Kabanata VI:

1.4K 90 0
                                    

AZORES

Bumalik na kami rito sa pamilihan pagkatapos naming tulungan yung matanda at bata kanina.

"Tara daw sa bungad may anunsiyo raw mula sa palasyo" sigaw ng isang lalaki. Nagsigalaw naman ang mga nagbebenta at iniwan muna ang kanilang mga puwesto.

Natinginan kami ng mga kasama ko dahil sa narinig.

"Tara sumunod tayo" sabi ni Arioz at nauna na sa paglalakad.

Narating namin ang kumpol ng mga tao rito.

Tanaw ang entablado na gawa sa bato at naroon ang ilang mga tauhan ng palasyo.

"Hindi natuwa ang Hari at Reyna sa kinalabasan ng ani niyo ngayong buwan. Maraming sira at kulang ang produksiyon sa pagkain" Pahayag ng lalaki na sa tingin ko ay tagapagsalita at kanang kamay ng palasyo. Sa tabi nito ang isang lalaking nakamanto ng pula at ilang mga kawal.

Kakaiba ang isang yon.

"Ngunit yun lamang po ang nakayanan namin dahil sa hanggang duon lamang ang tulong na ipinabot ng palasyo" sabi ng isang matanda na mukhang lider ng mga ito.

Napatingin naman dito ang lalaki at binigyan ng matalim na tingin.

"Nagbigay nga ang palasyo ng tulong at nasa inyo na ito kung paano niyo palalaguin."

"Hindi ito lalago kung hanggat sa ito ay inyo lamang kinukuha sa mababang halaga at pinapatawan kami ng mataas na buwis" saad na naman ng lider.

Nag-ingay naman ang mga tao rito.

Kita naman sa mukha ng tagapagsalita na hindi niya ito nagustuhan. Pinigilan naman siya ng nakamanto sa tabi nito.

Kumalma muna ito bago nagsalita.

"Kung ganoon, kailangan nating isakripisyo ang isa sainyo para dumami ulit ang ani."

Nagulat naman kami sa aming narinig. Ganon na lamang ba sila kawalang puso para lang rito. Nais pa nilang mag-alay ng isang nilalang para lang makakain sila ng masasarap na pagkain habang ang mga tao rito naman ay naghihirap

"Piliin ninyo ang malusog at walang sakit para matuwa ang mga Diyos at Diyosa natin sa ating alay at mas dumami at masagana ang lugar natin" pahayag muli ng lalaki.

"Hindi ako makakapayag sa gagawin mo. Huwag ang mga tao ko" sabi ng lalaki at pinalutang ang mga bato sa paligid pasugod sa tagagsalita.

Itinaas naman ng tagapagsalita ang kanyang mga kamay at naging mga buhangin at nahulog ang mga ito.

Tinignan niya ang lider kumumpas na nagsanhi para mabalutan ng lupa at katawan nito hanggang sa kanyang leeg..

Hindi na makagalaw ang nakulong at linapitan siya ng tagapagsalita.

Aalma na sana ako ng pinigilan ako ni Cairo.

"Mag-aalay o pupugutin ko ang ulo ng nagmamagaling na to" sabi nito at binunot ang espada.

Tahimik ang mga tao at natatakot na magsalita dahil wala silang laban.

"Tutal matagal kayong magdesisyon, siya nalang ang ating alay" sabi nito at itinaas ang kanyang espada ng biglang tumalsik ang may hawak nito.

Nagulat naman ang ilan sa mga narito.

Pinatamaan siya ni Cairo ng isang tipak ng lupa ng hindi niya namamalayan.

"Walang pag-aalay ang magaganap." Sabi nito at nagsisugod naman ang mga kasamahan ng tagapagsalita.

Pinangunahan ko na ang paggalaw. Nakaharap ko ang ilang mga kawal ng palasyo na ngayon ay nakalubog sa ginawa kong kumunoy.

ZENDRAMIZ | BxBWhere stories live. Discover now