Chapter 26

651 47 0
                                    

[Reykardo POV]
 

Sa wakas, matapos ng dalawang araw na pagdarasal ay naipaskil na rin ang resulta ng pagsusulit namin sa notice board.

 
Kaming dalawa lang ni Danilo ang naglalakad ngayon kasi hanggang ngayon tulog parin si Alysson, niyaya naming pumasok ang sabi niya, "Palalabasin rin lang naman ako ng prof natin. Kaya matutulog na lamang ako", puyat na puyat yata kaya hindi na namin tinangkang gisingin ulit.

 
Parang traffic sa EDSA ang naganap sa Notice Board, dahil sa rami ng mga estudyanteng nagkakandarapang makita ang resulta ng pinaghirapang test.

Na kahit siguro mag-hire ka ng traffic enforcer aba'y parang hindi matitinag ang mga ito.

 
Pero hindi sa amin ni Danilo, na nakipagsiksikan talaga makita lamang ang resulta ng test matapos namin manalangin ng taimtim.

Pero pagkadismaya lang ang natanggap namin. Dahil siguro kahit ano pang santong dasalan ang gawin naming mga bobo, ay mananatili parin kaming bobo na ang pangalan ay laging nasa hulihan sa listahan ng test results.

 
Second to the last ang pangalan ko samantalang si Danilo ay ang siyang pinakalast.

 
"Ang pangalan ni Alysson?", ang tanong ni Danilo na sinubukan ko namang hanapin sa top 200 students na nakapasa, pero hindi ko makita ang pangalan niya.
 

Para kaming sinakluban ng kalangitan  lalo na si Danilo, na nauna na sa akin magdrama sa isang sulok.
 

Marahil ay iniisp niya na mabuti na kahit kami yung pinakahuli sa listahan ng mga nakapasa, at least pasado. Hindi tulad ng pangalan ni Alysson na wala talaga sa listahan.

 
Muli kong hinanap at baka namalik-mata lang ako.

 
At sa paghahanap ko ng pangalan ni Alysson ay ang siyang higit ikinatayo ng aking mga balahibo.

 
Napaupo ako katabi ni Danilo, tulala.

Narinig niya ang wikang galit ni Bayani na nagrereklamo pa sa mataas na nakuhang resulta, "Hindi ako makapapayag. Hindi! Hindi!", ang inis nitong  sabi na kulang na lamang ay umiyak na parang bata.
 
 
"Ano bang kinapuputok ng butsi nyan?", ang tanong sa akin ni Danilo habang nakapikit ang mga mata at hawak-hawak ang noo.
 

"Siguro ay dahil pangalawa lamang siya sa listhan", ang tanging naisabi ko.

 
"Sinong una?", yun yung tanong niya na ikinatamimi ng bibig ko. Na ilang sandali ay nasagot ko rin sa pagsabing…

 
Si Alysson.


DakBoWhere stories live. Discover now