Hassle

13.8K 502 17
                                    


Chapter 5:

Circe's POV:

Dapat ay hndi siya mag isip ng kung ano ano tungkol sa pasyente niya.

Dapat trabaho lang.

Trabaho lang dapat, Circe, hindi kung ano ano. paulit ulit niyang sabi sa isip niya at on instinct ay alam na niya kung saan na niya ilalagay ang braso nito kapag tutulungan niya ito para makapunta sa gusto nito.

Napansin naman niyang parang nag iisip ito ng malalim dahil parang hindi nito pansin ang ginagawa nyang pagtulong dito, tahimik ito at nung tinignan niya ang mukha nito ay nakita niyang blangko ang mukha nito at hindi iyon laging salubong ang kilay nito kung nakasimangot.

Parang ang lalim talaga ng iniisip niya... sa loob loob niya.

Mas mabuti na din sigurong wala din itong imik.

Tama tama--

Dahil basa ang sahig ng banyo at dahil sa sabon ay naging madulas ang sahig kaya naman nung malapit na sila sa tub ay biglang nadulas ang paa niya at dahil nakahawak siya sa braso nito at naghanap ang isang kamay niya ng kakapitan para hindi siya tuluyang mapahiga sa sahig.

Napapikit na lang siya at akala niya ay tutumba na siya at handa na siyang masesante dahil ang alam niya ay sasama sa kanya sa pagbagsak niya sa sahig si Aleksander...

Pero napamulat siya ng mata.

At napasinghap siya dahil parang kakaiba yata ang nakapitan niya.

Matigas iyon...pero mainit?

Pero parang malambot ang pakiramdam? At parang pumipintig?

Pinisil niya iyon gamit ang mga daliri niya, at napakurap siya nung parang lalong naging matigas iyon pero--

"Anong--" pagtingin niya sa ibaba kung nahawakan niya para kapitan ay unti unting lumaki ang mga mata niya.

Habang hawak niya ay napatingin siya sa mukha ni Aleksander tapos ay lumipat sa hawak niya.

Ganoon din ang ginagawa nito.

Napatili siya malakas at agad niyang nabitiwan ang hawak niya at maging ito.

Tili siya ng tili na parang natuklaw siya ng ahas at hinabol ng pabo.

"N-nahawakan ko--"natutop niya ang bibig pero naalala niyang pinag takip niya sa bibig ay ang mismong ipinanghawak niya sa-- sa--

Literal na hotdog! Juskooo! tili niya sa isip at agad na inalis sa bibig ang kamay niya.

Parang nakipag lips to lips ako kay Big Bert! gustong gusto na niyang itili iyon ng malakas.

Halos hndi na niya alam ang gagawin, natataranta na siya at ang tanging gusto na lang niya ay maka alis sa harapan ni Aleksander.

"Wait! Calm down--"

Kaya naman sa katarantahan na niya kung paano makakaalis ay naitulak niya ito, at dahil nasa gilid na sila ng bathtub ay saktong nahulog ito at nahulog ito at shoot sa bathtub .

Patda siya at hindi agad nakakilos dahil sa bilis ng pangyayari.

Napakurap siya nung nakita niyang lumubog ang ulo ni Aleksander.

Dali dali niyang agad na nilapitan ito at baka nauntog na ito sa bathtub at baka--

"Hindi!" malakas niyang sabi at hindi na siya nag isip at agad na lumublob sa bathtub at agad na iniangat ang ulo nito.

Perfect Imperfections : Aleksander Where stories live. Discover now