Turns

13.2K 510 11
                                    


Chapter 30:

Circe's POV:

Ilang na ilang siya habang nakatingin sa kanya si Ana habang kumakain sila.

Kahapon pa siya dumating sa bahay nito at nalaman niyang may sumundo dito nung nagpakasal sila ni Aleksander sa Las vegas.

At ngayon kulang na lang basahin nito ang laman ng utak niya.

Nauuhaw tuloy siya at agad niyang kinuha ang tubig.

"You're still a virgin aren't you?" sabi bigla ni Ana at agad niyang naibuga ang tubig na nasa bibig niya at kandaubo siya.

"Ana!" namumulang sabi niya at naalala niya ang mga ginawa nila ni Aleksander.

"I didn't know my brother is weak, I even hel--uh I even know how he likes you so much" sabi ni Ana at ngumisi, napakurap naman siya.

"A-aleksander really likes me? Sinabi niya sa'yo?Kailan?" sunod sunod at curious niyang tanong akmang magtatanong pa sana siya pero napansin niya ang pagngiti nito ng makahulugan.

Namumula ang mukhang ibinaba niya ang tingin.

"What happened to the both of you? Be honest" seryosong sabi ni Ana at hinawakan pa ang baba niya at itinaas ang mukha niya.

Lumunok muna siya ng ilang beses at nilalaro niya ang daliri niya.

Parang nakakahiya sabihin kasi dito, at nakakailang?

"Did he kissed you?" hula nito.

"Y-yes...uhm m-meron pa..." mahina at nahihiyang sabi niya dahil tuwang tuwa itong impit na tumili.

"What else? Hugged you?" hula nito.

"H-hula pa" tumatangong sabi niya.

"OHMYGOD? YOU GUYS DID IT?" napapasinghap na sabi nito.

"Uy hindi nga eh!I mean NO!" namumulang tanggi niya.

"Wow... I'm speechless...and clueless" sabi nito at tumaas ang kilay nito, napalunok naman siya namumula, hindi naman pwedeng sabihin niya dito at idetalye dito na 'nagpakain' siya dito na parang fiesta at ginawa niyang 'kalamay' ang angry bird nito di'ba?

"W-we got m-married" mahinang sabi niya dito at saka niya iniwas ang mata.

Pero sinilip niya ito, at kita niyang inalog nito ang tenga nito.

"Excuse me what? I think I just heard that you married my brother" sabi nito sa nanlalaki ang mga mata.

Tumango siya.

At saka impit na tumili ito.

Nahihiya naman siyang yumuko, at nagulat na lang siya nung bigla ay niyakap siya ni Ana.

"Thank you, I'm so happy, did you know that I secretly shipped you both? That when the first time I saw you, I said to myself 'ah this woman has to become my sister" tuwang tuwang sabi nito.

"Huh?" takang tanong niya tumawa ito at inilayo ang mukha nito sa kanya.

Tingin nito ay kapatid?

Sabagay siya din naman lalo na nung narealized niyang gusto niya talaga si Aleksander.

Napatingin naman siya dito, tama talaga siya, kaya siguro naging malapit ang loob niya dito at naipagkamali niyang gusto niya ito.\

Gusto pala niyang maging malapit dito dahil wala siyang naging kakampi at kapatid nung mga panahon na wala siyang ibang malapitan.

"I'm sorry, I kinda pulled something and did everything so you could be here and ended up with my brother, but nevermind! I'm just so happy you're my sister now" sabi nito at niyakap siya ulit ng mabilis.

Perfect Imperfections : Aleksander Where stories live. Discover now