KABANATA III

75 48 2
                                    

Shoutout nga pala kay Lyka Maravillas, mahal na mahal kita! Miss na kita best friend ko. Anchaka hahahaha.

Enjoy reading!

Kabanata 3

Andy's POV

So inhale, exhale. Inhale, exhale.

Huminga muna ako nang malalim bago pumasok sa building na pagtatrabahuhan ko. Kinabahan talaga ako, super. Kasi first day na first day late. Baka hindi pa 'ko nagsisimula eh tanggalin na 'ko. 'Wag naman po sana.

Nagtataka nga si kuyang guard sa ginagawa ko. Alam mo yun, parang gusto niyang gumaya hehehe.

Pumasok na din ako after. Sumalubong sakin ang mga trabahador din kung hindi ako nagkakamali. Katulad din kasi nung damit na binigay sakin ni Madam.

Oh my! Sabi na nga ba eh. Nakalimutan ko yung binigay ni madam sakin sa bahay. Ano nang gagawin ko? I really forgot. Pagkatapos kasing umalis ni Luke sa bahay ay umalis na din ako. Masyadong naoccupy ng daga ang brain ko. Hangal.

Alangan namang umuwi pa 'ko. Ang mahal-mahal kaya ng pamasahe tsaka ang hirap kayang sumakay. Haggard na nga 'ko eh. Kakausapin ko nalang si Madam.

Pumasok ako sa office ni Madam and ineexpect ko na talaga na magiging ganito ang itsura niya.

And tama nga 'ko. Bakas sa kaniyang magandang mukha ang disappointment. Well, kasalanan mo 'yan Andy.

"Hindi ko inaasahan na malelate ka ngayong first day mo. Do you really need this job? Do you really deserve this? Explain." I badly need this job, pero di ko na sasabihin.

"I'm sorry ma'am for being late today. May nangyari kasi sa bahay lalo na't mag-isa ako kaya kinain ang oras ko. Papasok na'po talaga ako pero biglang nagkaproblema. Sorry ma'am."

"Sige, just wear your uniform and start."

"Ma'am may isa pa pong problema." Focus kasi Andy.

"What is it?"

"Naiwan ko po yung uniform ko kakamadali. Bukas po talaga aayusin ko na. " sabay yuko. Ayokong makita yung reaction niya. Masyadong maganda.

"2 points Andy. Dahil diyan, maglinis ka na ganiyan ang suot mo, nakakadisappoint Locsin. "

"Okay lang po, sorry po ulit ma'am." Tumayo ako tas nag-bow for sorry and pagpapaalam kasi magistart na 'ko.

Naku Andy.

Lumabas ako ng office niya and nilibot ko ang tingin ko sa loob ng building. Ano pa kayang lilinisin ko? Mukhang 'di ako mapapagod maglinis, mas mapapagod pa ata akong maghanap ng dumi at mga kalat.
Well, goodluck.

Nang hawak ko na yung mga panlinis, biglang may umakbay sakin. Nagulat ako. Alam ba niya yung personal space? Ha!? Joke, ang atityoda ko na agad.

"Hello!" nakangiting bati niya. Tiningnan and nginitian ko siya. Maganda siya, morena, maamo ang mukha. Siguro nasa late twenties 'to. Mukhang magiging kaclose ko 'to. Why not?

"Hello din." sabi ko.

"Bakit antipid mong magsalita?" Ano daw? Kailangan bang mag-speech agad ako?

"Bakit? Dapat ba madami akong sabihin?"

"Wow, I like you na!" Saka siya yumakap. OA ah. Ganito ba talaga siya kaclingy sa lahat? Ni hindi ko pa nga siya kilala eh.

"Dito ka din nagtatrabaho?"

"Yup" habang pasimpleng nagwawalis. Akala mo talaga may nililinis.

"Friends na tayo?" grabe tong magandang 'to.

"Agad-agad? Ni hindi pa nga kita kilala eh"

"Edi kilalanin natin ang isa't-isa" Saka niya 'ko hinila, nagpahila nalang ako. No choice eh. Sasabihin ko sana na baka pagalitan kami kasi oras ng paglilinis kaso mukhang masaya maman siyang kasama kaya laban na 'yan, at mukhang sa canteen niya 'ko dadalhin hehe. Nakakaamoy ako ng pagkain ah.

Hindi ko alam kung anong irereact ko sa kaniya. Pero maganda din ito para naman may nakakausap ako tuwing nandito ako. Mahirap maging loner.

Mukhang magiging masaya ang pagtatrabaho ko dito ah. Sana.

A/N: Again, thank you for reading this chapter. Appreciated! Maiksi lang siya kasi ang hirap kung idudugtong ko yung isa. Yun yung feeling ko hahahaha.

#clingy
#feelingkomayplanosigirl hahahaha

Love Of My LifeWhere stories live. Discover now