Chapter 41

643 43 2
                                    

[Danilo POV]
 
Malakas na inanunsyo sa lahat ang parangal na, "Best Student of the Year: Alysson Timothy Francisco Diosdados Macapagal Aquino Mercado!"

 
At malakas na nagpalakpakan ang lahat na nagtayuan pa para lamang salubingin ang pagdating ni Alysson na siya nang tutungo sa stage para tanggapin ang diploma.

 
Lahat nakangiti, pero siya lamang ang may malungkot na mga mata.

 
Sa sobrang saya ko pa nga at ni Rey ay naluha pa kami ganun din si Vivo na siyang unang tagapaghanga nitong si Alysson.

 
Nakipagkamay sa kanya si Mr. Director ng masaya at iniabot sa kanya ang diploma.

 
"Sir isang shot lang!", ang sigaw kong sabi.

 
At walang pag-aalinlangan ay hinawakan ni Director ang palad ni Alysson at masayang ngumiti ng magkatabi.

 
Hanggang sa natapos na ang seremonya at sabay-sabay na naming mga graduates itinapon ang graduation hats sa ere. Tanda na tapos na kami. Tanda na graduate na kami. At tanda ng aming pagpupunyaging maabot ang tuagatog ng tagumpay.

 
Masaya ang lahat habang kasama ang kani-kanilang mga pamilya.

Tinulungan na ni Rey si Mr. Lacsaman na bumihis dahil balak nitong surpresahin si Alyssoon at ipagsigawan sa buong SCE na mahal niya ito.

 
Ngunit habang inihahanda ko ang kamera ko para kunan ng litrato ang masasayang pangyayaring ito, ang yakapan ng mga lumuluhang magulang para sa anak, ang pagyayakapan ng magkakaibigan at ang tawanan ng magkakaklase, ay tanging nahagip ng kamera ko ay palihim na pag-alis ni Alysson sakay ng taxi bitbit lahat ng kanyang gamit.

 
Walang salita ng pamamaalam, agad siyang lumayo na walang pasabi.

 
Iyun yung huling pagkakataon na nakita ko siya. At matapos noon, ay wala na akong naging balita patungkol sa kaibigan kong si Dakbo.

DakBoWhere stories live. Discover now