; 2👻

21 0 0
                                    

"What's happening on here?! Wait, Marga?! Anong ginagawa mo dito?!" Hindi pa ako masyadong nakakabawi sa sobrang kahihiyan nang may biglang nagsalita sa likudan ko na alam alam ko kung sino. AISH! Buti naman at dumating ka na! Kasalanan mo itong lahat MARIUS SHIN KANG!!!!! Humanda ka talaga sa akin dahil popompyangin ko yang pagmumukha mo.

" Simple, she's planning on seducing me" Yoongi said,broking the silence. Literal na napanganga ako at pabugang tumawa.Wow ha? tangina naman nya dahil kung may iseseduce man ako ay hindi sya! Gustong gusto kong isumbat sa kanya iyon pero pinangunahan na ako ng matinding hiya. Pero hindi ako papayag na ganon na lang kaya napapikit muna ako bago sinalubong ang walang kwenta nyang tingin at saka nagsalita.

" Asa ka ulol! " I snapped.Masyadong assuming porket gwapo sya ah.Huh?Anong gwapo Marga?! Hindi kaya!

Si kuya naman ay litong lito kakapalit ng tingin sa aming dalawa." Kailan ka pa naging manyak Marga?" Ano? Anak ng manok , napakatanga naman neto at naniwala agad.

" Manyak mo mukha mong siraulo ka! Bahala na nga kayo dyan mga kupal! At ikaw! Kumain ka na gago!" dire-diretso kong sabi at tuluyan nang lumabas.Nakakayamot ng sobra at ang lakas pa ng tibok ng puso ko.Parang ang sarap mawala sa mundo kahit saglit lang.Fuck that asshole Min Yoongi! Mas nakakabwisit pala sya sa personal.Ang bilis kumawala ng mga ugat ko sa katawan at mag-init ang dugo sa kaniya.At sobrang nakakahiya din ako! First time pa namang nangyari sa akin iyon.Gusto kong maiyak!

" Oh Marga saan ka pupunta ? Saka bakit parang pinagsakluban ng langit at lupa yang mukha mo?" salubong sa akin nitong si Fianna.

" Sa impyerno bakit sasama ka?" she just gave me a confused look bago nya ako sundan.Isa pa sya eh , napakatagal kinausap ang tatay nya eh magkikita naman sila mamaya sa bahay nila.Palibhasa daddy's girl eh , wala namang pambayad ng wifi tss.

" Nag-away nanaman ba kayo ng kuya mo? At wala talaga kayong pinipiling lugar kung dito pa ano?! Huy wag muna tayong umuwi ah kakapasok ko pa lang eh.Saka gusto kong makita yung BTS!" tsk! Yung anim lang naman talaga ang gusto kong makita at hindi kasali si Suga doon! Subalit kamalas malasang sya pa nga ang una kong nakita.'Di ko pinansin si Fianna at nagpatuloy sa mabilis na paglalakad.Bahala na.

" Margarra naman eh! Kinakausap kita! Ano ba kasing nangyari? " lumingon na ako sa kanya habang naglalakad pa rin.

" Basta! Hindi mo na kailangang malam- - " oof! Aray ko yung pwet ko!

" MARGA!" sigaw ni Fianna.Napahawak ako sa sahig at ininda ang pagkakabagsak ko.Tanginang tiles 'to bakit ba kasi ang dulas?! At bakit hindi ako nagdahan dahan?! Shit another embarrassing moment na naman tuloy! Sana walang nakakita please Lord , please.

Pero mukhang hindi ganon ang nagyari dahil bago pa man dumilat ang mga mata ko mula sa pagkakapikit dahil sa sakit ay may mga yabag akong narinig papalapit sa akin.

" Oh Miss?Gwaenchanha? Can I have your hand?" O to the M and G as in OMG! Literal na nanlaki ang mga mata ko dahil familiar sa akin ang boses na iyon. Hindi ko matawag na swerte ako dahil sa sitwasyon ko kaya sandali akong nagmakaawa sa isip ko na sana ay kunin mo na ako Lord , hiyang hiya na ako!

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Aug 02, 2020 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Keep Me Virgin || YoongiWhere stories live. Discover now