4

18 0 0
                                    

Natulala lang ako sa surpresang nangyari 1 minute ago. Kung hindi pa ako tatapikin ng kung sino mang nilalang sa likuran ko, hindi pa ako mababalik sa wisyo.

Nagulat lang kasi talaga ako dahil schoolmate ko lang pala ang nagnakaw ng yogurt milk ko. Lintek pa kasi boyfriend pala ni Candy. Nanliit pa lalo ang mata ko nung nakita kong may hawak siyang strawberry flavored yogurt milk sa kamay.

Ang liit talaga ng mundo.

Pero nakaget-over na naman ako sa yogurt milk kong yun na ninakaw. Tumatak nalang talaga sa isip ko na siya ang nagnakaw nun at nakakainis lang siyang tignan ngayon na enjoy na enjoy sa pagsipsip ng yogurt milk.

Okay, saan na ba tayo parating?

Lumingon ako sa tumapik sa akin at sinalubong ako ng nanlalaking mata ni Hana. Ginalaw-galaw niya ang mata niya na parang sumesenyas.

Pero hindi ko magets.

Mahina ako sa mga ganyan.

"ANO YUN?" I mouthed sa kaniya.

"SIYA YUN." She mouthed back. Para kaming baliw kasi naglalakihan pa mga mata namin.

"SIYA ANG ALIN?" Tanong ko. Siya yun, sino ba 'yan? Siya ba ang kordero?

Ang alam ko lang ay siya ang nagnakaw ng yogurt milk ko.

Lumingon muna ako kila Candy na nakatayo pa rin sa tapat ng table namin. Mamaya ko na lang tatanungin si Hana kung anong ibig sabihin niya dahil may pending pang kamustahan.

"S-sorry. Hello Candy. Hello rin S-Sirius, Sirius. Tama ba? Hehe." Awkward kong bati kanila Candy at sa kasama niya.

Sirius. Rings a bell, pero hindi ko matandaan kung saan ko narinig o nabasa.

Alam ko lang sirius ay yung star tyaka yung godfather ni Harry Potter, si Sirius Black.

Hindi ako sinagot ni Sirius. Blanko lang ang mukha niya habang sumisipsip sa yogurt milk. Parang inip na inip na siya at gusto nang hilahin si Candy paalis. Pero napansin kong medyo napahinto siya nung napatingin sa akin pero segundo lang 'yun. Siguro namukhaan niya na rin ako. Bumalik agad sa pagka-blanko ang mukha niya.

Edi 'wag mo sagutin. Napasimangot nalang din ako dahil madali talagang nasisira ang mood ko sa mga taong walang modo. Mabulok sana laway niya diyan sa tabi.

"Sorry. We were suppose to leave but I saw you so I thought it wouldn't hurt to say hi. I hope I wasn't bothering something?" Sabi ni Candy. Ang sweet-sweet talaga at ang bait ni Candy. Barbie material. Lagi pang nakangiti. Hindi ko lang maintindihan kung bakit niya boyfriend 'etong bituin na Sirius na 'to.

Wala na ngang modo, ninakaw pa yogurt milk ko.

Move on na talaga ako tungkol 'dun ha!

The name really rings a bell.

Sirius.

Sirius.

"Nakakaabala *coughs* ka talaga *coughs* actually." Rinig kong tikhim ni Hana. Nagulat din ako kay sa sinabi na Hana kaya nagpanic agad ako.

"Excuse me?" Tanong ni Candy na medyo tumataas na ang kilay. Narinig niya lagot. Ang sama talaga ng bibig ni Hana.

Lumingon ako sa mga kaibigan ko at kita ko silang pakunwari pang walang ginawang masama. Lalong lalo na si Hana. Okay, panic mode.

"W-wala, ano...Grace, 'wag mo kasing abalahin si Hana, hehe. Alam mo namang may sakit 'yan. Dalhin na kaya natin sa clinic? Baka lumala pa." Palusot ko habang pinapalo-palo si Grace. Kunwari inaasar niya si Hana. Ang lame. Sana lang talaga lumusot.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Aug 27, 2019 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Strawberries And CucumbersTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon