Not Feeling well

285 8 0
                                    

Kanina pa talaga ako di mapakali, hindi lang pala kanina nung isang araw pa pala. Pano kasi si kathryn di ko alam bat ang weird niya talaga.

Nung isang araw, Halos hindi bumabangon sa higaan namin. Kesyo daw pagod siya. Eh wala naman kaming ginawa and fyi hindi ko siya pinapagawa dito sa bahay.

Eh wala naman kaming ginawa kagabi nun. (Pramis wala talaga.)
Pinapadalhan ko nalang siya ng foods sa kwarto namin. Wala naman akong ginagawa sinabayan ko nalang pano ang kulit eh.

Tas eto ngayon nilalagnat nga, Nagising ako na nakayakap siya sakin habang nakasiksik ako sa leeg niya. Ang init init niya, Di ko talaga alam kung anong pinag gagawa netong babaeng to bat napagod ng husto.

Di ko na muna inusisa dahil tulog na tulog pa. Kailangan ko pang alagaan tong baby nato. Di ako sanay pag nagkakasakit siya naawa ako.

Kaya habang tulog siya pinupunasan ko ng basang towel katawan niya and nag prepare nadin ako ng soup para if ever magising na siya papakainin ko nalang tas papainumin ko na ng gamot.

Tatawagan ko na muna si mama min, tatanungin ko kung ano ginawa nila kahapon bat nalagnat. Umalis kasi ako kahapon pinapatawag ako ni papa para campaign niya. Gusto ngang sumama kaso sabi ko mapapagod siya sa biyahe dito nalang siya. Kaya pinuntahan siya ni mama min kahapon dito.

TITA MIN - (B)
DJ- (I)


"Mama min, Good Morning po!"

"Good Morning din, napa tawag ka nak?"

"Eh kasi po yung bunso niyo nilalagnat, tanong ko lang po sana kung ano ba ginawang kakulitan naman po ng asawa kong to? Sobrang pagod po mama"

"Nako, lumabas sila ni arisse at trina kahapon. Nag gym ata sila eh naka leggings lang yun pag alis nila, Hindi na ako sumama sa kanila nagluto nalang ako dito sa bahay niyo para hapunan. Di ba sinabi sayo ng asawa mo?"

Nako, kathryn kaya pala nag gym pala kahapon. Kaya nadatnan ko nalang kahapon pag uwi ko tulog na tulog.

"Ah eh di niya po binanggit sakin :(
Nako tong bunso mo talaga mama min. Ngayon ang init init niya. Kinakabahan ako mama min."

"Nako, sa sobrang excited siguro makasama yung dalawa nakalimutan na niyang mag text sayo. Wag kang kabahan dyan ako kaba, Pakainin mo nalang ng sopas and then painumin mo ng gamot. Lagnat pa ngalang grabe na ang kaba mo dyan pano pa kaya kapag manganak  na yan?"

"Eh kasi mama eh hahaha ang kulit pa naman neto pag may sakit. Kaya nababahala ako mama min. Nako na eexcite ako sa huling sinabi mo mama."

Habang tinitignan ko si kathryn na hanggang ngayon tulog na tulog padin. Initin ko nalang uli yung soup na ginawa ko.

"Hay nako, dagdagan niyo na apo ko ha? Haha hinay hinay lang anak. Oh sya sige na tawag kalang uli pag kailangan moko. Alagaan mo na yang asawa mo."

"Thank You po mama min labyuu."

"Sige na, mahal ko din kayo"

Nag gym pala ang baby ko, Kaya pala bagsak na bagsak katawan eh.
Tinignan ko ang orasan and 9:00 am na pala. Kailangan niya na talagang uminom ng gamot.

Sorry love.

Hinalik halikan ko ang noo niya hanggang sa magising na siya. Pupungay pungay pa ang mga mata niya.

"Good morning love" She smiled at me.

"Mmm Morning love" Dumako ang paningin niya sa dala dala kong soup.

Fords to Forever.Where stories live. Discover now