TEASER ^-^

22 0 0
                                    

Pinagtagpo ng tadhana ang dalawang taong magkaiba ang paniniwala at kinasanayan ng 'hinaharap'.

Zandro Alfaro, ang taong walang ibang alam gawin sa buhay kundi ang magpasarap. Lahat ng galit sa mundo ay ibinabaling sa kahit na sino. Kilala ang pangalan pero hindi ginagamit sa maayos na paraan at hindi mapapasama sa listahan ng mga taong may angking kabutihan. Para sa kanya ay madaling makuha at gawin ang lahat lalo na kung may pera ka.  Ito lalaking nakapagbibigay ng sarap na hindi mo mapagtanto. At sa kama lang ang comfort zone nito.

Shanaia Castillo, nanirahan at lumaki sa Estados Unidos kung saan sa panahon ngayon ay tila ba kasalanan ang pagiging birhen sa edad niya. Edad na hindi aakalain ng maraming tao na wala pang karanasan. Seryoso sa buhay at nangako sa sarili na ang perlas niya ay para lang sa lalaking maghaharap sa kanya sa altar. May paniniwalang hindi lahat ay kayang kuhanin ng pera. Anong gagawin niya kung maramdaman niyang tila unti-unti na siyang bumibitaw sa pinanghahawakan niyang salita at paniniwala?

Si Zandro na walang patawad, nakapulot ng journal na naglalaman ng isip at damdamin ng isang babaeng tila ba may masarap na hangarin. Ngunit bakit hindi niya hinangad na angkinin ang babaeng ito sa kabila ng kapilyahan base sa kanyang nabasa?

Hanggang saan kayang pigilan at ilayo ni Shanaia ang sarili sa tuksong nag-uudyok at nagtuturo sa kanyang subukan ang sinasabi nilang masarap na bagay na hindi niya pa nararanasan? Anong buhay ang naghihintay sa kanya sa pagpiling manatili sa Pilipinas? Ano nga ba ang kayang gawin ng babaeng walang personal na karanasan... pero maraming alam?

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: May 04, 2019 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

The Journal of a VirginWhere stories live. Discover now