelay sa pagbabayad ang parents nya at hindi nya daw kayang mabuhay ng walang internet sa bahay nila kaya feel at home sya lagi dito.

" Chingchong ka dyan?! Parang di ka naman Korean citizen at di mo sila kilala Margarra Shin Kang! Shunga mo naman!" naroon pa din sa mata nya ang walang kamatayang kilig.Sandali nyang inihinto ang pinapanood sa kanyang cellphone na nakaconnect sa malaki naming speaker at nakapamaywang na tumingin sa akin.

"Eh sa hindi nga eh may magagawa ba ako?" pambabara ko sa kanya.

" Sikat na sikat yan sa buong kpop industry.At hindi lang dito sa South Korea kundi worldwide! BTS yan , BTS!" naghihisterya nyang sagot , kumikinang pa rin ang mga mata.

" Tinatanong ko ba?" pasiring kong sagot sa kanya.Pang isang libong beses ko nang narinig sa kanya ang BTS na yan at hindi na rin bago sa akin dahil laman lagi ng balita lalo na dito sa lugar namin.Sadyang hindi ko lang pinagtutuunan ng pansin.Wala akong balak.Sakit lang ng ulo yan.

" BWISIT KA TALAGA! Kaya di ka nakakahanap ng katapat mo eh ! You're so savage!" umuusok na ngayon ang ilong ng babaeng ito.Mukha tuloy syang iniihaw sa itsura nya.

"Thanks.And I don't need one.I'm happy being alone here." tinatamad ko pang saad.

" Arghhhhh! Sigurado akong si Suga lang ang makakataob at makakasabay sayo Marga!" ayan nanaman ang bibig nyang kala mo ay nasa kabilang kanto pa ang kausap.Tsk.

" And who the hell is that? uhm never mind.I don't give a shit." lalong nag-init ang ulo ko!

" No ! You should give a shit.It's his famous line! You should start stanning BTS.You won't regret it.I'll help you." she winks.Eew.Very eew.

" Ok fine , para sa ikatatahimik mo." I answered. But I didn't mean it  for real.Ayoko lang talagang makipagtalo pa sa kanya.Hindi ko na hinintay na muling magsalita si Fianna at dire-diretsong umakyat ulit sa kwarto ko pero bago ako tuluyang makaakyat ay sinigawan ko sya.

" Tirhan mo ako ng cake at yan lang ang aalmusalin ko!" Tiyak na pinakain yun sa kaniya ni eomma kahit alam naman nyang kailangan munang magpaalam sa akin!

" Ok boss!Good morning pala HAHAHAHAHA" pang-aasar nya pa.Wala syang kasing gaga.Pagkapasok ko sa kwarto ay dumiretso ako sa banyo at napasabunot sa sarili dahil nakakahiya mang aminin ay hindi pa pala ako naghihilamos at nagsisipilyo hehehe.Buti na lang at hindi sya masyadong dumikit sa akin.Baka sabihin pa nya na ang lakas ng loob kong sungitan sya eh ang baho baho naman ng hininga ko.Pero mas mabaho naman yung sa inyo , tse!

Sa kalagitnaan ng pagmumumog ay naalala ko ang pangalang binanggit sa akin ni Fianna. Suga? As in Sugago?HAHAHAHAHAHAHA.Ok ang corny ko na.But why is that only hearing his name for the first time already angered the hell out of me without even a reason? Weird lang , tangina.

👻

@ggukielicious

Keep Me Virgin || YoongiWhere stories live. Discover now