1

32 2 0
                                    

Hindi naman ako katalinuhan. At kabaligtaran ko naman ang salitang sipag. Kumbaga parang north and south pole, sobrang layo. Pero noong nalaman ko na nagka-isa ang mga kaibigan ko na –take note of this: 'TOP STUDENTS' na pumasok sa iisang university, naisipan kong makisabit nalang sa kanila kasi... ewan, ayaw ko maiwan mag-isa.

At diyahe nga naman talaga kasi sa Penndragon University pa nila naisipan pumasok lahat. Of all universities, bakit 'yun pa talaga? Muntik na nga akong magback-out noong malaman ko na sa PU sila papasok.

Kilala kasi ang university na 'yun sa buong bansa. Kinikilala rin globally dahil sa academic standards nito. Top university. Stereotype na talaga na pag PU, 'matik straight A students lang ang nakakapasok. Kaya hindi na rin ako nagtataka kung bakit doon gusto pumasok ng mga kaibigan kong TOP STUDENTS. Sa sobrang kinikilala ito, 'pag estudyante ka dito, elite ang tingin sayo ng mga nakakasalubong mo at iiwasan ka talagang tanungin kasi nakakaconscious nga naman diba? Mamaya, ang obvious na pala ng sagot sa tanong mo ta's tinatawanan ka na nila sa loob-loob.

Ayan pang isang ugali ng mga taga-PU. Dahil nga 'elite' students sila, pati ang tingin nila sa sarili nila tumataas.

Tingin nila sayo pag taga-labas ka ng school ay di hamak na indio lang. Para kang laging laman ng guidance office dahil sa tingin nilang nakakababa.

Ewan ko kung totoo 'yan. Nababasa ko lang naman 'yan sa mga secret files page sa facebook. Malay mo lang naman diba.

Kaya nga hindi ako makapaniwala na nakapasa ako. Akalain mong yun, ako, si Nova Anais Lopez na tulog lagi sa klase ay nakapasa sa Penndragon University.

Worth it ang 3am sleeps ko nang ilang buwan.

Nakapasa ako. Sa Penndragon University. Wow. It's too good to be true.

"Hoy bakit ka umiiyak diyan?" Masungit na tanong ni ate. Bitter kasi nakapasa ako. Pero I know sa loob-loob niyan proud 'yan saakin. Ayiee.

"Tears of joy 'to." Sabi ko habang nakatingin sa kaniya at basang-basa ang mukha dahil sa luha at uhog.

***

Five months.

Five months na ang nakalipas simula noong malaman kong nakapasa ako sa Penndragon University. Hanggang ngayon kinikilig pa din ako pag naiisip ko na sa PU ako papasok this college, kasi hello? PU? You mean ang acronym ng "Perfect University you could think of"? Okay, excited lang talaga ako.

Nakagraduate na din ako sa Senior High School. Of course, hindi naman ako kagaya ng mga kaibigan ko na grumaduate with high honors.

As usual, tagapalakpak lang ako at taga "ANG GALING MO BES!" lang ako tuwing sinasabitan sila ng medal. Ako kasi yung tipong linamon na ng pagkamediocre. Average lang. Hindi magaling, hindi din mahina. Sakto lang talaga. Parang jack-of-all-trades.

Pinaka-pinagmamalaki ko na sigurong attribute ko ay yung kaya kong ibaliko yung hinlalaki ko. Ha! Hindi yun kaya ng mga kaibigan ko! Ako ang chosen one. Joke lang.

Pero kahit ganoon, masaya ako para sa kanila. At mas masaya ako kasi magkakasama pa rin kami sa iisang university.

Hindi naman sa dependent ako sa kanila at feeling ayaw lumayo sa kanila, it's just that...

Well, oo siguro ayoko nga talagang mahiwalay sa kanila, pero parang breakthrough din 'to sa buhay ko.

Kahit once lang, maipakita ko na ang mediocre na taong katulad ko ay kayang makapasok sa isang reputable school gaya ng PU. Hindi naman din kasi ganun kadaling maging mediocre, lalo na't napapaligiran ako ng mga kaibigan ko na mga with substance talaga. Ang hirap.

Lalo na't ang daminng chismosa na mga walang ganap sa mga buhay nila kaya ibang tao nalang ang pinag-uusapan? Naku, nakakasubok.

