Kabanata XXXIV

713 37 0
                                    

THIRD PERSON

Kalat sa buong paligid ang mga labi ng mga nasawi sa kasagsagang labanan sa pagitan ng puti at itim. Ang ilan ay pilit na lumalaban sa ngalan ng kabutihan.

Ngunit hindi pa riyan nagtatapos ang lahat dahil ito palang ang simula.

Ang tarangkahan ng Ibrius na konti na lamang ay magbubukas na.

Isang malakas na pagdagungdung ang narinig. "Ang tarangkahan!" sigaw ni Odre Lexus. "H-hinde." ang kinakabahang saad ng ilan. Ang kaninang takot ay mas lalong lumakas dahil sa paglabas ng iba't-ibang nakakatakot na nilalang.

"Mahabaging mga Bathala, napakarami nila." si Valix.

"HAHAHAHAHA" umalingawngaw ang malakas na halakhak ng isang lalaki. Mula sa tarangkahan ay nabuo ang bulto ng isang nilalang mula sa itim na usok. "Arizon." si Haring Alfredo. "Kumusta?" tanong nito sakanila. "Nagustuhan niyo ba ang aking pasabog?" tanong muli nito.

"Arizon, itigil mo na ito." si Haring Marvin.

Binalingan naman siya ni Arizon. "Tigilan? Bakit? Noong pinatay niyo ang aking anak, tumigil ba kayo?!"

Hindi nakaimik ang Hari ng Ignitia.

Sa isang kumpas ay lumabas ang mga dating Hari at Reyna na sila Izrab. "Makipaglaro na lamang kayo saaking mga alagad." saad nito at isa-isang nagsisugod ang mga kampon nito.

GEORGIA

Hanggang ngayon ay wala kaming magawa dahil sa pagkawala ng aming kapangyarihan. Hindi namin maintindihan kung bakit wala na kaming kapangyarihan.

"Ano ng gagawin natin?" Si Memphis na kanina pa hindi mapakali.

Walang sumagot saamin dahil sa hindi naman namin alam kung ano ang aming gagawin.

Hanggang sa bigla na lamang nagkaroon ng pagliwanag sa aming harapan.

Nagkatinginan pa kami at lahat ay nagtataka.
Hanggang sa mabuo ang katawan ng isang babae. "Reyna Selene." Ang aming naibubulalas.

Nakahiga ito sa sahig at hinihingal. Agad na dinaluhan nila Maxwell at tinulungang makabangon. "Anong nangyari sainyo?" Tanong ni Denmark.

"Ang Zendramiz..." ang naisambit nito. "Anong tungkol doon?" Tanong ko. "Kasalukuyan ang labanan at malalakas sila. Napakawalan ko anh selyo na siyang nagpalabas sa iba pang mga alagad ni Arizon." Saad nito na siyang nagdala ng kaba saamin. Kung ganoon ay tama nga ang aming hinala sa paru-paro kanina.

"Kung ganoon ay ano ang dapat nating gawin? Wala na kaming kapangyarihan." Ang nag-aalalang si Cairo.

Sa pagkakataong iyon ay may lumitaw na liwanag sa harap namin.
Napatakip mata kami dahil sa nakasisilaw na dulot nito.  "Bathalang Arioz." Ang naisaad ni Reyna Selene ng siya ang naunang nakabawi.

"Wala na tayong oras, kailangan na ninyong makabalik sa Zendramiz upang tulungan sila." Ang tugon nito at kumumpas. Sa sandaling ito ay naramdaman kong muli ang pagragasa ng kakaibang pwersa saaking katawan. "May inilagay na orasyon si Izrab sainyo dahilan upang mawala ang inyong kapangyarihan." Paliwanag nito. Kumumpas pa ito at bumukas na ang lagusan.

ZENDRAMIZ | BxBHikayelerin yaşadığı yer. Şimdi keşfedin