Okay enough with the drama.

One week nalang din ang natitira para i-prepare ko ang sarili ko sa college. Kinakabahan ako. Typical. Pero mas kabado ako ngayon kumpara noong releasement day ng results.

Kasi ito na talaga ang real deal! Feeling ko hindi na gymnast ang tiyan ko, nagpaparkour na siya.

Ngayon, nandito ako sa supermaket kasama sila mama na mas excited pa saakin pumasok sa PU, si papa na mukhang nahigit lang ni mama mula sa pagkakatulog –nakakatawa nga kasi pagkagising ni mama kay papa kanina dire-diretso siyang kotse kahit nakapajama pa siya. Akala ata aalis na kami agad-agad eh hindi pa nga siya nakakaligo. #medyosabog.

Naggrocery kami para sa mga kakailanganin ko sa dorm. Oo, magdodorm ako kasi tatlong oras pa ang biyahe mula sa bahay hanggang PU at para hindi na ako mahirapan magcommute araw-araw. Noong una tutol pa nga si papa pero nung sinabi sa kaniya na ihahatid-sundo nalang ako ni papa gamit ang kotse kapalit ng hindi ko pagdorm, hindi na siya nagsalita. #medyotamad.

"Ayan nalang ba ang kailangan mo?" Tanong ni mama saakin. Kanina pa 'to hyper eh. Parang siya talaga ang magdodorm dahil halos siya na ang nagpuno ng grocery cart.

Hindi naman ako nagrereklamo.

Tinignan ko ang big cart na tulak-tulak ng ate ko. Akalain mong 'yan, nakalimutan kong kasama pala namin 'yan. Kulang nalang itaob niya yung buong cart dahil siya ang pinagtutulak ni mama. Pero, yung big cart, punong-puno na ng mga kung ano-ano.

May nakita pa nga akong toilet plumber. Bakit may ganyan diyan?

Pero may kulang pa na isa. Isa nalang talaga. Bawal mawala 'yun sa cart na 'to.

"Meron pa, ma. Saglit lang, diyan lang muna kayo." Sabi ko at lumakad-takbo papuntang beverages part. Para akong constipated na naghahanap ng banyo sa itsura ko pero wala akong pakialam. Kailangan ko ng stock ng yogurt milk sa dorm.

Makalimutan ko na ang ballpen 'wag lang ang yogurt milk.

Pagdating ko sa shelf ng mga box ng yogurt milk, nakita kong iisa nalang ang stock. Strawberry pa. Not a fan pero okay na 'to. At least yogurt milk pa rin.

Mas gusto ko lang sana kung banana flavor, ugh.

Tinaas ko ang dalawang kamay ko para abutin sa pinakatuktok ang nag-iisang 16 yogurt milk cartons per box–strawberry flavored na parang sa anime ay may glitter effects pa sa gilid-gilid.

Pero nabato ako sa pwesto ko nang may nakita akong dalawang mahabang braso na umabot at kumuha dito. 

Parang slender man kasi ang haba talaga! Pero hindi yun ang main point dito!

Hindi ko 'yun kamay!

Luh, syempre hindi ko 'yun kamay kasi hindi ko pa nga nahahawakan ang mismong box at nasa ere pa din ang kamay ko. At hindi ganoon kahaba ang braso ko!

Mabilis akong lumingon na pinagsisihan ko din dahil hindi ko akalain na sobrang lapit ko pala sa taong nasa likuran ko.

I mean sobrang lapit niya!

Umatras ako at tinignan ang walang modong kumuha ng yogurt milk ko. Muntik na akong tumakbo pabalik kay mama kasi, Lord, ang gwapo, bakit? Allergic ako sa pogi. At man, sobrang tangkad niya. Basketball player ba 'to? Anong barangay?

Tinitigan niya lang ako saglit.

Awkward.

Awkward na pogi.

Pero nawala ang paghanga ko sa mukha niya nang bigla nalang niya akong tinalikuran na parang walang nakawan na nangyari 1 minute ago. Bitbit ang yogurt milk ko.

"Hoy! Yogurt milk ko!" Sigaw ko. Pinagtinginan tuloy ako, parang tanga lang. Pero huli na dahil nakalayo na siya at mukhang hindi na niya ako narinig na sumigaw.

Strawberries And CucumbersTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon